CHAPTER 43

3.1K 156 9
                                        

Psalm 103:8

The Lord is compassionate and gracious, slow to anger, abounding in love.





*****


KANJI SHIN POV


Alas otso na ng gabi ng lumabas na ang bilog na buwan..blue moon ngayon..pangalawang full moon ngayong month na ito..ito ang panahon na may mga lobo na ubod ng lakas..at may mga lobo na ubod ng hina..ang blue moon ay nangyayari lang isang beses sa dalawang taon..pero ito ang pinakamahalagang panahon para sa mga katulad ko na nine tailed fox..dahil tuwing blue moon lang nalalaman ang tunay na pagkatao ng isang nine tailed fox..hindi na ako apektado ng blue moon ngayon dahil alam ko na ang tunay kong pagkatao..isa akong nine tailed fox, isa sa mga pinakamalakas na lobo na nakatakdang maging isang celestial fox..


Nandito na sila..


Sabi sa akin ng kalahi kong nine tailed fox..hindi nga ako nagkamali..alam kong susugod muli ang mga itim na lobo kaya tinawag ko ang sampu sa pinakamalalakas na nine tailed fox..nakapalibot sila sa buong mansyon para kung sakali mang tama nga ang hinala..


Bantayan mo syang mabuti..kami na ang bahala dito..


Sabi pa nung isa..naramdaman ko na nga ang aura ng mga itim na lobo..malapit na sila..gustuhin ko mang sumama sa pakikipaglaban sa mga itim na lobo..hindi ko pwedeng gawin..dahil kailangan kong bantayan si Akira..


Mag-iingat kayo..


Yun na lang ang tangi kong nasabi..tumingin ako kay Akira..mahimbing syang natutulog sa mga oras na ito..mataas pa din ang lagnat nya..marahan kong hinaplos ang buhok nya..


Poprotektahan kita Akira..kahit na anong mangyari..






"ang sweet naman"


Napatayo agad ako ng makita ko ang isang itim na lobo na walang hirap na nakapasok dito sa kwarto..nakangisi sya habang nakatingin kay Akira na mahimbing pa din ang tulog..nilabas ko ang siyam kong buntot..winagayway ko ang ika pito kong buntot para lagyan ng protector shield si Akira..ginawa ko ito upang hindi magising si Akira at hindi nya masaksihan ang pag-atake ng itim na lobo..


"Kanji Shin..ang susunod na celestial fox..anong ginagawa mo dito sa mundo ng mga tao?.."

"hindi mo na dapat pang malaman yun.."


Mariin kong sabi sa kanya..hindi ko gusto ang tingin nya kay Akira..alam ko ang binabalak nya..at hindi ako makakapayag na maisagawa nya ang plano nya..


Ngumisi lang sya sa akin at bigla na lang akong nakaramdam ng pamamanhid ng mga binti ko..sh*t..paralize attack..ang atake ng mga duwag at traydor na lobo..


Hinampas ako ng itim na lobo gamit ang ikadalawa nyang buntot..hindi ko yun naiwasan dahil sa pamamanhid ng mga binti ko..tinamaan ako sa braso na agad dumugo dahil sa lakas ng hampas nya..sinamantala nya ang pagkakataong iyon para makalapit kay Akira..kaya kahit na nahihirapan akong gumalaw ay pinilit kong mahampas sya ng buntot ko..nagawa ko naman iyon at tumilapon sya palayo kay Akira..pero kapalit noon ay ang kabawasan ng enerhiya ng katawan ko..napangiwi din ako dahil kumikirot na ang sugat ko sa braso..


Hinampas ulit ako ng itim na lobo..and this time ay ang binti ko ang pinatamaan nya..gusto kong humiyaw sa sakit pero hindi ko ginawa dahil baka magising si Akira..tiniis ko na lang ang sakit ng binti ko..nagtangka ulit syang lumapit kay Akira pero pinigilan ko sya gamit ang una at ikalawa kong buntot..kahit na hirap na hirap ako ay nagawa ko syang tamaan at itilapon ulit..akmang susugod ulit sya sa akin ng biglang dumating ang isa sa mga kalahi ko..nakahinga ako ng maluwag..


Sinugod nya ang itim na lobo at nagteleport sila..nawala na ang pamamanhid ng mga binti ko kaya agad kong nilapitan si Akira..tinanggal ko na ang protector shield at inalam kung ayos lang sya..sakto namang nagmulat sya ng mata nya..



"p-panaginip lang pala.."


Nakangiti nyang sabi sa akin..hinang hina pa din sya at may lagnat pa din..


"sshhh..sleep.."


Utos ko sa kanya..ngumiti ulit sya bago pinikit ang mga mata nya..hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya na nagkalat sa mukha nya at napabuntung hininga..


muntik na Akira..muntik na..


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon