Deuteronomy 31:6
Be strong and of a good courage, fear not, nor be afraid of them: for the LORD thy God, he it is that doth go with thee; he will not fail thee, nor forsake thee.
*****
AKIRA POV
Bandang alas singko ng umaga nang magising ako..katabi ko pa din si Shin at tulog na tulog sya..napatitig na lang ako sa mukha nya..
Hindi ko talaga akalain na may nagbabanta sa buhay nya..hindi ko din akalain na may kalaban sila sa lahi nila..parang yung mga napapanood ko lang sa tv..kung may mabuting lobo, mayroon ding masama..
"kung ice cream ako..kanina pa ako tunaw sa titig mo.."
Biglang nagsalita si Shin kahit nakapikit pa din sya..bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko..at pakiramdam ko ang pula pula ng pisngi ko..tumalikod ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot..nakakahiya..
"wow..ganyan ka ba maggreet ng good morning?.."
Ramdam kong nakangisi sya habang sinasabi nya yan..
"ewan ko sayo.."
Narinig ko ang pagtawa nya..ano ba naman itong si Shin..agang aga ang pang-aasar..
"ang cute mo pala kapag namumula.."
"Shin!!"
Mas lalong lumakas ang tawa ni Shin..pumikit na lang ako ng mariin para marelax ako ng konti..
"sige na..babalik na ako sa kwarto ko..magready ka na..baka malate pa tayo sa school.."
Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ko si Shin kung umalis na nga ba sya..hindi ko naman narinig na bumukas ang pinto..baka nagteleport na lang sya..bumuntung hininga ako at unti unting lumabas mula sa kumot ko..
"good morning.."
Isang Shin na nakangisi ang bumungad sa akin nung tanggalin ko ang pagkakatalukbong ko sa kumot..ang lapit lapit mg mukha nya sa mukha ko kaya itong puso ko ay nagwawala na sa loob ng sistema ko..
"Shin naman eh.."
Tumawa na naman sya ng malakas kaya ang ginawa ko ay hinampas sya ng hinampas ng unan ko..sinasangga lang nya ang mga hampas ko habang tumatawa pa din..
Natigil lang kaming dalawa ng biglang tumunog ang phone ko..tiningnan ko ito at unregistered number ang tumatawag..
"hello?.."
"Akira..si Miro ito.."
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...