CHAPTER 28

3.4K 185 9
                                        

Hebrews 13:8

Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.




*****

MIRO POV


Napangiti ako nung makita ko si Akira na naglalakad mag-isa..sa wakas, hindi nya kasama si Kanji..makakausap ko na sya ng masinsinan..kaso nagtaka ako..bakit ganun sya maglakad?..parang may iniinda syang sakit..

Napatakbo na lang ako ng bigla syang natumba..nang makalapit ako sa kanya ay napansin ko agad ang wrist nya..ang laki ng pasa nya..sh*t..binuhat ko agad sya at dinala sa clinic..

Napaano kaya ang pasa nya?..at anong nangyari sa kanya?..hindi kaya sinaktan na naman sya ng mga babaeng patay na patay sa akin?..napakuyom na lang ako..kung sino man ang may gawa sa kanya nito, sisiguraduhin kong mananagot sya..

Ilang saglit pa ay nagising na si Akira..nagulat pa nga sya nang makita nya ako..

"nakita kita na nawalan ng malay..kaya dinala agad kita dito"

Pinagmasdan ko ang mga mata nya..at bakas na bakas sa mga mata nya ang lungkot..ngayon ko lang ata nakita ang mga mata nya na may ekspresyon..

"at yung pasa mo sa kamay..sino bang may gawa nyan?"

Hindi nya ako sinagot at tiningnan nya lang ang kamay nya..narinig ko pa syang bumuntong hininga..

Pinilit nyang bumangon kaya inalalayan ko agad sya..


"t-teka..magpahinga ka muna"

Pigil ko sa kanya ng mag-umpisa na syang maglakad..kaso hindi nya ulit ako pinansin at nagpatuloy pa din sya..

"Akira"


"thank you!"

Natigilan ako..totoo ba talaga ang narinig ko?..nagthank you sa akin si Akira..kinausap na nya ako..napangiti na lang ako at sinundan sya..


Pagkalabas ko sa clinic ay muli akong natigilan..dahil si Akira, yakap sya ni Kanji..umiwas ako ng tingin at bumalik na lang ako sa loob ng clinic..nahiga na lang ako sa isang higaan dito..at nag-umpisa nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan..




KANJI SHIN POV


"Kanji!!"

Sigaw sa akin ni Inaki..niyakap ko kasi sya para iblock ang isang buntot nya..ibig sabihin walong buntot nya lang ang magagamit nya..tinulak nya ako at agad syang tumayo..


"how dare you?!"

"nanakit ka ng isang tao..at yan ang kaparusahan mo"

Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa nya kay Akira..sinaktan nya si Akira at hindi ako makakapayag na wala akong gawin..kayang kaya kong iblock ang lahat ng buntot nya dahil isa akong nakatakdang maging celestial fox..pero ayoko naman na maging mahina sya kaya isang buntot nya lang ang binlock ko..


"ibalik mo ang ikasiyam kong buntot.."

"no!..hangga't hindi mo natututunan ang lesson mo..hindi ko ibabalik ang buntot mo"


Tumalikod na ako sa kanya at hinarap ko si Akira..pero wala na sya sa may puno ng mangga..nasaan na sya?..

Agad akong kumilos para hanapin si Akira..una kong pinuntahan ay ang classroom namin pero wala sya dun..pinakiramdaman ko ang aura nya sa paligid pero hindi ko ito maramdaman..nagtanong tanong ako sa mga kaklase namin pero hindi pa daw nila nakikita si Akira..

Halos nilibot ko na din ang buong school pero wala sya..at dun na ako nakaramdam ng kaba..Akira..nasaan ka na ba?..

Patuloy lang ako sa paghahanap ng mapadaan ako sa clinic at saktong lumabas doon si Akira..agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya..


"pinag-alala mo ako"

Yun na lang ang nasambit ko habang yakap yakap ko pa din sya..

"bitaw"

Agad akong napabitaw nung bigla syang nagsalita..her voice is full of coldness katulad ng dati..tiningnan ko ang mga mata nya at ganun din..walang ekspresyon ang mababasa sa mga mata nya..


"Akira.."

"ok lang ako"

Walang ekspresyon nyang sabi sa akin at nag-umpisa na syang maglakad..natigilan ako..bumalik na ba sya sa dati..ang cold na si Akira..bumalik na ba sya??..pero bakit?..bakit ganun na ulit ang pakikitungo nya sa akin?..anong nangyari?..


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon