CHAPTER 22

3.7K 197 10
                                        

John 1:12

Yet to all who did receive Him, to those who believed in His name, he gave the right to become children of God.




*****

Sa saturday na ulit ang next UD ko kaya two chapters for today ^_^..hope you like it guys!..

Thank you and God bless!!


----nnaeillek





AKIRA POV

Pagkatapos kumain ay umuwi na agad kami sa unit ko..hindi na kasi kami nag-imikan ni Shin simula kanina..isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong unit..hayyy..pumasok na lang ako sa kwarto ko at nagbasa na lang ng libro..


Hanggang sa makatulugan ko na ang pagbabasa ng libro..nagising ako ng bandang alas kwatro ng hapon..napahaba pala ang tulog ko..ipinatong ko ang libro ko sa table ko nang may mapansin akong maliit na papel doon..agad ko yung binuklat at binasa..


Akira,

Sorry sa nasabi ko sayo kanina..pero sana marealize mo na hindi ka dapat ginaganun lalong lalo na ni Miro..you are the girl that everyone should respect every second of your life..kaya please lang..lumaban ka naman kahit minsan..

At isa pa..nagkaroon ng emergency sa mundo namin..baka mawala ako ng tatlong araw..mag-iingat ka hah..at lagi kang magpapasama kay Tatay Damian kahit saan ka magpunta..take care Akira..

----Kanji Shin



Napabuntung hininga na lang ako..tatlong araw?..mabilis lang yun..babalik din agad si Shin..ehh?..bakit ko ba sya pinoproblema?..tss..

Lumabas ako ng kwarto ko..walang Shin na kumakain ng carrots sa kusina..wala ding Shin sa may sofa at sa kwarto nya..so wala nga talaga sya..umalis talaga sya..tss..




*****

Lunes na ngayon at mag-isa lang akong pumasok dahil nga wala si Shin..as usual, pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante..hanggang sa makasalubong ko sa may hallway si Miro..

"nasaan na ang boyfriend mo?..iniwan ka na ba nya?"

Nakangisi nyang sabi sa akin..pero as usual din, hindi ko sya pinansin at nagdere deretso lang ako sa paglalakad..kaso napatigil ako nung hawakan ni Miro ang braso ko..

"alam ko wala na akong ginawa sayo kundi pagtripan ka..pero Akira..maniwala ka man o hindi..seryoso ako sa sinabi ko na niloloko ka lang ni Kanji.."


Hindi nya ako niloloko..kasi wala naman talaga kaming relasyon..


Sa halip na sabihin ko sa kanya yan ay tumahimik lang ako..hinigit ko din ang braso ko para makalayo agad sa kanya..hindi ko na kasi sya maintindihan..bakit ba parang concern na concern sya sa akin..samantalang lagi naman nya akong pinagttripan..


"AKIRA..BAKIT MO BA AKO PINAPAHIRAPAN??!!"

Sigaw nya sa akin kaya napatigil na naman ako sa paglalakad..nakatingin na sa amin ang lahat ng estudyante..ano na naman bang trip ni Miro ngayon?..at saka pinapahirapan ko sya?..ako pa talaga ang nagpapahirap?..bakit..pinapahirapan ko ba sya sa pangttrip nya sa akin??..

Hindi ko sya nilingon..nag-umpisa na lang ulit akong maglakad..tss..bahala sya dyan..kung ano man ang trip nya ngayon..wala ako sa mood para isipin pa yun..

"AKIRA..I....










I THINK...





















I THINK I'M FALLING FOR YOU!!!"



I THINK I'M FALLING FOR YOU!

I THINK I'M FALLING FOR YOU!

I THINK I'M FALLING FOR YOU!


Argghhhh...Akira..isa lang yan sa mga trip nya..marahil ay sinabi nya yun para magalit sayo ang mga patay na patay sa kanya..sinabi nya lang yun para kuyugin ka ng mga babaeng may gusto sa kanya..

Hindi ko sya nilingon at patuloy pa din ako sa paglalakad..parang narinig ko pa syang nagmura..tss..pagkapasok ko sa classroom ay nagderetso agad ako sa upuan ko..ang dami nang matatalim na mata ang nakatingin sa akin..oh great!..ang galing galing ni Miro..mukang successful ang plano nya..tss..good luck to me..because i'm dead..


"grabe..pati si Prince Miro..ginayuma nya!!"

"oo nga..napakadesperada..gustong yumaman kaya ganan"

"haliparot..manang na manang pero may katalandian ding taglay!"


Ilang lang yan sa mga narinig ko sa mga kaklase ko..nagbubulungan pa sila ng lagay na yan..bulungan ng bulungan pero dinig na dinig ko naman..tss..

Natigil lang ang malakas nilang pagbubulungan nung biglang pumasok si Miro sa classroom..pabalibag nya pang binuksan ang pinto at pabagsak na naupo sa upuan nya..

Ang galing mo Miro..sa isang kisap mata ko lang, nagawa mong mas gawing miserable ang pag-aaral ko sa eskwelahang ang mga magulang ko ang nagmamay-ari..tss..


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon