Psalms 40:8
I desire to do your will, O my God; your law is within my heart.
*****
AKIRA POV
Minulat ko ang mga mata ko nung naramdaman ko ulit ang basang bimpo sa noo ko..at ang bumungad sa akin ay ang gwapo este lobo na si Shin..
"kamusta ang pakiramdam mo?"
May pag-aalalang tanong nya..bahagya lang akong ngumiti..hindi ko kasi magawang makapagsalita..pakiramdam ko kasi ang bigat bigat ng katawan ko..tapos hinang hina pa ako..ni pagmulat nga ng mata ko ay hirap na hirap pa ako..
"magpahinga ka na lang muna..dito lang ako.."
Sabi nya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko..seryoso ba sya dyan?..o baka naman sinasabi nya lang yan dahil may sakit ako?..
"wala ka na ngang lakas..nagawa mo pang mag-isip ng kung ano ano.."
Nababasa nya ba ang iniisip ko?..pumikit na lang ako at nagkunwaring tulog..nagtataka ako sa sarili ko..wala naman akong ginawa kahapon para magkasakit ng ganito..at saka ngayon lang ata ako nagkaganito..nilalagnat lang naman ako pero parang ubos na ubos na ang lakas ko..
"Akira..saglit lang hah..may kakausapin lang ako.."
Lumabas ng kwarto ko si Shin..babantayan daw ako..tss..pakitang lobo na naman..ano pa bang aasahan ko sa kanya..maalaga syang lobo..aaminin ko yun..pero hindi sa akin kundi kay Inaki..
KANJI SHIN POV
"anong ginagawa mo dito?."
Bungad ko kay Miro ng makalabas ako ng gate ng mansion..naramdaman ko kasi ang aura nya kaya nagmadali akong lumabas..
"ako ata ang dapat magtanong sayo..anong ginagawa mo sa bahay ni Akira?.."
"hindi lingid sa kaalaman mo na may sakit si Akira..kaya ako nandito.."
"nakipagbreak ka na sa kanya kahapon diba?.."
"relasyon lang ang natapos sa aming dalawa..hindi ang concern at love.."
Natahimik sya sa sinabi kong iyon..may dala syang bulaklak at mga prutas..nakauniform pa sya at halatang kagagaling lang sa school..
"nag-aalala din ako sa kanya..and I want to see her.."
Nagdadalawang isip ako kung papayagan ko syang makita si Akira..gusto kong magpakaselfish..pero mali..kaya pinayagan ko syang pumasok sa mansyon at bisitahin si Akira..
"Akira.."
Tawag ko sa kanya ng makapasok ulit ako sa kwarto nya..nagmulat naman sya ng mga mata nya..
m-may bisita ka.."
Pagkasabi ko nun ay pumasok na din si Miro..nakita ko ang pagkunot ng noo ni Akira..
"Akira..ano kasi..ah..nabalitaan ko na may sakit ka.."
Nagpumilit bumangon si Akira pero dahil wala syang lakas ay nahirapan syang bumangon..pareho kami ni Miro na lumapit sa kanya..ako ay sa kanan at si Miro naman ay sa kaliwa..nagkatinginan pa nga kami ni Miro..hindi ko na lang sya pinansin..inalalayan namin si Akira na makaupo at makasandal sa may headboard ng kama nya..
"nag-abala ka pang pumunta dito.."
Hirap na hirap na sabi ni Akira..tss..pinilit pa talaga nyang makapagsalita dahil sa lalaking ito..napatingin ako kay Miro at napangisi na lang ako..namumula kasi ang tenga nya..
"n-nag-aalala kasi ako sayo.."
Hindi na nagawang makaimik pa ni Akira..pumikit na lang sya na parang sinasabi sa akin na nanghihina talaga sya..
"kung hindi mo mamasamain..kailangan nang magpahinga ni Akira.."
Baling ko kay Miro na nakatingin lang kay Akira..bakas sa mukha nya ang labis na pag-aalala..
"sige..magpagaling ka Akira.."
Pagkasabi nya nun ay lumabas na sya ng kwarto..hinatid ko naman sya hanggang sa labas ng gate..
"dalhin na kaya natin sya sa ospital..hinang hina sya eh.."
Sabi nya sa akin ng makarating kami sa labas ng gate..
"kapag hindi pa sya gumaling bukas..dadalhin ko na sya sa ospital.."
"salamat..dahil pinayagan mo akong makita sya.."
"wala akong karapatan na pagbawalan ka..hindi na nya ako boyfriend.."
"pero ang swerte mo..dahil ikaw ang mahal nya..sira ulo ka lang dahil pinakawalan mo sya..kung ako sayo..hindi ko na sya pakakawalan.."
"hindi ko sya pinakawalan..nilagay ko lang sa tama ang lahat.."
Kumunot naman ang noo nya sa simabi ko..napangisi na lang ako..ngayon lang ata kami nagkausap ng mahinahon..
"sige na pare..ingat ka..at salamat sa pagbisita.."
Pumasok na ako sa mansyon at pinuntahan ulit si Akira..nakahiga na sya at mukang tulog na..sinapo ko ang noo nya at hindi man lang bumaba ang lagnat nya..binasa ko na lang ulit ang bimpo at nilagay sa noo nya..
pero ang swerte mo..dahil ikaw ang mahal nya..
Kung alam lang ni Miro na nagpapanggap lang kami..tss..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasiaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...