Chapter Nine

5.5K 98 7
                                        

-9-

Nang gabing iyon sa kagubatan o sa kabilang parte ng border line na kung saan naninirahan ang mga wolves at vampires ay nagmumuni-muni lamang si Lyka.

Kahit na maganda ang turing ng mga kasama niya dito sa kanya ay di pa rin niya maiwasan ang mag-isip o mag-alala sa kapatid niya. Kahit ang pagkamatay ng mga magulang niya ay hindi pa rin niya maalis sa isip.

Nagawa niyang magtagal sa wolves den na ito, dahil na rin kay Franco na laging nasa tabi niya.

Lagi din sinasabi sa kanya ni Raul na mababait ang mga lahi nila, pwera na lamang kung sila na ang kinakalaban. Natural lang sa mga wolf ang pumatay ng kapwa nila o ibang hayop. Dahil nga yun ang kailangan nila para mabuhay.

Ang tanging hiling ngayon ni Lyka ay ang makasama niya si Vamolf.

Napabuntong hininga na lamang si Lyka. "Hay! kung naririto lamang kayo Ama, Ina. Vamolf!"

Hindi naman niya namalayan ang paglapit ni Franco sa kanya. Kaya nagulat ito.

"Ano ka ba? Pasulpot sulpot ka." bulyaw ni Lyka kay Franco.

"Patawad! mukhang hindi mo na ako naamoy dahil diyan sa iniisip mo. Ano ba yun ha?" tanong naman ni Franco.

Napangiwi nalang si Lyka. " Ah , ehe ! eh! wala ito Franco." Alanganing sagot naman ni Lyka.

Tumabi naman na si Franco kay Lyka. "Aist, kilala kita Lyka. Kapag ganyan ang sagot mo may problema ka. Sige na ano yun? Makikinig ako." pagpipilit ni Franco. Kilalang kilala na niya si Lyka kapag ganun ang kinikilos nito. Yung uupo na lang sa isang tabi at titingala sa langit.

Napanguso na lamang si Lyka at nakapatong ang baba niya sa kanyang mga tuhod. "Inaalala ko kasi ang kapatid ko, kamusta na kaya siya? Namimiss ko na din sila Ama at Inay, Haay!" paliwanag ni Lyka.

"Aayss! hindi matutuwa mga magulang mo niyan kung sakaling nakikita ka nila. Dapat mas tatagan mo ang loob mo. Sigurado naman tayong nasa mabuting kalagayan yung kapatid mo eh." matapos niyang sabihin yun ay hinawakan niya ang kamay ni Lyka. "Halika!" biglang nag-anyong lobo si Franco.

Nagulat naman si Lyka. "Oh bakit? may mga kaaway ba?" pagtataka pa ni Lyka.

"Sakay na!" sabi lang ni Franco na nasa anyong lobo na.

"Te . . teka , ano bang gagawin natin?" nanlalaki pa ang mata ni Lyka.

"Ano ka ba, sakay na!" pagpupumilit pa ni Franco. " Kailangan mo muna mag-relax. Kaya sumakay ka na. Akong bahala sayo." dagdag pa ni Franco.

Wala nang nagawa si Lyka kundi ang sumakay kay Franco.

"Kumapit ka ah, habang tumatakbo ako. Sumigaw ka lang. Isigaw mo lang yung gusto mong sabihin. Ano handa ka na?" paliwanag ni Franco. Nais niyang pagaanin ang loob ni Lyka.

"Sa . sanda . . . Waaa!!" hindi na natapos ni Lyka ang kanyang sasabihin dahil tumakbo na agad si Franco nang mabilis.

"Waaaa! Dahan dahan naman Franco! Baka kung saan tayo mabungo!! AaaAh!" sigaw ni Lyka sa takot. Pakiramdam niya para siyang tatalsik kung sakaling huminto bigla si Franco. "Iba pala sa pakiramdam pag nakasakay ka." onti-onti ring kumalma si Lyka.

"Ilabas mo na kung ano gusto mong sabihin Lyka!" sabi pa ni Franco.

Halos abot tenga na ang ngiti ni Lyka dahil sa nararamdaman niya. " AMA! INA! KUNG NASAAN MAN PO KAYO!! NAMIMISS KO NA PO ANG PAGSASAMA NATIN!!" at tuluyan nang nailabas ni Lyka ang nasa loob niya.

