CHAPTER 64

2.7K 134 7
                                    

Colossians 2:6-7

6 So then, just as you received Christ Jesus as Lord, continue to live your lives in him, 7 rooted and built up in him, strengthened in the faith as you were taught, and overflowing with thankfulness.




*****


AKIRA POV


Pagkatapos nung agaw atensyon na pagtatapat sa akin ni Miro ay nagprisinta syang ihatid ako. Nung una ay tumanggi ako pero nagpumilit sya kaya napapayag nya ako.


"Ibang klase pala talaga ang babaeng minahal ko. Paano kapag niyaya kita na makipagdate, kasama din natin ang mga body guard mo?"


Pabirong sabi ni Miro. Nagmamaneho na kasi sya at nandito ako sa tabi nya. Sina Louie naman ay nakasunod lang sa amin.


"Miro, tatapatin na kita. Sorry talaga pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo."


Sinabi ko na agad ang nararamdaman ko para sa kanya. Kanina kasi nung nagtatapat sya sa akin, kinapa ko sa puso ko kung pareho ba kami ng nararamdaman o kaya naman ay may pag-asa na masuklian ko ang pagmamahal nya. Kaso hanggang kaibigan lang talaga eh.


Ayoko syang paasahin. Dahil naramdaman ko na ang umasa sa wala at napakasakit nun. Kaya bilang kaibigan nya, ayokong maranasan nya ang naranasan ko. Kaya hangga't maaga pa, mas mabuti na yung alam nya ang nararamdaman ko.


"Alam ko Akira. Ramdam ko. Pero katulad ng sinabi ko kanina, hayaan mo lang ako na mahalin ka. Kahit yun man lang, pagbigyan mo ako."


Malungkot na sabi nya. Nagiguilty ako. Gusto kong suklian ang pagmamahal nya sa akin kaso wala talaga eh. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.


"Sorry Miro."


"Wag mo nang isipin yun Akira. Ang mahalaga, nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. At sana wag mo akong layuan o iwasan. Ok na ako."


Hindi na ako nakaimik pang muli kaya tumingin na lang ako sa bintana ng kotse.


Bakit ba napakakomplikado ng love? May isang taong handa kang mahalin pero hindi mo magawang suklian ang pagmamahal nya. May iba naman na mahal ang isa't isa pero hindi sila pwedeng magsama.


"Akira."


Napatingin ako kay Miro nang magsalita ulit sya. Seryoso syang nagddrive.


"Bakit?"


"Gusto ko lang itanong, bakit ang bilis mong nasabi sa akin na wala akong pag-asa sayo? I mean, alam mo agad sa sarili mo na hindi mo ako kayang mahalin?"


Napamaang na lang ako sa tanong nyang yun. Hindi ako makasagot. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagddrive pa din sya.

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon