Philippians 4:9
Whatever you have learned or received or heard from me, or seen in me -- put it into practice. And the God of peace will be with you.
*****
AKIRA POV
"Akira"
Napatingin ako kay Shin nang tawagin nya ako. Kasalukuyan kasi kaming kumakain dahil lunch break na. Seryosong seryoso ang mukha ni Shin at parang hindi mapakali.
"Bakit?"
Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita ulit.
"Si Inaki, sasama na daw sya sa akin sa mundo namin."
Natigilan ako. Pero pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Wow! Congrats, nagtagumpay ka sa goal mo sa mundo namin. So kelan kayo uuwi?"
Tumingin si Shin sa mga mata ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Ano ba tong nararamdaman ko? Parang may sakit na ata ako sa puso dahil naninikip ang dibdib ko. Parang nahihirapan din akong huminga at nanlalamig ang dalawa kong kamay. Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor.
"May isang buwan pa ako eh."
Napatingin ulit ako kay Shin. Nakahalumbaba sya habang nakatingin sa kawalan.
"Anong isang buwan?"
"Isang buwan para manatili pa sa mundo nyo."
"Ayaw mo nun? Mas mapapadali na ang pagbabalik mo, I mean, nyo sa mundo nyo."
Tumingin ulit sa akin si Shin kaya umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Nakakailang kasi lalo na kapag naaalala ko yung kaninang umaga na nakayakap ako sa kanya.
"Paano ka?"
"Hah?"
"I mean, yung mga itim na lobo. Kapag umuwi agad ako sa mundo namin, maiiwan ka dito. Walang poprotekta sayo."
"Sus. Ikaw ang kailangan nila diba?. Kapag nalaman nila na bumalik ka na sa mundo nyo, panigurado babalik na din sila sa mundo nyo at doon itutuloy ang binabalak sayo."
Gustong gusto kong sabihin kay Shin na magstay muna sya dito ng isang buwan pa. Pero sino naman ako para pigilan sya diba?. Si Inaki ang pinunta nya sa mundong ito. At dahil sasama na sa kanya si Inaki, wala nang dahilan para manatili pa sya dito.
"Ahm, pupunta pala ako sa library. May hahanapin lang akong libro."
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...