Romans 6:23
For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.
*****
AKIRA POV
"classmates..wala daw klase ngayong hapon..yahooo!!"
Sigaw nung isa naming kaklase kaya nagsigawan din lahat ng kaklase ko..napasulyap naman ako kay Inaki na nag-aayos na ng gamit nya..
"Shin..its time"
"hah?"
Itinuro ko sa kanya si Inaki na palabas na ng classroom..mukang nagets naman nya ang ibig kong sabihin..kaso parang nagdalawang isip pa sya..
"go!..sige na Shin.."
Bumuntung hininga sya at tumayo na..sinundan nya si Inaki na nakalabas na ng room..inayos ko na ang gamit ko..sa may library na lang muna siguro ako tatambay..
Akmang tatayo na sana ako ng umupo sa harap ko si Miro..hindi na ako nag-abalang tingnan sya..nilaro laro ko na lang yung ballpen ko..
"you really loved him..right?"
Ano bang pinagsasabi ng mokong na ito?..hindi ko sya pinansin katulad pa din ng dati..
"tss..nakakaawa ko..sa tingin mo ba mahal ka talaga ng lalaking yun?"
Hindi ko pa rin sya pinansin kahit gustong gusto ko nang itanong kung ano bang pinagsasabi nya..hindi ko sya magets..
"tss..bakit ba ako nag-aaksaya ng oras sayo?..why would i care about you?"
Padabog syang tumayo at lumabas ng classroom..sinundan ko lang sya ng tingin..ano bang problema nya?..si Shin ba ang tinutukoy nya..tss..kung alam nya lang ang totoo..hay naku..tumayo na lang ako at nagpunta na sa library..
KANJI SHIN POV
"classmates..wala daw tayong klase ngayong hapon..yahooo!!"
Naghiyawan ang mga kaklase namin..napatingin na lang ako kay Inaki na nag-aayos na ng gamit nya..
"Shin..its time"
"hah?"
Itinuro sa akin ni Akira si Inaki na palabas na ng room..nagets ko naman ang ibig nyang sabihin..kaso nag-aalangan akong iwan sya..
"go!!..sige na Shin.."
Bumuntung hininga na lang ako at tumayo..pero bago pa man ako lumabas ng room, tiningnan ko muna si Miro na kasalukuyang nakatingin din sa akin..
Pagkalabas ko ng room ay agad kong hinabol si Inaki..hinawakan ko sya sa braso nya para mapigilan sya sa paglalakad..
"Inaki.."
"what do you want?..bakit ka nandito?.."
"bumalik na tayo sa mundo natin Inaki.."
Tumingin sa paligid si Inaki..inaalam nya siguro kung may mga tao sa paligid namin na maaaring makarinig ng pinag-uusapan namin..
"sinabi ko na sayo diba..hindi na ako babalik..i will stay here as long as i live.."
"at sinabi ko rin sayo na susundan kita kahit saan ka man mapunta..i still love you Inaki"
"ilang beses ko nang sinabi sayo Kanji..hindi kita kayang mahalin..so please lang..leave me alone!"
Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya..ilang beses na nga nyang sinabi yan sakin pero ang sakit sakit pa din..umalis na sya sa harapan ko at tumakbo palayo..gusto ko syang habulin pero nabato ako sa pwesto ko..for the nth time..she rejected me..and for the nth time, my heart died because of her..
Biglang bumuhos ang malakas na ulan..pero nanatili lang akong nakatayo dito..para akong naparalisa..
AKIRA POV
Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro dito sa library ng biglang bumuhos ang malakas na ulan..
"and Akira..wag na wag mo syang hahayaang mabasa ng ulan..maliwanag ba?"
Bigla kong naalala yung sinabi ni mommy..ewan ko pero bigla akong kinabahan..agad kong ibinalik ang libro sa shelves at lumabas na ng library..wala pa naman akong dalang payong..pero masama talaga ang kutob ko..tss..tinawagan ko si Tatay Damian at sinabi na sunduin na kami dahil awas na kami..
Bigla ko namang natanaw si Shin malapit sa may garden..nakatayo lang sya dun at basang basa na sya..agad akong tumakbo palapit sa kanya..
"Shin..ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo..basang basa ka na"
"she rejected me AGAIN"
Hinila ko na sya papunta sa may gate ng school..at buti na lang na nandun na si Tatay Damian..pinauna ko munang sumakay si Shin bago ako..tulala lang sya sa sasakyan..wala sya sa sarili nya..ano kayang napag-usapan nila ni Inaki?..Shin is really hurt..namumutla na din sya dahil siguro sa ulan..
Pagkarating namin sa unit ko ay pinauwi ko na si Tatay Damian sa mansion..mahirap na, baka maipit pa sya sa traffic..
Agad akong nagpalit ng damit..pagkatapos ay nagluto ako ng sopas..napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ni Shin..kamusta na kaya sya?..hindi na ako nakatiis..kinatok ko sya sa kwarto nya pero hindi sya nasagot..pinihit ko ang seradura, mabuti na lang hindi yun nakalock..pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Shin na nakahiga sa kama nya at balot na balot ng kumot..nakapagpalit na sya ng damit nya pero lamig na lamig pa sya..agad ko syang nilapitan at sinapo ang noo nya..ay grabe..ang init init nya..
"mahal na mahal kita Inaki"
Napatingin ako sa mukha nya..ang putla putla nya..nananaginip sya at ang laman ng panaginip nya ay si Inaki..napailing na lang ako..
Lumabas ako ng kwarto nya at nagderetso ng kusina..kumuha ako ng palanggana at nilagyan ito ng tubig..kumuha din ako ng towel sa kwarto ko..
Pumasok ulit ako sa kwarto ni Shin..nilagay ko sa noo nya ang basang towel..sana makatulong ito sa pagbaba ng lagnat nya..bakit ba naman kasi nagpakabasa sya sa ulan..naalala ko bigla yung sinabi nya kanina..
"she rejected me AGAIN"
Ibig bang sabihin nun binasted sya ni Inaki kanina..i mean binasted ULIT?..napatingin ako sa kanya..tulog na tulog sya pero mahahalata sa kanya na may sakit sya..chineck ko ulit ang temperature nya..bakit parang mas tumaas pa ang lagnat nya..naman eh,..hindi ako marunong sa mga ganitong bagay..napatitig na lang ako sa mukha ni Shin..hindi ko talaga maitatanggi na gwapo ang lobong ito..ano kayang iniayaw ni Inaki sa kanya..kung tutuusin, napakaswerte ni Inaki dahil gagawin ni Shin ang lahat para sa kanya..siguro ang sarap mahalin ng isang katulad nya..
O___O
Ano ba itong pinagsasabi ko?..tss..lumabas na lang ako ng kwarto nya..matawagan na lang si mommy..baka alam nya kung anong gagawin ko sa lagnat ni Shin..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
