John 6:35
Then Jesus declared, "I am the bread of life. Whoever comes to me will never go hungry, and whoever believes in me will never be thirsty.
*****
AKIRA POV
"Kung alam ko lang na magiging ganito, hindi ko na lang sana sinabi na makipagkaibigan ka sa kanya. Edi sana hindi ako naiinis kapag magkausap kayong dalawa. Edi sana hindi ako nasusura kapag nakikita ko kayong magkasama. Edi sana hindi ako nababadtrip kapag tumatawa ka dahil sa mga jokes nya. Edi sana hindi ako nagkakaganito. Edi sana hindi ako nakakapagsalita ng ganito katagal. Edi sana hindi ako nagseselos. Edi sana hindi ako nasasaktan."
Napamulat ako bigla dahil napanaginipan ko na naman yung lalaking hindi ko mamukhaan. Blurred yung mukha nya kaya hindi ko sya makilala. Halos limang buwan ko na din syang napapanaginipan pero hanggang ngayon ay malabo pa din ang mukha nya.
Nagsimulang mapanaginipan ko sya nung magising na lang ako na nandito na ako sa Los Angeles. Sabi nina mommy, nakita na lang daw nila akong walang malay kaya agad daw nila akong dinala dito sa LA para maipacheck up.
Sabi naman ng mga doktor na stress lang daw ako kaya ako nawalan ng malay. OA lang talaga ang parents ko. Sabi ko nga sa kanila, babalik na ako ng Pilipinas pero hindi nila ako pinayagan. Mas mabuti na daw na nandito ako.
Sa pagkakaalala ko naman, wala silang dapat ipag-alala sa akin. Safe naman ako sa Pilipinas eh lalo na at hindi na ako binubully ni Miro. Nakakapagtaka nga sya eh. Nagising na lang ako na ang bait bait na nya sa akin.
Sa loob ng limang buwan na pamamalagi ko dito ay parang may naghahatak sa akin na kailangan kong bumalik sa Pilipinas. Para kasing may mga memories ako na nawala sa isipan ko. Ewan ko ba pero ang weird kasi ng pakiramdam ko. Lalo na kapag napapanaginipan ko yung lalaking blurred ang mukha. Dapat nga natatakot ako pero hindi eh kasi pakiramdam ko matagal ko na syang kilala.
"Gising ka na pala anak."
Yan ang bungad sa akin ni mommy nung bumaba ako sa salas. May dala na naman syang maleta.
"Aalis na naman kayo ni Daddy?"
"Yes anak. May business trip kami sa Europe and baka matagalan kami dun."
Napaupo na lang ako sa sofa at tiningnan si mommy with my emotionless face.
"May bago pa ba?"
Natigilan si mommy dahil sa nasabi ko. Tumingin sya sa akin at bumuntong hininga.
"Akira, naiintindihan mo naman diba?"
"Pabalikin nyo na lang ako sa Pilipinas. Tutal naman lagi din kayong wala dito."
Isa din ito sa dahilan kung bakit gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Lagi kasi akong naiiwan mag-isa dito sa bahay dahil laging nasa business trip sina mommy. Hindi din ako basta basta pwedeng umalis nang walang kasamang bodyguard. At hindi din ako nag-aaral sa school dito sa LA kasi naghohome school ako.
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
