CHAPTER 4

4.5K 214 2
                                    

Philippians 2:13

For it is God who works in you to will and to act according to his good purpose.




*****

AKIRA POV

"Akira anak..alagaan mong mabuti si Kanji hah"

"mommy naman..magkasing edad lang kami..bakit kailangan pa syang alagaan?"

Pauwi na ako ng condo ko at itong si mommy eh todo ang mga bilin..nasa kotse na si Kanji..mukang napagod ata sa byahe..

"tulad ng sinabi ko kanina..ngayon lang sya nakapunta dito..and Akira..wag na wag mo syang hahayaang mabasa ng ulan..maliwanag ba?"

Seryosong seryoso na sabi ni mommy..bigla akong nawirduhan..bakit naman hindi sya pwedeng mabasa ng ulan?..hindi na lang ako umimik..tumango na lang ako..humalik sa pisngi ko si mommy at daddy then nagpaalam na ako sa kanila..paalis na din sila ng Pilipinas mamaya..

Sumakay na ako ng kotse at nakita ko naman si Kanji na himbing na himbing..mukang pagod na pagod sya sa byahe..napabuntung hininga ulit ako..pakiramdam ko ginawa akong baby sitter ng mga magulang ko..and take note, kasing tanda ko ang aalagaan ko..tss..

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa may condo ko..pero ang lalaking ito ay tulog na tulog pa rin..

"Kanji..were here..hui..", aba't tulog mantika pa ang lalaking ito..

"SHIN!!!",

Sinigawan ko sya at binanggit ang surname nya..napaigtad naman sya at masamang nakatingin sakin..lihim akong napatawa..haha..


"were here",

Walang gana kong sabi sa kanya..agad akong lumabas ng kotse..sumunod naman sya sakin kasama ang driver..nasa 28th floor pa ang unit ko..pumasok na ako sa elevator at itong si Shin ay nakatayo lang sa may tapat ng elevator..anong problema ng lalaking ito?

"what?!..tatayo ka na lang ba dyan?"

Para naman syang natauhan sa sinabi ko..agad syang pumasok sa elevator..nakakapagtaka sya..nililibot nya kasi ng tingin nya sa buong elevator..ngayon lang ba sya nakasakay ng elevator?..hindi ko na lang sya pinansin..




Agad akong pumasok sa unit ko at napanganga na lang..ang galing talaga ni mommy sa mga biglaan..naparenovate na nya agad ang unit ko..dalawa na ang room pero hindi naman masyado nabago ang salas at kitchen..medyo lumiit nga lang ito..

"your room will be on the right side.."

Yun lang ang sinabi ko at nagderetso na ako sa kusina..malaki na sya so siguro naman he can manage himself..naghalungkat ako sa mini ref ko..since hapon na din naman, magluluto na ako ng hapunan namin..makapag adobo na lang..siguro mga after 30 minutes ay tapos na akong magluto..


"yan na ba ang hapunan natin?"

"ay kabayo!"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Shin..mas feel kong tawagin sya sa surname nya ^_^ ..napalingon ako sa kanya..nakasandal sya sa may dining table habang nakatingin sakin..tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya..

"wala bang gulay?", umiling lang ako..

"hindi ako nakain ng karne..gulay lang ang kinakain ko"

"hindi ako nakain ng gulay..kaya matuto kang kumain ng karne.."

Hindi sya sumagot..bagkus ay tumingin lang sya sakin..napatitig naman ako sa mga mata nya..at ewan ko ba..pakiramdam ko nakita ko na ang ganung mata..weird..ako kasi yung tao na hindi natingin sa mata ng ibang tao..

"ikaw ang nakikitira..kaya ikaw ang mag adjust", sabi ko na lang sa kanya..

"magkaibang magkaiba kayo ni Tita..ang bait bait nya sakin samantalang ikaw..tss"

Inirapan ko na lang sya..ang pinaka ayoko sa lahat ay yung ikinukumpara ako kay mommy..alam kong malayong malayo ang itsura ko kay mommy..sa pananamit pa nga lang, hindi mo masasabing anak ako ng mommy ko..at hindi na yun kailangang pang sabihin sakin..tss..

Umalis ako sa kusina at nagpasok sa kwarto ko..kinuha ko ang wallet at cellphone ko at lumabas ulit..kailangan ko lang lumanghap ng sariwang hangin dahil baka mabugbog ko ang lalaking yun..

"saan ka pupunta?"

"dyan lang"

Lumabas na ko ng unit ko..naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa mall..naisip ko si Shin..gulay lang ang kinakain nya..hayy..pumasok ako sa supermarket at nagderetso sa may vegetable corner..hindi ako marunong mamili ng gulay..bahala na..

Kumuha ako ng carrots at inilagay ito sa basket na hawak ko..kumuha din ako ng repolyo, petchay, kangkong, kalabasa, sitaw, beans at kung ano ano pang green ang nakita ko..after kong mamili ng gulay ay umuwi na ako..

Sana naman matuwa sya sa mga to..malay ko ba naman kasi na hindi pala sya nakain ng karne..baka gutom na sya..hayy naku..sisingilin ko sya sa nagastos ko ngayon..nakikitira na nga sya, pati ba naman sa pagkain libre pa sya..aba naman..masyado syang sinuswerte..

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon