2 Corinthians 9:11
You will be made rich in every way so that you can be generous on every occasion, and through us your generosity will result in thanksgiving to God.
*****
LOUIE POV
L-louie.
Napatayo agad ako ng marinig ko si Ms. Akira na nagsalita sa isipan ko. Napakahina ng boses nya pero sapat na para marinig ko. Agad kong tinawag ang siyam ko pang kasama sa pagbabantay. Sabay sabay kaming nagteleport papunta sa kwarto ni Ms. Akira.
Laking gulat namin ng bumungad sa amin ang dalawang itim na lobo. Ang isa ay buhat si Ms. Akira na kasalakuyang walang malay.
"Bitawan mo sya!"
Mariin kong sabi sa itim na lobong may hawak kay Ms. Akira. Nararamdaman ko ang itim na kapangyarihang bumabalot sa kanya. Kaya siguro sya nawalan ng malay dahil ginamitan sya ng dalawang ito ng itim na kapangyarihan.
"Bakit ko gagawin yun? Hawak ko na ang kailangan ko at hindi ko na ito bibitawan."
Nakangising sabi ng itim na lobo. Napakuyom na lang ako. Paano sila nakalusot sa amin?
"Pwes, hindi kayo makakaalis dito na kasama sya."
"Talaga Louie? Sabihin mo nga, bakit nyo pinagttyagaang bantayan ang babaeng ito? Kung yung mismong nag-utos sa inyo na bantayan sya ay iniwan na kayo."
Sabi naman nung isa pang itim na lobo. Nagkakamali sya. Hindi kami iniwan ni Kanji dahil alam kong pinagmamasdan nya kami mula sa mundo namin. At naniniwala ako na anumang oras ay dadating dito si Kanji lalo na at hawak ng dalawang ito si Ms. Akira.
"Tinutupad lang namin ang aming tungkulin."
Yun na lang ang sinabi ko sa kanila. Pinag-iisipan ko kasi kung paano mababawi si Ms. Akira. Hindi kami basta basta pwedeng sumugod dahil maaari yung ikapahamak nya. Kahit na sampu kami at dalawa lang sila, nasa kanila pa din ang alas.
Naiinis ako dahil sa higpit na ng aming pagbabantay, nagawa pa din nilang makalapit kay Ms. Akira. Kung nandito lang sana si Kanji.
Tumalon sa may bintana ang dalawang lobo bitbit ang wala pa ding malay na si Ms. Akira. Agad namin silang sinundan at ang bumungad sa amin ay sampung itim na lobo.
Gumawa ako ng isang napakalaking shield upang hindi makalayo at maitakas si Ms. Akira. Pero nagulat ako sa ginawa ng lalaking may hawak sa kanya. Ikinulong nya si Ms. Akira sa itim na shield.
"Nakuha ko na ang babae at hindi ako makakapayag na mabawi nyo sya sa amin."
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
