CHAPTER 14

3.9K 197 6
                                        

Ephesians 5:17

Therefore do not be foolish, but understand what the Lord's will is.




*****

KANJI SHIN POV

Nandito ako sa kainan ng mga tao..lunch na kasi at hindi ko kasama si Akira dahil pinatawag sya ng principal..tiningnan ko ang bawat pagkain na pagpipilian..tss..puro karne lang ang nandito..wala man lang gulay..lumabas na ako doon dahil wala naman akong mapapala..nasaan kaya si Inaki?..tama nga si Akira, kaklase namin sya kaso hindi ko sya nakausap kanina dahil oras ng klase..akala ko madali kong makakausap si Inaki pero hindi pala..mukhang iniiwasan nya ako eh..

"Kanji Shin"

Napalingon ako sa tumawag sa akin..si Miro..ano naman kayang kailangan nya?..

"kung hinahanap mo si Akira..hindi ko sya kasama"

"bakit hindi mo sya kasama?..hindi ka ba natatakot na baka sinasaktan na sya ngayon?"

"tss..what do you want Miro?"

"ako dapat ang nagtatanong nyan sayo..what do you want to Akira?"

"why do you want to know?"

"sumagot ka na lang"

Napangisi na lang ako..

"paano kung ayoko?"

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Miro..he was pissed..

"pinaglalaruan mo lang ba sya?"

"oo..bakit?"

Nakangisi ko pa ding sabi..

"tss..lubayan mo si Akira.."

"bakit naman?..ayaw mo nun..hindi lang ikaw ang naglalaro.."

"hindi ko sya pinaglalaruan!!"

"talaga?..eh anong tawag dun sa mga ginagawa mo sa kanya?..lalo na yung kaninang umaga?..hindi ba yun paglalaro?.."

Bigla akong sinuntok ni Miro na syang ikinatumba ko..hindi ko inaasahan na susuntukin nya ako kaya hindi ako nakaiwas..ganito ba talaga kabayolente ang mga tao?..

"kung ako sayo..lalayuan ko na si Akira.."

Mahinahon na ang boses nya pero ramdam ko pa rin ang galit nya..

"you can't stop me Miro..kung pinaglalaruan ko man sya, it's her choice..dahil naniwala agad sya sakin..kung gusto mo akong pigilan..si Akira ang kausapin mo.."

Tumalikod na ako sa kanya at nag-umpisa ng maglakad..napangiti na lang ako..may pagkatorpe din pala ang mga tao..mukang magiging masaya ang ilang buwan kong pamamalagi sa mundo ni Akira..

Nagpunta na lang ako sa may garden malapit sa principal's office..hihintayin ko na lang dito si Akira..




AKIRA POV

"Tito.."

Bungad ko nang makapasok ako sa principal's office..pinatawag daw kasi ako ng principal..

"nabalitaan ko yung nangyari sayo kanina..and hija, kailangan na itong malaman ng magulang mo"

"Tito..napag-usapan na natin to diba?"

"oo..pero hindi ko na kayang tiisin ang ginagawa sayo ng mga estudyante..ikaw ang anak ng may-ari ng school na ito..pero ginaganun ka lang nila.."

"Tito please..isang taon na lang naman ehh..kayang kaya kong tiisin yun"

"paano kung hindi lang pamamato ang gawin nila sayo Akira?..paano kung mapuruhan ka sa pangbubully nila sayo?"

"Tito..please..isang pakiusap ulit..wag mong sabihin sa kanila..Tito.."

Mangiyak ngiyak kong sabi kay Tito..ayokong malaman ito nina mommy at daddy dahil panigurado, susugod sila sa school na ito..at malalaman ng mga estudyante ang totoong pagkatao ko na syang pinakaayokong mangyari..i went to this school as a nobody and I want to leave this school as a nobody..narinig ko pang bumuntong hininga si Tito bago nagsalita ulit..

"ok ok..but promise me one thing..you will always keep yourself safe.."

Napangiti ako sa sinabing iyon ni Tito..

"thank you Tito"

"sige na..pasalamat ka malakas ka sakin"

Niyakap ko si Tito bago lumabas ng office nya..hayyy..buti na lang at napakiusapan ko ulit sya..pagkalabas ko ng office ay natanaw ko sa may garden si Shin..agad ko syang pinuntahan..

"Shin"

"buti naman at nandito ka na"

"bakit?.."

"gutom na ako..at puro karne ang pagkain dito"

Napatawa na lang ako..binuksan ko ang bag ko at inabot sa kanya ang isang patatas..

"nakalimutan ko palang ibigay sayo kanina"

Nakatitig lang sya dun sa patatas..

"ano?..akala ko ba gutom ka na?"

Ngumiti sya sakin at kinuha ang patatas..

"salamat..ikaw kumain ka na?"

"ok lang ako..busog pa ako"

"sigurado ka?"

Tumango lang ako..tiningnan ko sya at ayun, sarap na sarap sa patatas..kaso napansin ko na parang may pasa sya sa may pisngi nya..

"napaano yan?"

Tinuro ko yung pisngi nya..napangiti sya ng bahagya,..

"nagkausap kami ni Miro..and ayan.."

"sinaktan ka nya?"

"masyado ka namang concern sa BOYFRIEND mo..ok lang ako"

Nakangisi nyang sabi sa akin..napairap na lang ako..

"napaka assuming mo noh?"

Tumawa lang sya ng malakas..grabe tong lobo na ito..ang lakas mang-asar ehh..ano kayang napag-usapan nila ni Miro..panigurado sinuntok sya nung Miro na yun..hayy..sabi na eh, madadamay sya sa pangttrip sa akin ni Miro..tsk..

"dyan ka lang..babalik ako.."

Sabi ko kay Shin..hindi na sya umimik dahil busyng busy sa pagkain nya..nagpunta ako sa may canteen at humingi ng yelo..bumalik ako sa pwesto ni Shin..saktong katatapos nya lang kumain..binalot ko yung yelo sa panyo ko..

"anong ginagawa mo?"

Hindi ako umimik..dinampi dampi ko yung yelong nakabalot sa panyo sa pisngi ni Shin..medyo nagulat pa nga sya sa ginawa ko pero hinayaan nya na lang..hindi dapat sya nadadamay sa pangttrip ni Miro..hayyy..





MIRO POV

Nakita ko si Akira na nanghingi ng yelo sa canteen..nagtaka naman ako kaya sinundan ko sya..nilapitan nya si Kanji Shin..tss..binalutan nya ng panyo yung yelo at dinampi dampi sa pisngi ng syota nya..

Nag-iwas na lang ako ng tingin..kung alam lang ni Akira..pinaglalaruan lang sya ng lalaking yun..tss..bakit ba pinoproblema ko yun?..ginulo ko na lang amg buhok ko at umalis na..ang sakit sa mata ng nakikita ko..napaka PDA..tss..


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon