Proverbs 12:25
An anxious heart weighs a man down, but a kind word cheers him up.
*****
AKIRA POV
"naks naman..seryosohan na ba talaga?"
Pang-aasar sa akin ni Shin..pagkarating kasi namin sa classroom ay may isang red rose ang nakalagay sa upuan ko..may note pa nga ito na nakalagay..
I am serious..at kahit si Kanji pa ang mahal mo..hindi ako susuko..
-----Miro
Oh diba..pangpasira lang ng araw..tss..idagdag mo pa itong si Shin na napaka mapang-asar..
"inggit ka?..oh sayo na.."
Ipinatong ko yung bulaklak sa desk ni Shin..naupo na ko at umub-ob na lang..kainis..umagang umaga, nakakabadtrip..
"aminin mo..kinilig ka?"
Bulong sa akin ni Shin..tumunghay ako at tiningnan sya..nakangisi lang sya sakin..ngumiti naman ako sa kanya..yung ngiting kapag nakita mo, kakabahan ka na..
"bakit Shin..selos ka ba dahil binigyan nya ako ng bulaklak?.."
Natigilan naman sya sa tanong ko..napangisi na lang ako..oh edi natahimik ka ngayon..
"eh kung nagseselos nga ako..anong gagawin mo?"
This time ay ako naman ang natahimik..tss..Akira..umisip ka ng pangbara..hindi ka pwedeng matalo sa kanya..
"nagseselos ka naman talaga kay Miro eh..kasi diba sya ang gusto ni Inaki..at hindi ikaw.."
"tss.."
Yun lang ang sinabi nya at tumayo sya habang hawak yung bulaklak..at lumapit sya kay Miro..
O_O
MIRO POV
Maaga akong pumasok ngayon dahil mag-uumpisa na akong ligawan si Akira..kahit hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit nagkagusto ako sa kanya..kaso ito na yun eh..gusto ko na talaga sya..ay mali..mahal ko na talaga sya..at kahit may boyfriend na sya..hindi ako titigil at hindi ako susuko..
Pagkarating ko sa school ay wala pa si Akira..ipinatong ko sa desk nya ang isang red rose kasama ang ginawa kong note..
Ilang saglit lang ay dumating na sya kasama si Kanji..tss..sisiguraduhin kong babawiin ko si Akira sa lalaking yun..
Pinagmasdan ko si Akira hanggang sa makita nya yung bulaklak..medyo nagulat pa sya..binasa nya yung note at nung nabasa nya ito ay iniabot nya yung bulaklak kay Kanji..umub-ob sya sa desk nya kaso may binulong si Kanji na ikinatunghay nya ulit..ang sakit sa mata ng mga nakikita ko pero pasaway ang mata ko..dahil sa halip na umiwas ako ng tingin ay mas lalo ko pang pinagmasdan si Akira..ngumiti pa ito kay Kanji..sh*t..parang ngayon ko lang ata sya nakita ngumiti..nakakagaan ng loob ang makita syang ngumiti..pero sana nga lang, ako ang nakakapagpangiti sa kanya..pero ang saklap lang dahil hindi ako ang dahilan ng pagngiti nya..
Nag-usap pa sila sandali hanggang sa tumayo si Kanji bitbit ang bulaklak na bigay ko kay Akira..lumapit ito sa akin..at inilapag sa desk ko ang bulaklak..
"hindi bulaklak ang kailangan ni Akira kundi respeto.."
Seryosong seryoso nyang sabi..
"respeto na matagal mo nang ipinagkait sa kanya..you should respect a girl first before you love her..kaya isipin mong mabuti kung mahal mo nga ba sya..dahil hindi ako naniniwala na mahal mo sya..kasi ni katiting na respeto, wala kang binigay sa kanya.."
After nyang sabihin yun ay bumalik na sya sa upuan nya..tss..kinuha ko yung bulaklak at hinagis ko sa basurahan..
Tumingin ako kay Akira at nakita kong nakatingin sya sa akin..pero agad syang nag-iwas ng tingin..
Napasabunot na lang ako sa buhok ko..bakit kasi ngayon ko lang narealize kung kailan may boyfriend na sya?..nakakainis..
AKIRA POV
"Shin..mauna ka na sa room..punta lang ako sa library.."
Lunch time namin ngayon at katatapos lang namin kumain ni Shin..about dun sa nangyari kaninang umaga, well..no comment lang ako..
"samahan na kita"
"wag na..im sure nasa room na si Inaki..kausapin mo ulit sya.."
"sigurado ka?"
"oo..sige na..ingat.."
Naglakad na ako papuntang library..ang totoo wala naman talaga akong gagawin sa library..ayoko lang tumambay sa room dahil panigurado nandun na si Miro..
Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humila sa akin na babae..hindi ko maaninag ang mukha nya kasi nauuna syang maglakad sa akin..pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya kaso ang higpit higpit ng pagkakahawak nya..ang pula pula na nga ng kamay ko eh..tumigil ako sa paglalakad kaya napahinto din sya..humarap sya sa akin at nakita ko ang galit na galit na mga mata nya..
"i-ikaw??"
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...