CHAPTER 41

3.1K 142 9
                                    

1 Corinthians 16:13

Be on your guard; stand firm in the faith; be men of courage; be strong.





*****

KANJI SHIN POV


Ilang minuto lang kaming nag-usap nung tumawag sa akin kaya agad akong nakabalik sa kwarto ni Akira..himbing na himbing pa sya sa tulog at mukang hindi na sya makakakain ng hapunan..kaya binantayan ko na lang sya magdamag..


Mag-aalas singko ng umaga nung magpasya akong bumalik na sa kwarto ko..baka kasi maabutan pa nya ako sa kwarto nya..naligo na ako at nagbihis ng uniform..after nun ay bumaba na ako para kumain ng agahan..kaso wala pa si Akira..yung limang body guards ay nasa may pintuan ng mansion at nagmamasid masid sa paligid..mag-aalas sais na pero hindi pa din bumababa si Akira..pinakiramdaman ko ang aura nya kaso hindi ko ito maramdaman..umakyat na lang ako sa taas at kinatok ang kwarto nya..


"Akira..malalate na tayo"


No response..


"Akira"


Pinihit ko ang seradura ng pinto ng kwarto ni Akira..hindi ito nakalock kaya nakapasok ako..nadatnan kong nakahiga pa si Akira at balot na balot pa ng kumot..napailing na lang ako..lumapit ako sa kanya para gisingin sya kaso nagulat ako dahil parang ginaw na ginaw sya..


Agad kong sinapo ang noo nya at napagtanto kong ang taas taas ng lagnat nya..tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa may dingding..blue moon..blue moon pala mamaya..


Pinuntahan ko ang limang body guards at sinabing hindi kami makakapasok ngayon..sinabi ko na lang na maglibot libot na lang sa paligid ng mansion..after nun ay nagderetso ako sa kusina..kumuha ako ng palangganang may tubig at dinala iyon sa kwarto ni Akira..kumuha din ako sa kabinet nya ng isang bimpo..binasa ko yung bimpo at nilagay sa noo nya..ganito kasi yung ginawa nya sa akin nung mabasa ako ng ulan at lagnatin..baka sakaling gumana din ito sa kanya..nagulat ata sya sa ginawa ko kaya nagmulat sya ng mata..


"S-shin.."

"matulog ka na lang.."


Hindi na sya umimik at pinikit na lang ulit ang mga mata nya..hinang hina sya at napakaputla nya..sana gumaan kahit papaano ang pakiramdam nya dahil sa bimpo sa noo nya..


Hindi na nakakapagtaka kung bakit nilagnat sya ng ganito..ang nakakainis lang..hindi ko ito napaghandaan..





MIRO POV


Kanina pa ako nakatingin sa may pintuan ng classroom dahil wala pa si Akira..pati si Kanji..wala pa din..nagkaayos na kaya sila?..sila na kaya ulit?..


"lalim nyan pare.."


Sabi sa akin ni Richard habang nakangisi..


"hayaan mo na kasi..move on!"


Sabi naman ni Leo..sinamaan ko lang sila ng tingin..kabanas ang dalawang ito..sa halip na suportahan ako ay lagi na lang akong binabara..


Nakatingin pa din ako sa may pintuan ng biglang pumasok si Inaki..nagtagpo ang mga tingin namin pero saglit lang yun dahil sya na ang nag-iwas ng tingin..napabuntung hininga na lang ako..


Nagbago na ang pakikitungo nya sa akin..dati kasi, kapag nakikita nya ako..ang lawak lawak na ng ngiti nya sa akin..tapos kumakaway kaway pa..pero ngayon..iba na..iniwasan nya ako ng tingin at hindi man lang ngumiti..i missed her..i missed my little sister..


Tahimik lang syang umupo sa tabi ko..hindi pa din nya ako pinapansin..napabuntung hininga na lang ako..mas mabuti na nga lang siguro ang ganito..para hindi na sya masaktan pa..at para malimutan na lang din nya ang nararamdaman nya sa akin..




*****

^_^ ..hindi ko na muna irereveal kung sino ang nakausap ni Shin at kung ano talaga dapat ang sasabihin nya..hahaha..another bitin chapter ^_^ ..bukas ulit :D

Thank you guys and God bless!


----nnaeillek


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon