Romans 12:9-10
Love must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. Be devoted to one another in brotherly love. Honor one another above yourselves.
*****
AKIRA POV
Ilang minuto na mula nung nawala sa kwarto ko si Shin kasama yung dalawang magnanakaw..ano na kayang nangyari sa kanya?..kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto..hindi kasi ako mapakali..kinakabahan ako..
"Akira.."
Tawag sa akin ni Shin ng bigla syang sumulpot sa tabi ng kama ko..agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya..
"bakit ang tagal mo?..nasaan na yung dalawang magnanakaw?"
Bumitaw sa akin si Shin at pinitik ang noo ko..ouch!..
"makapag-alala ka sa mga magnanakaw na yun..wagas..tss.."
Nakakainis itong lalaking ito..hindi sinagot ang tanong ko..kinuha ko yung unan ko at inihampas sa kanya..
"Akira..ano ba!"
"tss..lumabas ka na nga..matutulog na ako.."
Binitawan ko na yung unan at naupo sa kama ko..
"matulog ka na..dito lang ako.."
Naupo sya sa may study table ko..at humalumbaba habang nakatingin sa akin..
"baliw ka ba..labas!"
"no I won't.."
Pagmamatigas nya..tss..ang kulit..ano bang nakain ng lalaking ito..
"edi ako ang lalabas..dun na lang ako sa kwarto nina mommy.."
Tumayo ako at naglakad papunta sa may pintuan kaso hinarangan ako ni Shin..lumayo agad ako sa kanya..dahil nagwawala na naman ang puso ko dahil sa masyado naming pagkakalapit..
"mahiga ka na doon..dito lang ako..babantayan kita.."
"eh?"
"mahirap na..baka may makapasok na namang masamang loob..tulog mantika ka pa naman.."
Napatitig na lang ako sa seryosong seryoso na si Shin..utang na loob Shin..wag mo akong bigyan ng rason para mahulog sayo..dahil konting konti na lang talaga..mahuhulog na ako sayo..at ayokong mangyari yun dahil alam kong hindi mo naman ako masasalo..ang corny ko na -_-
"hey Akira!.."
"hah??"
"natulala ka na dyan..matulog ka na dun.."
"eh ikaw?"
"ok lang ako..sige na..wag ka nang makipagtalo sa akin.."
Umirap na lang ako sa kanya at bumalik na ako sa kama ko..pagkahiga ko ay tumingin ulit ako sa kanya..nakaupo na ulit sya sa may study table ko..
"what?"
Tanong nya sa akin nung magtagpo ang mga tingin namin..
"g-good night.."
Yun lang ang sinabi ko at nagtalukbong na ako ng kumot ko..ano ba naman yan..paano ako makakatulog nito kung alam kong nandito sa kwarto ko si Shin..bakit ba kasi nya ginagawa ito?..bakit ba kasi pinapakita nya ang kabaitan nya sa akin?..bakit ba ako kinikilig?..arghhh..
Sabi ko matulog ka na..
Narinig kong sabi ni Shin sa isip ko..kinakausap na naman nya ako through our mind..
Matutulog na nga ako..imik ka pa ng imik dyan..kung matulog ka na lang din kaya..
Sigaw ng isipan ko..i wonder kung nabibingi ba sya sa mga sinasabi ko..
Saan ako matutulog?..sa tabi mo?
Pakiramdam ko namula ako sa sinabing yun ni Shin..naman eh..
Neknek mo..may sarili kang kwarto..dun ka matulog..
Imagine nag-uusap kami sa isip habang nakatalukbong ako..ayoko kasing makita nya ako..
Matulog ka na lang dyan kung ayaw mong tabihan kita sa higaan mo..
Grabe ka Shin..may pagnanasa ka sa akin noh!..manyak!..
Tanging tawa lang ni Shin ang isinagot nya sa akin..at dun ko lang narealize ang mga nasabi ko..oh my..nasabi ko ba talaga na may pagnanasa sa akin si Shin?..waahhhh..nakakahiya..
Ang gwapo ko namang manyak..at saka hindi ako manyak..Nine Tailed Love Code # 3 ..respect the one you love as you respect your parents..
Oh..ano namang konek ng love code nyo sa pagiging manyak mo?
Minsan magulo ding kausap ang lalaking ito..yung tipong ang tanong ay Science..tapos ang sagot ay Math..tss..magulo!..
Tutulog ka ba o tatabihan kita dyan?
Seryoso na ang boses nya na ikinakaba ko na naman..at sa puntong ito..mukang seseryosohin na nya ang sinabi nya..
Sabi ko nga tutulog na ako..tss..
Ipinikit ko na ang mata ko kahit hindi naman ako inaantok..magkukunwari na lang akong tulog..dahil alam kong hindi ako makakatulog nito..hindi ako makakatulog dahil sa presensya nya..pero mukang nagkamali ako..dahil ilang minuto lang ay parang nakaramdam na ako ng antok..and ayun..nagpadala na ako sa antok ko at nakatulog na..
*****
Bakit pakiramdam ko mas mahal nyo si Miro?..haha..thank you guys!..
God bless!!
----nnaeillek
![](https://img.wattpad.com/cover/48242487-288-k623160.jpg)
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantastikNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...