CHAPTER 62

2.7K 140 9
                                    

1 Corinthians 1:4-5

I always thank my God for you because of his grace given you in Christ Jesus. For in him you have been enriched in every way-with all kinds of speech and with all knowledge ---





*****

AKIRA POV


Mahal na mahal kita Akira.


Naramdaman kong hinawi ni Shin ang mga buhok na nakatabing sa mukha ko. Hindi ko minulat ang mga mata ko at pinanindigan na lang ang pagiging tulog. Nakailang sabi na sya ng mga salitang yan kaya ang puso ko ay nagwawala na naman.


Pero kailangan ako ni Inaki.


Bakit may 'pero' na kadugsong pa? Hindi ba pwedeng 'Mahal kita Akira' period?


Kailangan na naming bumalik sa mundo namin. Dahil kapag pinatagal ko pa ang pananatili namin dito, maaari nya yung ikamatay.


Pero maaari ko ding ikamatay kapag umalis ka, nasa panganib din ang buhay ko diba? At yun ay dahil sayo Shin.


Ayokong umalis Akira dahil ayokong malayo sayo pero kailangan.


Ayaw mo pero yun ang mas pinili mo.


Sana maintindihan mo.


Paano ko maiintindihan? You choose your first love. Mas pinili mo ang kaligtasan ni Inaki. Pwede bang magpakaselfish kahit ngayon lang? Pwede bang ako ang piliin mo Shin? Pwede ba?


Alam kong may alinlangan ka sa nararamdaman ko. Patutunayan ko pa dapat ang pagmamahal ko sayo pero kailangan ko nang umalis.


Mahal mo nga ba talaga ako Shin?


Lagi mong tatandaan Akira. Mahal na mahal kita.


Paano ako maniniwala sayo Shin? Pakiexplain nga.


At alam kong magkikita pa tayo. Magkikita pa tayo Akira.


Magkikita? Paano kami magkikita? Magiging celestial fox na sya. Hindi na sya basta basta makakapunta dito sa mundo ng mga tao. Paano Shin? Paano?


Paalam.


Paalam. Isang salita lang na binubuo nang anim na letra pero bakit ang sakit sakit.


Gustong gusto kong imulat ang mga mata ko at pigilan sya sa pag-alis nya pero hindi ko magawa. Para akong nabato sa pwesto ko. Nahihirapan na din akong huminga. Narinig ko ang mga yabag ni Shin na palayo na sa akin.

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon