Psalm 91:2
I will say of the LORD, "He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust."
*****
MIRO POV
Nakatingin lang ako kay Akira habang binabasa nya yung sulat na binigay ko sa kanya..hindi na ako nagulat kung anak sya ng may-ari ng school na ito..isang linggo ko na kasi syang sinusundan..para nga akong stalker sa pagsunod sa kanya..pero wala akong pakialam..dahil gusto kong mas makilala si Akira..gusto kong makilala ang pamilya nya..and I found out na anak pala sya ng may-ari ng Kitsune Academy..
Pagkatapos nyang basahin yung sulat ay ipinatong nya ito sa desk..pinagmasdan nya lang ang bulaklak na bigay ko at hindi man lang nya ito hinawakan..nasaktan ako sa ginawa nyang yun..pero naiintindihan ko naman sya..naiintindihan ko kung bakit ayaw nyang maniwala sa mga sinasabi ko..naging masama ako sa kanya for almost 3 years..siguro nga ito na ang karma ko..pero hindi ako susuko..patutunayan ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal..patutunayan ko na seryoso ako sa kanya..kahit na may mahal na syang iba..kahit pag-aari na sya ng lalaking katabi nya ngayon..at kahit madami na syang body guards ngayon..kahit na ang hirap hirap na nyang lapitan..kahit na parang ang layo layo na nya sa akin..hindi ako susuko..hinding hindi..
"pare..baka matunaw na nyan si Akira..sige ka..baka mapatalsik ka sa school na ito.."
Sabi sa akin ni Leo na kadadating lang..kasama nya si Richard na kasalukuyang busy sa pagcecellphone..
"tss.."
"big time pala si Akira..akalain mong anak pala ng isa sa pinakasikat na business tycoon..wow.."
Manghang sabi ni Richard habang nagcecellphone pa din..
"mas mayaman pa sayo ang babaeng gusto mo..paano ba yan?"
Tatawa tawang sabi ni Leo..napatingin ulit ako kay Akira..oo nga..mas mayaman talaga sa akin sina Akira..baka nga ang yaman ng pamilya ko ay 1/4 lang ng yaman ng pamilya nya..at nakakamangha dahil kahit napakayaman nya..mas pinili nyang magpanggap na scholar lang sya at isa syang mahirap..nagpanggap sya para maranasan ang isang simpleng pamumuhay..she is one of a kind..
"wow pare..tinamaan ka na talaga sa kanya?.."
Tanong sa akin ni Richard habang ibinubulsa ang cp nya..
"sinong tinamaan?"
Singit sa usapan namin ni Inaki..hindi ako umimik..bagkus ay pinagmasdan ko na lang ulit si Akira na kasalukuyang nakikipag usap kay Kanji..sana ako na lang si Kanji..sana ako na lang ang minahal mo..
"itong si Miro..tinamaan na talaga kay Akira.."
"talaga?.."
Napatingin ako kay Inaki..may halong lungkot kasi ang boses nya..hindi naman kasi ako manhid..alam kong may gusto sa akin si Inaki..kaso parang kapatid lang ang turing ko sa kanya..at hindi ko kayang suklian ang kung ano mang nararamdaman nya para sa akin...
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...