John 5:30
By myself I can do nothing; I judge only as I hear, and my judgment is just, for I seek not to please myself but him who sent me.
*****
AKIRA POV
the number you have-----
Arghhh..bakit ngayon ko pa hindi makontak si mommy?..nakakailang dial na ako pero laging out of coverage area..
"Akira"
"Shin?!..bakit ka bumangon?"
Agad kong nilapitan si Shin at inalalayan pabalik sa kwarto nya..
"wait..ok lang ako"
"ok?..eh hindi nga nababa ang lagnat mo..magpacheck up ka na kaya"
"hindi pwede"
Ay oo nga pala..hindi nga pala sya tao..tss..
"masyado ka namang concern sa boyfriend mo"
"nagawa mo pang magbiro..tss..mahiga ka na lang dyan..tatawagan ko lang si mommy para itanong kung anong pwedeng gawin sa sakit mo"
Sabi ko sa kanya nang makapasok kami sa kwarto nya..agad naman syang nahiga..
"kahit ano pang sabihin ng mommy mo..hindi yun gagana sa akin..im not a human"
Napatingin naman ako sa kanya..so kaya pala hindi nakatulong ang basang bimpo sa kanya..
"don't worry..full moon na bukas ng gabi..i will be alright then.."
"ibig sabihin..mawawala na ang lagnat mo sa pagbilog ng buwan?"
"yes.."
Pero bukas pa ng gabi yun eh..ang taas taas ng lagnat nya..at hindi ako makakampante..
"wala bang ibang paraan para gumaling ka?"
"you're really concern?"
Hah??..napatitig ako sa mga mata nya..concern nga ba ako sa kanya?..maybe oo..hindi naman siguro ako matataranta ng ganito kung hindi ako nag-aalala sa kanya..sya ata ang kauna unahan kong naging kaibigan kaya ganito ako ka-concern sa kanya..
"si Inaki kaya..ni minsan kaya nag-alala sya sakin?"
"ano bang nangyari Shin?"
Umupo ako sa may tabi ng kama at binanlawan ang bimpo..inilagay ko ito sa noo nya..nagbabaka sakali lang ako na gumana ito..hindi naman sya nagreklamo sa ginawa ko..nakatitig lang sya sa akin ngunit di nagtagal ay umiwas na lang din sya ng tingin..
"hindi nya ako kayang mahalin..at hinding hindi na daw sya babalik sa mundo namin.."
Bakas na bakas sa boses ni Shin ang sobrang lungkot..
"anong plano mo ngayon?"
"hindi ko sya susukuan.."
"kahit paulit ulit ka pa nyang ipagtabuyan?"
Napatingin sya sa akin at ako naman ang nag-iwas ng tingin..
"Nine Tailed Fox Love Code..if your love is worth fighting for..fight for it.."
"ang tanong Shin..worth it ba?"
Buntung hininga lang ang sinagot nya sa akin..
"hindi masamang sumunod sa Love Code nyo..pero hindi din naman siguro masamang sumaway dito..lalo na kung alam mong wala ng natitirang pagmamahal para sa sarili mo..loving yourself is the greatest love you will ever feel Shin..at sana wag mong ipagkait yun sa sarili mo"
Hindi sya ulit umimik..tumayo na ako at lumabas ng kwarto nya..marahan kong isinara ang pinto ng kwarto nya at nagpunta na sa kwarto ko..
Ano ba tong nararamdaman ko?..bakit parang naheart broken din ako?..tss..
*****
Bigla akong naalimpungatan nang mag-alarm ang phone ko..5:30 am..tss..agad akong bumangon at nagpunta sa kwarto ni Shin..chineck ko agad ang temperature nya..medyo bumaba na pero may lagnat pa din..nakatulong siguro ng bahagya yung paglalagay ko sa kanya ng basang bimpo..
Napahikab ako..puyat kasi ako dahil sa pagbabantay kay Shin kagabi..every 5 minutes ko kasi binabanlawan yung bimpo..bumalik ako sa kwarto ko para maligo..kahit gusto kong umabsent ngayon, hindi ko pwedeng gawin..pagkabihis ko ay nagpunta ulit ako sa kwarto ni Shin..gising na sya nung pumasok ako..
"Akira.."
"kaya mo bang mag-isa dito?..kailangan ko na kasing pumasok"
"don't worry..i will be fine"
Tumango na lang ako at lumabas na ng unit ko..uuwi na lang ako ng maaga para macheck ko agad sya..
Pagkalabas ko ng building ay sumakay na ako sa jeep..buti na lang napilit ko si Tatay Damian na wag na muna akong ihatid ngayon..dahil kapag nagkataon, iisipin ng mga schoolmate ko na sa akin talaga yung sasakyan..
Pagkarating ko sa school, as usual pinagtitinginan nila ako..pero himala, parang wala silang balak na bully-hin ako..payapa at ligtas akong nakarating sa classroom ko..nandoon na si Miro..tss..nakatungo akong naglakad papunta sa upuan ko..at the same time, hinihintay kong may lumipad sa akin..pero natapos ang buong maghapon na wala man lang lumipad na kung ano sa akin..wala din akong narinig na pangungutya laban sa akin..anong meron?..hindi ko na lang pinansin ang mga kakaibang ikinikilos ng mga kaklase ko..
Lumabas na agad ako ng classroom nung idismiss kami ng teacher namin sa last subject..dali dali akong lumabas ng gate ng school..kailangan kong makauwi agad..hayyy..kamusta na kaya si Shin..
Kasalukuyan akong nag-aabang ng jeep sa may harap ng school ng biglang may tumigil na kotse sa harap ko..i know this car..
"nasaan na ang boyfriend mo?"
Tanong sa akin ni Miro nung makababa sya ng kotse nya..hindi ko sya pinansin..
"sumakay ka na sa kotse ko..ihahatid na kita sa inyo"
Nagulat ako sa sinabi nya pero syempre hindi ko ipinahalata..ako?..ihahatid nya?..sus..baka kaya mabait sya sa akin buong maghapon ay dahil sa may binabalak syang matindi sa akin..
Naglakad ako palayo sa kanya..kaso agad nya akong hinawakan sa braso ko..
"Akira..ihahatid na kita!"
Mariing nyang sabi habang nakahawak pa din sa braso ko..
"ihahatid mo ako..saan?..sa lugar kung saan maraming nakaabang na mga itlog at kamatis sa akin?..sa lugar kung saan malaya nyo akong ibully at saktan?"
Unti unti syang bumitaw sa pagkakahawak sa akin at parang narinig ko pa syang bumuntung hininga..naglakad na ulit ako palayo sa kanya at mabuti na lang na may dumaang jeep..agad ko yung pinara at sumakay..sana naman hindi nya ako sundan..tss..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
