Romans 12:21
Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.
*****
AKIRA POV
Pareho na kami ni Shin na madungis..bakit pa ba kasi hinarang nya ang sarili nya?..hinila ko na lang sya sa clinic para humingi ng uniform..nung makita ako nung nurse ay hindi na sya nagtaka kung bakit ganun ang itsura ko..pero nagulat sya ng makita nya na may kasama ako..agad kaming binigyan ng nurse ng malinis na uniform..mabuti na lamang at dalawa ang cr sa clinic..
Pumasok ako sa cr at nag-umpisang magshower..naalala ko yung nangyari kanina..bakit nya ako binalikan?..bakit nya ako pinrotektahan sa mga yun?..nahabol nya kaya si Inaki?..tss..at si Miro..bakit galit na galit sya?..dapat natutuwa sya dahil panigurado, sya ang nag-utos sa mga babaeng yun na paltukin ako ng kung ano ano..
Napabuntung hininga na lang ako..ang gulo gulo na nang nangyayari sa akin..hayyy..
KANJI SHIN
Hinila ako ni Akira papunta sa clinic..pareho na kaming madumi dahil sa mga pinagbabato sa amin nung mga babae kanina..binigyan kami ng malinis na uniform nung nurse..pumasok agad si Akira sa kabilang banyo..kaya pumasok na din ako dun sa isa pa..naisip ko bigla si Inaki..paano kaya kung hindi ko binalikan si Akira..nakabalik na kaya kami ni Inaki sa mundo namin..hayyy..
Nagtataka na ako sa sarili ko..paano ko nagawang isantabi ang dahilan ng pagpunta ko sa mundong ito para balikan ang kaisa isang tao na alam ang tunay kong pagkatao?..buong buo ang desisyon ko nung iniwan ko sya para habulin si Inaki..pero nang maramdaman ko ang lungkot ni Akira, biglang nagbago ang isip ko..mas pinili ko sya kesa kay Inaki..at ang isa pang nakakapagtaka, paano ko naramdaman ang nararamdaman ni Akira?..ginulo ko ang buhok ko..tss..ano bang nangyayari sa akin?..
MIRO POV
"prince Miro..sa tingin ko ginayuma nung nobody na yun si Kanji Shin"
Napatigil ako, sinundan pala ako ng mga babaeng nanakit kay Akira..tss..
"hindi ko inutos sa inyo na gawin sa kanya yun"
Mahinahon kong sabi..kahit na nagwawala na ang puso ko..
"ginawa po namin yun dahil isa syang gold digger.."
Humarap ako sa kanila..sila naman ay napaatras..
"HANGGA'T HINDI KO INUUTOS NA SAKTAN SI AKIRA..HINDI NYO SYA SASAKTAN..MALIWANAG BA??"
Sigaw ko sa kanilang lahat..sabay sabay naman silang tumango na parang mga aso..umalis ako sa harapan nila at nagderetso na sa classroom..
"TABI!!"
Bulyaw ko sa isa kong kaklase na nakaharang sa may pinto..agad naman syang tumabi at pinadaan ako..tss..naupo ako sa upuan ko..nandito na pala ang dalawa kong kaibigan na matamang nakatitig sa akin..
"badtrip ka ata?"
Tiningnan ko lang si Richard at hindi umimik..
"balita ko, night in shining armor ang boyfriend ni Akira kanina ah.."..sabi ni Leo..
"will you just shut up?"
"relax pare..kaya pala badtrip ka eh..paano ba yan..mawawalan ka na ng mapagttripan?"
Nakangising sabi ni Leo..hindi ko na lang sya pinansin..nakakabarino eh..lalo na yung nasaksihan ko kanina..hindi talaga ako makapaniwala na may magkakagusto sa nobody na yun..oh baka naman pinaglalaruan lang sya nung Kanji na yun..kailangan kong makausap si Kanji..
Ilang saglit lang ay dumating na yung dalawa..malinis na ang mga uniform nila..pasalamat sila dahil wala ang teacher namin sa first period..dahil kung nagkataon, lagot sila dahil late sila...nagsalubong ang tingin namin ni Akira..katulad pa din sya ng dati..walang emosyon ang mukha at hindi din umiimik..tss..halatang mahal na mahal nya yung Kanji na yun..sa lalaking yun lang kasi sya umiimik at nagpapakita ng iba't ibang emosyon..
Sinundan ko ng tingin si Akira hanggang sa makaupo na ito..tss..ano bang nangyayari sa akin?..dapat natutuwa ako kanina dahil binabato sya nang kung ano ano kanina..pero kabaligtaran..dahil nakaramdam ako ng matinding inis..lalo na nung niyakap sya nung lalaking yun para protektahan sya..ginulo ko na lang ang buhok ko..nasisiraan na ata ako ng ulo..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
