Proverbs 29:25
25 Fear of man will prove to be a snare, but whoever trusts in the Lord is kept safe.
AKIRA POV
"nakita kita na nawalan ng malay..kaya dinala agad kita dito"
Yan ang bungad sa akin ni Miro ng magising ako..at naalala ko ang lahat ng nangyari kanina..ang pananakit sa akin ni Inaki..ang pagtatanggol sa akin ni Shin..at ang pagdamay ni Shin kay Inaki..tss..hindi na dapat ako nagulat nung yakapin nya si Inaki..mahal nya yung babaeng yun..kaya kahit pagbali baligtarin pa ang mundo..si Inaki pa rin ang pipiliin nya..
"at yung pasa mo sa kamay..sino bang may gawa nyan?"
Napatingin ako sa kamay ko at napabuntung hininga na lang..ako yung nasaktan diba?..ako yung dehado kasi isang nine tailed fox si Inaki..wala akong kalaban laban sa lakas at kakayahan nya..pero bakit ganun?..si Inaki pa din ang pinuntahan nya..
Pinilit kong bumangon kahit na masakit pa din ang likod ko..inalalayan naman ako ni Miro..
"t-teka..magpahinga ka muna"
Pigil nya sa akin..isa pa ito eh..sya ang dahilan kung bakit sinaktan ako ni Inaki..tapos ngayon akala mo tunay na concern sya..sus..baka nga sa loob loob ng lalaking ito, nagdidiwang na sya sa sobrang kasiyahan dahil nakita nya akong nasasaktan..
"Akira"
"thank you!"
Sinabi ko na lang yun para tigilan na nya ako..at isa pa..sya ang nagdala sa akin sa clinic kaya nagpasalamat na din ako..
Lumabas na ako ng clinic kaso wrong timing..kasi nakita ko si Shin na tumakbo palapit sa akin..nung makalapit sya sa akin ay agad nya akong niyakap..
"pinag-alala mo ako"
Wow!..pinag-alala ko daw sya..samantalang hindi nya nga ako pinansin dahil sa Inaki na yun..
"bitaw"
Malamig kong sabi sa kanya..agad naman syang napabitaw sa akin at pinagmasdan ako..
"Akira"
Punong puno ng pagtataka ang boses nya..pero hindi ko na lang yun pinansin..
"ok lang ako"
Walang gana kong sabi..nag-umpisa na lang ulit akong maglakad at nagderetso na sa room..mabuti na lang at hindi ako nalate..
Pagkapasok ko sa room ay naupo na agad ako..sumasakit pa din ang likod ko..tss..kung kaya ko lang sanang labanan si Inaki..nagawa ko na sana..kaso wala akong laban..isa syang lobo at tao lang ako..
"Akira..yung nangyari"
"ok nga lang ako..nandyan na si sir..wag ka ng magulo"
Buti na lang at dumating na yung teacher namin..dahil ayoko munang kausapin si Shin..panigurado naman kasi na ang sasabihin nya ay intindihin ko na lang si Inaki..na kesyo mabait naman talaga sya, nadala lang ng emosyon..na kesyo pagpasensyahan ko na lang si Inaki..lintek..puro na lang Inaki..oo..alam ko namang mahal nya si Inaki..pero kasi naman..ako yung nasaktan eh..baka nga napatay pa ako eh kung hindi dumating si Shin..sana lang naman bago nya yakapin yung babaeng yun eh chineck nya muna ako kung ok lang ako..kaso hindi eh..baka nga nalimutan pa nyang nandun ako at ako yung nasaktan..tss..
Hanggang sa mag-awasan ay hindi ko pa din pinapansin si Shin..hindi na rin naman sya nangulit na ikinatuwa ko naman ng bahagya..
Nang makarating kami sa unit ko ay pumasok agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit..after nun ay nahiga na ako dahil ang sakit pa din ng likod ko..
"Akira"
Bungad sa akin ni Shin nang makapasok sya sa kwarto ko..nakalimutan ko palang ilock ang pinto ng kwarto ko..tss..
"sinong may sabing pumasok ka sa kwarto ko?"
Walang gana kong sabi sa kanya..nakahiga pa din ako at hindi na ako nag-abalang tingnan pa sya..
"galit ka ba?"
Oo..galit na galit ako..dahil pinamuka mo sa akin na mahal na mahal mo si Inaki at wala lang ako sayo..
"bakit naman ako magagalit?"
"dahil sa ginawa sayo ni Inaki kanina"
Alam mo naman pala eh..bakit tinatanong mo pa?..don't ask an obvious..nagmumuka kang..tss..nevermind..
"i understand..you don't need to explain her side..so please lang..gusto ko nang magpahinga"
Tumalikod ako sa kanya..katulad ng pagtalikod nya sa akin kanina..narinig ko syang bumuntung hininga at lumabas na sya ng kwarto ko..at kasabay ng pagsara ng pinto ng kwarto ko ang pagtulo ng mga luha ko..agad ko yung pinunasan..bakit ba ako naiyak?..tss..kaso pasaway ang mata ko dahil patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko..at hindi ko na napigilan..tuluyan na akong napahagulgol..sinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan ko..bakit ganun?..bakit ang sakit sakit?..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