"AMA! INA! PANGAKO KO PO NA AALAGAAN KO ANG KAPATID KO! AT MABUBUHAY KAMI NANG MAAYOS!!!" dagdag pa ni Lyka.

Kahit nakangiti na ito ay hindi pa rin maiwasan ni Lyka ang maluha. "AMA!! INA!! PATAWAD PO!! SANA PO MASAYA KAYO NGAYON! Ama!! Ina!!" hanggang sa natatangay nalang nang hangin ang mga luha ni Lyka.

Napangiti naman ng bahagya si Franco. "Tama lang pala yung ginawa ko, Pangako Lyka hindi kita pababayaan."

Samantala, may isang lalaki ang nanonood pala sa kanila.

______

Sa templo ng mga vampires. Nag-uusap si Thana at si Adolfo.

"Adolfo, ano nang balita sa matandang mortal?" mahinahong tanong ni Thana.

"Lady Thana, sinusubukan pa rin namin alamin kung paano mabubuksan ang lagusan." sagot ni Adolfo.

"Hanggang ngayon hindi niyo parin alam. Arrrgh." biglang nagalit si Thana at nadurog ng Chalice na may lamang dugo.

"Ayon po sa ibang vampire, mula sa labas daw po ito mabubuksan. Kaya imposibleng mabuksan natin iyon." Paliwanag pa ni Adolfo.

Lalo naman yung ikinagalit ni Thana at napasigaw na lamang.

_______

Kina-umagahan sa mundo ng mga mortal.

Yuki

Ano ba ito, gutom na gutom na ako. Dapat pala kumain muna ako kagabi bago nagdrama eh.

Si Ciro kaya? hindi ba siya nagugutom? Haay! Bakit ko ba siya inaalala? Erase erase!

Paglabas ko sa aking kwarto at pagpunta ng kusina. Aba gising na pala ang lalaking to. Ano naman kayang ginagawa niya?

"Gising ka na pala, magluto l na daw sabi ni Ama." bungad nito at nakapikit na naman siya na na cross arm pa. Ang aga-aga ah! Naku.

"Nasaan ba si Ama? Naku naman, nagugutom na ako. Nasaan pala yung pagkain kagabi? Haay!" reklamo ko. Magluluto pa ako eh gutom na gutom na ako. Aigoo!

"Kaya nga bilisan mo na diyan, nasa gubat si Ama nangangahoy. Tss!" hindi naman siya kinakausap. Inuumpisahan na naman ako ng lalaking to. Teka lang Yuki, kumalma ka lang muna.

Wala akong magagawa kundi ang magluto. Mamamatay ako sa gutom. Huhuhu.

Adobo ata ang pinapaluto ni Ama. Matagal tagal din ito. Hayys!

Inihanda ko na ang lahat ng sangkap at kagamitan para masimulan na. Hugas muna ng karne, gulay. Tapos maghihiwa na. Hindi ba ako tutulungan nito? Aaays!

"Kung matutulog ka, huwag dito!" sermon ko sa kanya. Nakapikit pa din eh. Hindi naman ako pinakinggan. Hayaan ko nalang.

Habang naghihiwa na ako ng sibuyas.

"Nandito na ako mga Anak!" bungad ni Ama at dahil sa gulat ko. Lumihis ang kutsilyo. Nakita ko nalang yung isa kong daliri na dumudugo na.

"Waaaa! Ama naman eh. Tignan niyo oh nasugatan tuloy ako. Huhu!" ang sakit at ayoko pa makakita nang dugo. Kaasar naman!

Ciro

Napadilat ako dahil sa naamoy ko. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon ko nang makita ko ang dugong tumutulo sa daliri ni Yuki.

Bakit? bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng katawan ko.

Parang gusto ko ng DUGO. Pero bakit? bakit?

Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Ama kay Yuki at pilit na inaalis sa kinatatayuan niya. Nang makaalis na sila sa harap ko. Nagbago na naman ang pakiramdam ko.

Hindi kaya ? . . . .

Itutuloy . . . .

A/N: Si Lyka at Franco yung pichure. Hehe

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon