CHAPTER 1

7.1K 253 3
                                        

Matthew 11:28-29

Come to me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest. Take my yoke upon you, and learn from me, for I am gentle and lowly in heart, and you will find rest for your souls.


*****

AKIRA POV


"nandito na naman sya..akala ko ba lumipat na sya ng school?"

"hindi na sya nadala kay prince Miro.."

"ang kapal talaga ng muka nya para ipagpatuloy ang pag-aaral dito"

"gold digger talaga"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko habang naglalakad dito sa Kitsune Academy..obvious naman na ako ang pinag-uusapan nila pero hindi na lang ako nagrereact..


Ako nga pala si Akira Montenegro..17 years old at 4th year highschool..first day ng school ngayon..dapat talaga lumipat na ko ng school..kaso ayaw pumayag ng mga magulang ko dahil isang taon na lang at gagraduate na ako..sayang daw kung lilipat pa ako..kaya eto..isang taon na naman akong magtitiis sa school na ito..

Halos lahat na ng estudyante sa hallway ay nakatingin sakin..isa lang ang ibig sabihin nun..nandito na si Miro..ang tinuturing na prinsipe ng school na ito..bukod DAW sa napakagwapo nito ay napakayaman din nito..ang pamilya nya ay nagmamay-ari ng isang airline sa US..kaya napakayaman talaga nya..mayaman nga sya kaso mahirap sya sa good manners..mayabang at masama ang ugali..napakabully..yan ang ugali ni Miro..

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko kaso bigla akong nadulas at lumagpak sa sahig..nagtawanan naman ang mga estudyante na nakakita sakin..nakita ko na may naapakan pala akong balat ng saging kaya ako nadulas..arghhhhh..

"ilang isda ang nahuli mo?"

Tatawa tawang sabi ni Miro..oh yes..sya ang may pakana nito..hindi ako umimik..hindi din ako nagpakita ng kahit na anong emosyon..tahimik lang akong tumayo at naglakad ulit..

"pare..isnab ka na naman"

Narinig kong kantyaw ng isang kabarkada ni Miro sa kanya..sa lahat ng pangbubully na ginawa sakin ni Miro, hindi ako nagpakita ng pagkaapektado..hindi ako nagreklamo..poker face lang ako lagi..hindi rin ako nagbitaw nang kahit na anong salita..at lalong hindi ko sya tinitingnan..kaya siguro lagi nya akong pinagttripan..

"akala ko ba lilipat ka na ng school..bakit nandito ka pa??"

Napatigil ako sa sinabing iyon ni Miro..seryoso ang boses nya..hindi ko sya nilingon at nagpatuloy na lang ulit sa paglalakad..

Nang makarating ako sa classroom ko ay agad akong naupo sa may likuran..ilang saglit pa ay pumasok na din sina Miro..kaklase ko na naman sya..hayyy..ang saya ng buhay (insert sarcasm here)..


Nagtataka ba kayo kung bakit ganito ang pakikitungo sakin ng mga estudyante dito?..well..idedescribe ko na lang ang sarili ko..mahaba ang buhok ko na hanggang bewang..meron akong malaking eyeglass..lagi akong nakajeans at tshirt tapos washable na sling bag..sa school na ito na puro anak mayaman ang napasok, walang lugar ang katulad ko..isang nerd at manang..i am nobody in this school kaya ako lagi ang napapagtripan..


Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Miro..agad akong nag-iwas ng tingin at binuklat buklat ko na lang ang libro ko..kaso napatigil ako sa ginagawa ko nang pumunta sa harap ko si Miro..tss..ano na namang plano nya?


"tss..hindi ka pa din ba nadadala?..bakit ba gustong gusto mo sa school na ito?"

Kung alam lang nya..halos isuka ko na ang school na ito..pero hindi ako umimik..ni hindi ako nag-abalang tingnan sya..binuklat ko na lang ulit yung libro ko..kaso nagulat ako nang hablutin ni Miro ang libro ko at itinapon ito sa may blackboard..natahimik ang mga kaklase namin..ako naman ay lihim na napapikit..nagpipigil ng inis..

"tss"

Yun lang ang nasabi nya..inaantay nya siguro na magreact ako sa ginawa nya..hinding hindi ako magpapakita ng reaksyon o emosyon sa kanya..hindi rin ako palaimik kaya hinding hindi nya ako maririnig magsalita..

Umalis na sa harap ko si Miro at naupo na sa kabilang row..tumayo naman ako at pinulot ko ang libro ko na itinapon ng magaling na lalaking yun..

Napakagandang first day of school naman nito..super..

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon