Colossians 3:2
Set your minds on things above, not on earthly things.
*****
AKIRA POV
"Akira..wala ba tayong pwedeng puntahan?..nakakabagot dito"
Bungad sa akin ni Shin..nakaupo sya sa may sofa..sabado kasi ngayon kaya nandito lang kami ni Shin sa unit ko..at dahil walang pasok, 9am na ako nagising..
"kumain ka na ba?"
Tumango lang sa akin si Shin..mukang bagot na bagot nga sya..
"sige..antayin mo ako..maliligo lang ako..samahan mo akong mamili ngayon.."
Napangiti naman sya sa sinabi kong yun..
"sige..bilisan mo hah"
Excited pa nyang sabi..napangiti na lang ako..agad akong naligo at nagbihis..hindi ko na muna isusuot ang salamin ko..tutal naman sa bayan lang ako pupunta..
Pagkabihis ko ay lumabas agad ako ng kwarto ko..bihis na din si Shin at mukang excited na excited na..
"tara na!"
Sabi pa nya..ngumiti na lang ako..lumabas na kami ng unit ko..at nagderetso sa parking lot..
"marunong ka ba?"
Tanong sa akin ni Shin ng makita nya ang kotse ko..
"oo naman"
Nakangiti kong sabi sa kanya..may sarili akong kotse kaso hindi ko ito masyado ginagamit..ngayon na lang ulit..sumakay na kami sa kotse ko..i miss my car..
"please..be safe!"
Sabi sa akin ni Shin nung inistart ko na ang kotse ko..ngumiti lang ako sa kanya at nag-umpisa ng magdrive..
"Akira"
"hmm"
"may boyfriend ba si Inaki?"
Saglit akong napatingin sa kanya at agad ibinaling ang tingin ko sa daan..
"sa pagkakaalam ko wala..pero.."
"pero?"
"may gusto sya kay Miro..nagawa na din nya akong ibully noon dahil sa utos ni Miro"
"ganun ba"
Bakas sa boses ni Shin ang lungkot..medyo naguilty naman ako..
"sorry"
"ok lang..hindi na rin naman ako umaasa na mamahalin nya ako..gusto ko lang syang bumalik sa mundo namin..kasi habang tumatagal sya dito sa mundo nyo..nababawasan ang buhay nya.."
"what do you mean?"
"100-150 years ang life span namin..pero kapag ang isang nine tailed fox ay tumira sa mundo ng mga tao..30 years lang ang nagiging life span nito.."
"kaya pala wala kang balak sukuan sya.."
"yeah"
Yun na lang ang naisagot nya sa akin..hindi na din naman ako nagsalita pa..itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagddrive..hanggang sa makarating kami sa public market..
"dito tayo mamimili?"
Takang taka na tanong nya sa akin..
"oo..mas masayang mamili dito kesa sa mga sosyal na mall"
Bumaba na ako ng kotse kaya bumaba na din sya..
"you are really different.."
Nginitian ko na lang sya..una naming pinuntahan ay ang supermarket..sya na ang nagtulak sa push cart habang ako naman ay tinitingnan ko ang listahan ng mga bibilhin ko..
"ikaw na ang kumuha ng mga gulay"
Utos ko sa kanya..tutal naman eh sya lang ang nakain ng gulay..napangiti sya at nag-umpisa ng maglagay ng mga gulay sa push cart..pinagmamasdan ko lang sya..napaisip akong bigla..he really loves Inaki..na kahit alam nyang hindi kayang suklian nito ang pagmamahal nya, iniisip pa din nya ang kapakanan nito..
"hey!!"
Bumalik ang lumilipad kong isip nang magsnap sa harap ko si Shin..napatawa na lang sya sa reaksyon ko..
"kanina pa ako nagsasalita dito..tulala ka lang dyan.."
"pasensya..ano bang sinasabi mo?"
"sabi ko tapos na ako"
Napasulyap ako sa cart..mukang tapos na nga sya..halos mapuno na yung cart ng gulay eh..mahilig pala sya sa carrots..ang dami nya kasing kinuha..napangiti na lang ako..yung totoo, lobo ba sya o kuneho?..hahaha..
Pagkain lang naman ang wala na akong stock sa unit..kaya kumuha na lang ako ng mga chips, chocolates, cup noodles at mga prutas..after kong mailagay sa push cart ang lahat ng nakalista sa journal ko ay nagderetso na kami sa cashier at binayaran ang mga pinamili namin..
Sya na ang nagbitbit ng mga pinamili namin papunta sa kotse ko..nang mailagay nya ang mga pinamili namin sa kotse ko ay napangiti ako..
"were not done yet"
"really?"
"yes..lets go"
Hinila ko sya papunta sa may wet market..sa kabila nun ay puro nagtitinda ng isda..sa kabila naman ay mga karneng baboy, baka at manok..napahinto sya habang pinagmamasdan ang palengke..
"hindi ba kayo naaawa sa kanila?"
"hah?"
"look!!"
Tinuro nya sa akin ang isang tindera na pinukpok ang tilapia para tumigil ito sa paggalaw..nang hindi na ito gumagalaw ay inumpisahan na nyang linisin ang isda..
"pumapatay kayo ng hayop para lang may makain kayo..eh nandyan naman ang mga gulay.."
"Shin.."
"tapos yung mga baboy, manok at baka..inaalagaan nyo nga pero kapag malaki na sila..kinakatay nyo din..inaalagaan nyo sila hindi dahil sa may malasakit kayo..kundi dahil sa kailangan nyo sila in the future.."
Literal na napanganga ako sa sinabing iyon ni Shin..anong paliwanag ang gagawin ko sa kanya?..
"Shin..hindi ko alam kung paano maipapaliwanag..pero kasi..nasa mundo ka ng mga tao..at sa mundo namin..ito ang kalakaran para mabuhay kami..nagegets mo naman siguro diba?"
Tumingin sa akin si Shin at napabuntung hininga..
"sorry..naawa lang ako sa kanila.."
Napabuntung hininga na lang ako..naguilty din kasi ako bigla..totoo naman kasi yung sinabi ni Shin..
"w-wag mo na lang intindihin ang mga sinabi ko..tara na"
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na papunta sa tindahan ng mga isda..biglang bumilis ang tibok ng puso ko..bakit kailangan pa nyang hawakan ang kamay ko?..agad kong hinila ang kamay ko nung nasa tapat na kami ng tindahan..agad akong namili ng isda..tilapia at bangus lang ang binili ko, tig-isang kilo..bumili din ako ng tig-isang kilo ng karneng manok at baboy..after nun ay bumalik na kami sa kotse..at nagdecide nang bumalik sa unit ko..

BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasiNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...