Colossians 3:15
Let the peace of Christ rule in your hearts, since as members of one body you were called to peace. And be thankful.
*****
MIRO POV
"Akira, ok ka lang ba?"
Napatingin sa akin si Akira. Parang nagulat pa sya na sinalubong ko sya. Napapansin ko kasi na parang ilang araw na syang wala sa sarili nya. Nagsimula yun mula nung hindi ko na nakita si Kanji.
Tumango lang sya sa akin at pumasok na sya sa classroom.
"Akira, wait."
Hinawakan ko sya sa braso nya para mapigilan sya sa paglalakad. Tumingin lang sya sa akin, yung tingin na walang ekspresyong mababasa.
"Isang linggo nang wala si Inaki pati si Kanji. Magkasama ba sila?"
"Wala na sila. Nagpunta na sila sa America."
Walang gana nyang sagot. Nabigla ako sa sinabi nyang yun. Umalis si Inaki na hindi man lang nagpapaalam sa akin. At ang mas nakakagulat ay magkasama sila ni Kanji. Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa?
Naglakad na ulit si Akira. Sinundan ko sya hanggang sa upuan nya. Dun ako naupo sa dating upuan ni Kanji.
"Ok ka lang ba talaga?"
Nag-aalala ako kay Akira. Ilang araw nang wala si Kanji at ilang araw na ding tahimik si Akira. Lagi din syang nag-iisa. Inilayo nya ang sarili nya sa akin.
"I guess your back."
Biglang napatingin sa akin si Akira. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa unahan. Dahil baka kapag tumingin ako sa mga mata nya ay hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Yung Akira na walang emosyon, yung Akira na tahimik, yung Akira na walang pakealam sa paligid. Nagbalik ang dating ikaw Akira."
Tumingin ako sa kanya para makita kung anong reaksyon nya sa sinabi kong iyon. Pero ako ata ang nagulat nang makita ko sya. Nakatingin lang sya sa akin. Hindi ko mabasa kung anong nararamdaman nya ngayon. Napaka plain ng mukha nya. Ganitong ganito sya noon nung binubully ko pa sya.
Ilang saglit lang ay humarap na sya sa unahan. Hindi man lang sya nagreact sa sinabi ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Bumalik na nga sya. Bumalik na ang dating Akira.
AKIRA POV
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasiaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...