CHAPTER 66

2.9K 147 17
                                    

1 Chronicles 16:34

Give thanks to the Lord, for he is good; his love endures forever.





*****


KANJI SHIN POV


"Kanji, wait."


Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Inaki. Napangiti na lang ako dahil sa itsura nya. Nagbalik na sya sa dati. Hindi na sya payat at namumutla at masasabi kong bumalik na ang dati nyang lakas. Pati ang inalis kong buntot ay ibinalik ko na sa kanya.


"Bakit?"


"Pauwi ka na ba?"


Katatapos ko lang sa training ko bilang isa nang ganap na celestial fox. At si Inaki ay mukang kaaawas lang din galing sa academy dito sa mundo namin.


"Oo. Mag aalas sais na eh."


"Babantayan mo ulit si Akira?"


Napatango na lang ako bilang sagot sa tanong nya.


"Pasensya na, nang dahil sa akin napalayo ka sa kanya."


Malungkot nyang sabi sa akin. Ilang beses na syang humingi ng pasensya sa akin dahil sa agarang pagbalik sa mundo namin.


"Sinabi ko na sayo diba, hindi mo kasalanan yun. Magkakalayo pa din naman kami ni Akira eh, medyo napaaga nga lang."


Nginitian ko sya at bahagyang ginulo ang buhok nya.


"Sige na, umuwi ka na din. Bye."


Naglakad na ulit ako palayo kay Inaki.


"Kanji!"


Napalingon ulit ako ng tawagin ni Inaki ang pangalan ko.


"Maniwala ka, magkakasama kayo ni Akira. Maghintay ka lang."


Nakangiti nyang sabi sa akin. Pagkasabi nya nun ay umalis na sya. Napailing na lang ako.


Pagkarating ko sa bahay ay nagderetso agad ako sa kwarto ko. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makakonekta sa mundo ng mga tao. Ginagawa ko ito gabi gabi para mabantayan si Akira kahit na magkabilang mundo ang agwat namin. Napapagmasdan ko sya kahit na nandito ako sa mundo ko. Nababantayan ko pa din sya sa buong magdamag, ang kaibahan nga lang, hanggang tingin lang ako. Hindi ko sya mahahawakan, hindi ko sya mayayakap.


Nang makakonekta ako ay nakita ko si Akira na may yakap yakap na teddy bear. Halos kasing laki na nya ito kaya hindi ko makita ang mukha nya.

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon