CHAPTER 17

3.7K 197 5
                                        

1 Chronicles 16:11

Look to the LORD and his strength; seek his face always.



*****

MIRO POV


Tahimik ang buong Kitsune Academy ngayong araw na ito..mabuti na lamang at nakinig sa akin ang mga gustong manakit kay Akira..nagtataka na ako sa sarili ko..mula nung dumating si Kanji Shin at magpakilalang bf ni Akira, tuluyan ng nagbago ang pakikitungo ko kay Akira..kung dati, gustong gusto kong saktan o ibully si Akira..pero ngayon, ayoko nang makita sya na nasasaktan..arghhh..

Agad akong sumakay sa kotse ko pagkaawas..gusto kong makauwi na agad..pero natanaw ko si Akira sa may harap ng school..wala nga pala syang sundo dahil absent ang syota nya..automatic na nagdrive ako papunta sa harap nya..

"nasaan na ang boyfriend mo?"

Tanong ko sa kanya nang makababa ako sa kotse ko kaso hindi nya ako pinansin..

"sumakay ka na sa kotse ko..ihahatid na kita sa inyo"

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun sa kanya..isa lang ang alam ko, gusto ko syang makasama..hindi pa rin nya ako pinansin..bagkus ay naglakad sya palayo sa akin..hinabol ko sya at hinawakan sa braso nya para mapigilan sya sa paglalakad..

"Akira..ihahatid na kita!"

Mariin kong sabi sa kanya..naiinis na ako sa pang-iisnab nya sa akin..I am trying to be nice eventhough it is confusing why I am doing this but still, she ignored me..

"ihahatid mo ako..saan?..sa lugar kung saan maraming nakaabang na itlog at kamatis sa akin?..sa lugar kung saan malaya nyo akong ibully at saktan?"

Napabitaw ako sa sinabi nyang yun..first time nya akong kinausap..first time syang nagsalita sa akin pero puno ng hinanakit ang boses nya..napabuntung hininga na lang ako..


Ang t*nga mo Miro..natural na hindi sya sasama sayo..ilang taon mo ba naman syang pinagtripan..malamang wala syang tiwala sayo..


Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang sinusundan sya ng tingin hanggang sa makasakay sya ng jeep..




AKIRA POV


After 15 minutes ay nakarating na ako sa unit ko..buti na lang hindi na ako sinundan ni Miro..nagderetso na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit..after kong magbihis ay kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Shin..hindi sya nasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto..nadatnan ko syang natutulog at balot na balot ng kumot..agad akong lumapit sa kanya at chineck ang temperature nya..shocks!..bakit parang mas lalong tumaas ang lagnat nya?..kumuha ulit ako ng palangganang may tubig at bimpo..inilapat ko sa noo nya ang basang bimpo na ikinagising nya..


"I told you..hindi gagana yan"

Sabi nya sa akin na hinang hina..

"mas mabuti nang subukan ko ito kesa sa wala akong gawin"

Seryosong sabi ko sa kanya..sya naman ay napatitig lang sa akin na ikinailang ko naman..ilang saglit lang ay pumikit na sya at natulog ulit..napabuntung hininga na lang ako..




KANJI SHIN POV


Napamulat ako ng bigla kong naramdaman ang panunumbalik ng lakas ko..ibig sabihin, lumutang na ang full moon..bumangon ako at pumunta sa may bintana..napakaliwanag ng buwan..sinapo ko ang noo ko at nakahinga ako ng maluwag dahil wala na akong lagnat..

Napadako ang tingin ko kay Akira..nakaupo sya sa isang upuan at nakapatong ang ulo sa may tabi ng higaan ko..nakatulog na sya siguro sa pagbabantay sa akin..this girl..nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya..I thought she has a frozen heart, walang pakialam sa mga taong nasa paligid nya..mali ako..ipinapakita nya lang sa lahat na wala syang pakialam..but at the back of her frozen heart, she still cares..

Dahan dahan kong binuhat si Akira..tulog na tulog sya at hindi man lang nagising nung ihiga ko sya sa higaan ko..napatitig ako sa mukha nya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko..ang weird..ipinilig ko ang ulo ko at lumabas na ng kwarto ko..


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon