Psalm 119:105
Your word is a lamp to my feet and a light for my path.
*****
KANJI SHIN POV
sinabi ko lang yun dahil nandun si Miro at pinapanood ang panghahampas ko sayo
Napasuntok na lang ako sa pader pagkalabas ko sa opisina ni Tito June..hindi ko alam kung bakit nainis ako sa sinabing iyon ni Akira..tss..akala ko talaga nagselos sya..yun pala parte lang yun ng pagpapanggap namin..
Pumunta na lang ako sa gym kung saan gaganapin ang program na inihanda ng school para kina Tita..nakita ko si Miro na nilalaro ang gitara nya..nasa tabi nya si Inaki at pinapanood sya sa ginagawa nya..
Nagpunta na lang ako sa may backstage at kinuha ang gitara ko doon..naiisip ko na naman ang nangyari kanina..
teka lang..nagseselos ka ba?
oo nagseselos ako..nakaka-------
Napapikit na lang ako habang naririnig ko ang sinabi ni Akira kanina..nagtataka na ako sa sarili ko..bakit pakiramdam ko natutuwa ako na nagselos si Akira kanina?..tapos nalungkot ako nung sinabi nyang palabas lang yun..tss..
Ilang saglit lang ay pinaghanda na kami dahil papunta na sa gym sina Tita..parang nakonsensya naman ako bigla..dahil iniwan ko si Akira na namomroblema kung paano malulusutan ang sitwasyong ito..
Akira!
AKIRA POV
Akira!
Napahinto ako bigla nang parang may narinig ako..kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa gym ng biglang may tumawag sa pangalan ko..kung hindi ako nagkakamali ay boses yun ni Shin..
Wag kang mapraning..may kakayahan akong kausapin ka gamit ang mga isip natin..
Napabuntung hininga na lang ako..si Shin nga ang narinig ko..tss..
ano?!
Sigaw ng isip ko..
Ok ka lang ba?..i mean ilang minuto na lang..makikilala ka na nila..
Wow!..concern ka?..samantalang iniwan mo ako..
Parang narinig ko syang bumuntung hininga..ang galing naman nya..kayang kaya pala naming mag-usap kahit na magkalayo kami..hindi na kailangan ng cellphone or anumang gadget..
Pakinggang mong mabuti ang kakantahin ko mamaya hah..
Sus..kay Inaki mo sabihin yan..dahil alam ko namang para sa kanya ang kakantahin mo..
Nagseselos na naman ang babe ko..
Kahit hindi ko sya nakikita..alam kong nakangisi sya ngayon..
Babe-in mo mukha mo..kadiri ka!..tss..
Effective ba?
Hah?!
Ang galing ko talaga..see?..nandito ka na sa gym nang hindi mo napapansin..at nakatingin na silang lahat sayo dahil kasama mo ang may-ari ng school..
Pinagmasdan ko ang paligid at tama nga si Shin..nandito na kami sa loob ng gym na hindi ko man lang napansin..at lahat sila bakas ang pagtataka sa mukha nila..
Shin?!
Malakas kong sigaw sa isipan ko..
Akira..hindi mo maitatago habang buhay ang totoo mong pagkatao..it's time to show up..
Kainis itong si Shin..kaya pala bigla bigla na lang nya akong kinausap para libangin..and now nandito na ko sa sitwasyong hindi ko na kayang takasan..
"Let's welcome..Mr. and Mrs. Montenegro together with their unica hija..Ms. Akira Montenegro"
Wala na..tapos na ang pagpapanggap ko..alam na nilang lahat..
Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante pero mahahalata mo sa kanila ang labis na pagkabigla at pagtataka..sino ba namang hindi mabibigla..ang inaakala nilang nag-iisang mahirap sa school na ito ay anak pala ng may-ari..tss..
Nagspeech nang kaunti sina Mommy at Daddy then after nun ay isa isa nang nagperform ang mga estudyante..
Akira
Tawag na naman sa akin ni Shin sa isip ko..
ano na naman?
ang ganda ng pakilala sayo ah..
pwede ba Shin..kung wala kang magandang sasabihin..manahimik ka na lang..
tatahimik ako basta pakikinggan mo ang kakantahin ko mamaya
oo na..tumahimik ka lang
sige..aasahan ko yan
Ano na naman kayang binabalak ni Shin..tss..at bakit kailangan ko pang pakinggan ang kakantahin nya..eh alam ko namang para kay Inaki yun..tss..

BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...