Luke 6:35
But love your enemies, do good to them, and lend to them without expecting to get anything back. Then your reward will be great, and you will be sons of the Most High, because he is kind to the ungrateful and wicked.
*****
AKIRA POV
"first date as a couple?"
Bungad ni Miro nang makalapit sya sa table namin..natulala lang si Shin dahil siguro magkasama si Miro at Inaki..ako naman ay nakatingin lang kay Shin at sinusubukang basahin ang iniisip nya ngayon..blangko kasi ang ekpresyon ng mukha nya..
"well..yes..first date as a couple"
Sabi ni Shin ng makabawi ito sa pagkabigla..nakatingin na sya ngayon kay Inaki na kasalukuyang nakahawak sa braso ni Miro..
"kayo din?"
Dugtong pa ni Shin..ngunit hindi sya sinagot ni Miro..bagkus ay tumingin sa akin si Miro..agad naman akong nag-iwas ng tingin..
"naniniwala ka ba talaga Akira na mahal ka ng kasama mo?..o baka naman iniisip mo lang na mahal ka nya dahil nadadala ka nya sa mga mamahaling restaurant katulad nito?..tell me..ganan ka na ba talaga kadesperada para maranasan kung paano maging mayaman?"
Hindi mo ako kilala..kaya wala kang karapatang husgahan ako..
Yan ang gustong gusto kong sabihin sa kanya ngayon..pero mas pinili ko pa ding manahimik at wag magreact sa sinabi nyang iyon..
"pare..respeto naman sa babae..hindi mo kilala si Akira.."
Halata sa boses ni Shin ang galit nya..tumayo pa sya at nakipagsukatan ng tingin kay Miro..hinawakan ko ang kamay ni Shin na ikinabigla nilang tatlo..nakatingin sa akin sina Inaki at Shin samantalang si Miro naman ay nakatingin sa mga kamay namin ni Shin..
"M-miro..hayaan na natin sila.."
Nagkandautal utal pang sabi ni Inaki..hinigit na nya palayo sa amin si Miro kaya agad kong binitawan ang kamay ni Shin..narinig ko namang bumuntong hininga sya..
"hindi mo na dapat pinatulan si Miro"
"iniinsulto ka na nya pero nanahimik ka lang..anong gusto mong gawin ko?..manahimik na lang din?"
Nagulat ako sa sinabi nyang yun..hindi na din ako nakapagsalita dahil dumating na yung order namin..tahimik lang akong kumain..kahit si Shin ay nanahimik na lang din..alam ko namang naiinis sya dahil magkasama sina Miro at Inaki..pero sana naman wag nya akong idamay sa inis na nararamdaman nya..
KANJI SHIN POV
Nakatingin lang ako sa palayong sina Miro at Inaki at napabuntung hininga..sila na ba?
"hindi mo na dapat pinatulan si Miro"
Nabaling ang tingin ko kay Akira..pinagtatanggol nya ba ang lalaking yun?
"iniinsulto ka na nya pero nanahimik ka lang..anong gusto mong gawin ko?..manahimik na lang din?"
Hindi sya umimik dahil dumating na yung pagkain..tumahimik na lang din ako at kumain..tss..nakakabadtrip si Akira..harap harapan na syang ininsulto ni Miro pero hindi man lang sya umimik tapos pinagtatanggol pa nya..now I wonder na baka may gusto si Akira kay Miro..kaya siguro hinahayaan nya lang na pagtripan sya dahil mahal nya ito..sh*t!!
MIRO POV
Sabado ngayon at ang balak ko lang ay ang mahiga maghapon..kaso itong si Inaki ay kinulit ako ng kinulit na samahan ko daw syang bumili ng bago nyang cellphone..pinsan sya ni Leo kaya minsan nakakasama sya sa barkada at medyo close kami..at dahil sa wala din naman akong gagawin maghapon kaya pumayag na lang akong samahan sya..pagkatapos naming bumili ng cp nya ay nagyaya syang kumain kaya pinagbigyan ko ulit sya..buti na lang dala ko yung credit card ko..
Habang kumakain ay nakita ko sina Kanji at Akira sa harap ng restaurant..saktong katatapos lang namin kumain nung nasabi na ni Akira ang order nila dun sa waiter..
"first date as a couple?"
Tanong ko agad sa kanila nang makalapit kami ni Inaki sa kanila..para namang nagulat si Kanji at si Akira naman ay nakatingin lang sa syota nya..
"well..yes..first date as a couple"
Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko..hindi ko alam kung bakit..
"kayo din?"
Dugtong pa ni Kanji pero hindi ko sya pinansin..imbes ay kay Akira ako tumingin..kaso nag-iwas naman sya ng tingin sa akin..
"naniniwala ka ba talaga Akira na mahal ka ng kasama mo?..o baka naman iniisip mo lang na mahal ka nya dahil nadadala ka nya sa mga mamahaling restaurant katulad nito?..tell me..ganan ka na ba talaga kadesperada para maranasan kung paano maging mayaman?"
Huli na ng marealize ko ang mga sinabi ko..sh*t..nainsulto ko na si Akira pero hindi pa din nya ako kinibo..tss..
"pare..respeto naman sa babae..hindi mo kilala si Akira.."
Bakit sya ba, kilala nya si Akira?..nakwento na ba sa kanya ni Akira ang buong buhay nito?..ang lakas makasabing hindi ko pa kilala si Akira..eh samantalang mas matagal na kaming magkakilala ni Akira kumpara sa kanila..
Nakipagsukatan ako ng tingin kay Kanji..g*go tong lalaking to..baka nakakalimutan nya na umamin sya sa akin na pinaglalaruan nya lang si Akira..
Pero nawala ang atensyon ko kay Kanji dahil sa paghawak ni Akira sa mga kamay nito..ano to?..bakit kailangang magPDA silang dalawa sa harap ko..arghhh..lalong kumukulo ang dugo ko habang pinagmamasdan ang kamay nilang dalawa..
"M-miro..hayaan na natin sila.."
Hinila na ako ni Inaki palabas sa lugar na iyon..hindi ko na sya inimikan hanggang sa maihatid ko sya sa kanila..hindi ko pa din kasi makalimutan yung nangyari kanina sa restaurant..
Ahhhh..paano Akira?..paano mo nagagawang tumambay sa isip ko?..arghhhhh..
*****
Guys..what do you think?..hahaha..ano nang nangyayari sa kanilang apat? :D
Thank you and God bless!!
----nnaeillek
![](https://img.wattpad.com/cover/48242487-288-k623160.jpg)
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasiNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...