A/N: Si Rodolfo yung nasa gilid na isa sa mga idol kong korean actor. Hehehe! Simulan na natin ang kwento. Maraming salamat sa pagbabasa.
____________________
May mga kwento na matagal ng may alitan ang mga lobo at bampira simula noon pa. Kung hindi mga tao ang pinag-aawan nilasila-sila din ang nagpapatatayan.
Nagkaroon ng malaking digmaan ang dalawang panig. Ang dalawang pinuno ng magkabilang panig ay matindi din ang paglalaban. Halos maubos ang mga lahi ng lobo at bampira sa matinding sagupaan na 'yon.
Pero sa isang hindi inaasahang pangyayari, may mga nabuhay pang mga lobo at mga bampira. Nagsitakasan ang mga ito at nagparami ulit ng mga lahi ang mga lobo. Samantalang ang mga bampira ay tumawid sa border line papunta sa mundo ng mga mortal at doon naghasik ng lagim. Bawat taong makita nila ay kinakagat nila ito para maging katulad nila.
Ang mga lobonaman ang pumigil sa mga ito. Wala sa isip nila ang pumatay ng mga mortal. Dahil sa mas lalong lumaki ang mga lahi ng mga bampira. Lalong tumindi ang pagkagalit ng mga lobo sa mga bampira.
Sa tagal ng alitan ng magkabilang panig, hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin sila.
_________
Year 1950, nabubuhay sa isang malawak na gubat ang mga wolves sa lumang templo naman ang mga bampira.
Pero sa kabila nang matinding alitan ng dalawang panig. May isang lihim na hindi maiwasang matuklasan. Lihim na kapag nalaman ng nakakataas ay siguradong may kaparusahan.
Ang pagmamahalan ng isang lobo at ng isang bampira. Isang batas o kasunduan na hindi dapat gawin. Kamatayan ang parusa kung sino man lalabag dito.
Marami na ang nakaranas nito. Isa na dito ang magkasintahang sina Rodolfo na isang lobo at si Maia na isang bampira. Tumagal ang pagsasama nila hanggang sa maipanganak nila ang una nilang anak na babae. Lyka ang ipinangalan dito.
Walang kaalam-alam ang dalawang pinuno ng magkabilang panig na may lumalabag pa rin sa utos nila o batas.
Masayang nagsasama sina Rodolfo at Maia sa isang bahay ng lalaking matanda malapit sa border line. Isang mortal ang matanda, siya lamang ang nakaka-alam sa mga nangyayari sa mundo nila. Nahahati ang kanyang tahanan sa dalawa. Ang isa para sa mga mortal, ang isa ay para sa mga katulad nila Maia at Rodolfo.
Mabait ang matanda, dahil alam nito na mabuti ang kalooban ng dalawa. Dito na rin lumaki si Lyka at madalas dalhin ng kanyang ama pag bumabalik siya sa wolves den (Tirahan ng mga wolf). Limang taon pa lang si Lyka kaya naman wala pang bakas sa kanya kung isa ba siyang wolf o isang vampire.