CHAPTER 59

2.8K 160 25
                                        

Proverbs 15:18

A hot-tempered man stirs up dissension, but a patient man calms a quarrel.





*****


AKIRA POV


"Hui Shin, may problema ka ba?"


Tiningnan lang ako ni Shin, hindi nya sinagot ang tanong ko. Nandito na kami sa bahay at itong si Shin ay kanina pa ako hindi kinakausap at pinapansin. Nag-usap lang sila ni Inaki kanina tapos hindi na nya ako pinansin.


"Shin"


Sinundan ko si Shin hanggang sa kwarto nya. Gusto ko kasing malaman kung anong napag-usapan nila ni Inaki at kung kailan sila uuwi sa mundo nila.


Natigilan ako nang makapasok ako sa kwarto nya. Ngayon lang ata ako nakapasok dito. Malinis naman ang kwarto nya maliban nga lang dun sa mga papel na nagkalat sa sahig.


"What the--, Akira dun ka na sa kwarto mo."


Napatingin ako kay Shin na parang hindi mapakali. Tinaasan ko lang sya ng kilay.


"Akira"


"ok fine"


Lumabas ako ng kwarto nya at pabagsak na sinara ang pinto. Nagpunta na lang ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.


Siguro malapit nang umuwi sina Shin kaya iniisnab na nya ako. Hindi na nya ako kailangan kaya hindi na nya ako pinapansin.


Matapos ko syang iyakan kanina tapos ganito pa ang trato nya sa akin. Tss. Akala ko pa naman kaibigan ko talaga sya kaso mukang nagkamali ako.


"Akira"


"ay pusang tumalon. Shin!!"


Napabangon ako bigla sa kama ko ng biglang sumulpot si Shin sa kwarto ko. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinangisi naman nya.


"Dun ka na sa kwarto mo"


Pagtataboy ko sa kanya. Tinulak tulak ko pa sya palapit sa may pinto ng kwarto ko.


"teka lang.."


Hinawakan ni Shin ang dalawa kong kamay kaya napatigil ako. Pero binawi ko agad ang mga kamay ko at tumalikod sa kanya.


"matapos mo akong isnabin, ngayon naman basta ka na lang napasok sa kwarto ko. Trespassing ka."


"hindi mo din naman ako pinansin kanina ah, nung kasama mo si Miro."


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon