CHAPTER 6

4.3K 211 2
                                        


Proverbs 2:6

For the Lord gives wisdom; from His mouth comes knowledge and understanding.




KANJI SHIN POV

Tiningnan nya lang ako at nagtuloy na sya sa pagpasok sa kwarto nya..mukang kailangan ko na talagang masanay sa ugali nya..may oras kasi na ang bait nya, may oras na ang daldal, may oras din na hindi ko alam kung anong iniisip nya..at may oras na titingnan ka lang nya at hindi magsasalita..tama nga si Tita..masyadong unpredictable si Akira..

Naupo ako sa may sofa at napaisip..napakalawak ng Pilipinas..saan ako mag-uumpisang maghanap?..napapikit na lang ako..kailangan ko bang sabihin kay Akira ang totoo?..malaki ang maitutulong nya sa akin kung sakali..pero isa syang tao..baka matakot lang sya sakin..kung may makakatulong man sakin ngayon, yun yung babaeng nakita ko noon nung bata pa ako..pareho kaming limang taon noon..aksidente nya akong nakita..pero hindi sya natakot sakin bagkus ay kinausap nya pa ako..kamusta na kaya sya?..



AKIRA POV

Bigla akong naalimpungatan..napatingin ako sa relo ko at alas otso na pala ng gabi..napaidlip pala ako..bumangon ako at lumabas ng kwarto..tulog na din kaya si Shin?..tahimik akong lumabas ng kwarto ko..nakita ko naman si Shin na nakaupo sa sofa..

"Shin..kum-----"

Napatigil ako sa pagsasalita..tulog pala sya..tatanungin ko pa naman sana kung kumain na sya..napatitig ako sa mukha nya..bakit ba pakiramdam ko nakita ko na sya dati?..

"Inaki..please..bumalik ka na"

Napataas naman ang kilay ko..talking while sleeping?..at sino naman si Inaki?..siguro ex gf nya yun na gusto nyang balikan..

"Shin..wake up..your dreaming..hey!"

Inalog alog ko pa sya para magising..may pagkatulog mantika din itong lalaking ito eh..

"Inaki"

Nagsalita ulit sya at hinawakan ang kamay ko..gising ba ang lalaking ito?..baka pinagttripan lang ako nito..unti unting nagmulat ang mga mata ni Shin..nagtama ang mga paningin namin..ilang saglit pa ay parang gising na gising na ang diwa nya..binitawan nya ang mga kamay ko at biglang tumayo..

"sorry"

Yun lang ang sinabi nya at nagpunta sya ng kusina..sinundan ko naman sya..kasalukuyan syang umiinom ng tubig..

"sino si Inaki?"

Natigilan sya at parang narinig ko pa syang bumuntong hininga..inilapag nya ang baso sa may sink at humarap sakin..medyo napaatras pa nga ako dahil yung tingin nya kakaiba..parang galit na malungkot..nag-iwas na lang ako ng tingin..

"none of your business"

"bakit ka nandito?..i mean bakit mo naisipan na bumalik sa Pilipinas?..what's your purpose?"

Tiningnan nya lang ako..ako naman ay sinalubong ang tingin nya..this is not me..hindi ako nakikipagsalubungan ng tingin..pero sa lalaking ito..hindi ko alam pero may part sakin na kilalanin ko syang mabuti..siguro dahil first time kong makipag-usap sa lalaki except for my dad..

Ilang saglit pang tumagal ang pagsusukatan namin ng tingin..ako na ang unang umiwas..hindi ko kasi alam kung namalik mata lang ba ako..para kasing naging medyo white yung mga mata nya..weird..naglakad sya palapit sakin at nilampasan lang ako..he didn't utter any word hanggang sa makapasok sya sa kwarto nya..napailing na lang ako..

Kailangan kong makausap si mommy..dahil sa nakikita ko, hindi kami tatagal ng magkasama sa iisang bubong..

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon