A/N: Nasa gilid syempre ang SuJu Clan. Malapit lapit na rin lumaki si Vamolf at magkaroon ng Pov. Sana nga. Hehe! Salamat ulit :)
_______
Nang makapasok na ang Matandang mortal at si Vamolf sa mundo ng mga mortal. Nagalit naman si Thana at halos masira na ang buong bahay na tinutuluyan nila Rodolfo at Maia dahil pinipilit niyang buksan yung nakaselyong pintuan papunta sa mundo ng mga mortal.
"Hindi! Hindi!!!" nababaliw na si Thana at ginugulo gulo pa niya ang kanyang buhok at muling lumingon sa labas. "Kasalanan to ng mga pakialamerong Suju clan. Humanda sila!!" at sa Suju clan niya binuhos ang kanyang galit.
Pagtalon ng mga Suju clan ay agad nitong sinunggaban ni Thana. Dalawa agad ang napatay nito matapos lagutan ng hininga sa tindi ng pagkakasakal at sabay niyang itinapon palayo. "Kayo! kayong lahat ay mamamatay dito. Kung hindi kayo dumating, nakuha ko sana ang bata. Mga hangal kayo para humarang sa mga plano ko!" galit na sigaw ni Thana at muling tumalon.
Samantalang si Raul ay humahanda lang. "Pagkakataon ko na ito para mapatay si Thana. Tss! tignan natin kung hanggang saan ang makakaya sa paglaban sa walang kwentang grupo na yan." sabi niya sa kanyang sarili at sinenyasan yung iba pa niyang kasama na umatras nalang muna pero ikinagulat niya ang pag-alis nila Rodolfo at Maia kasama pa si Lyka.
Dali-dali na palang tumakas sila Rodolfo at sakay naman nito si Maia na kritikal na ang kalagayan dahil sa dami ng sugat na natamo. Paika-ika ding tumatakbo si Lyka dahil sa kagat na gawa ni Raul.
"Sandali, bumalik kayo!! Habulin niyo sila. Magmadali kayo!!" utos ni Raul sa mga kasama niya na pauwi na sana. "Hooowwwl" umungol pa si Raul bago umalis.
Napatingin naman si Thana sa baba at nakita niyang paalis si Raul. Kaya nagtaka siya kung bakit ganun nalang ang pagmamadali ni Raul. Lumingon siya sa di kalayuan at natanaw niya sila Rodolfo na nagmamadali ding tumakbo. "Nagawa pa nila akong takasan! tss!" at agad niyang binali ang leeg ng isa sa mga Suju clan saka tumakbo para habulin sila Rodolfo.
Nasa apat nalang ang miyembro ng Suju Clan. Galit na galit ang pinuno nito. "Hayaan niyo na ang mga yan, mga wala silang kwenta! Tara na! Habulin natin sila. Magmadali kayo!!" at nakipag habulan na din ang Suju Clan.
_______
"Maia, kumapit ka lang!! huwag kang bibitaw!" sabi ni Rodolfo sa kanyang asawa na alalang-alala na sa kalagayan nito.
Halos bulong nalang ang nagagawa ni Maia sa sobrang pagkahina ng katawan niya. "Pe - pero, hi . . hin . . di ko na ata kaya Rodolfo." pautal-utal pa na sabi ni Maia.
Kahit nasa anyong lobo si Rodolfo ay bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalungkot. "Kaya mo yan Maia, huwag kang susuko! makakalayo na tayo sa kanila!" pagpapalakas pa ng loob ni Rodolfo kay Maia. Pero wala na siyang narinig na sagot mula kay Maia at tila may narinig siyang nalaglag sa damuhan.
"Itay!!" sigaw ni Lyka na nasa anyong tao na at hawak hawak nito ang ulo nang kanyang ina na pilit ginigising. "Inay! Inay! gumising ka!!" at tuluyan nang bumuhos ang luha ni Lyka mula sa kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ni Rodolfo at napahinto. Akala niya sakay pa niya si Maia. Lumingon ito at dahan dahang nilapitan ang kanyang mag-ina. "Hindi Maia, gumising ka!! GUMISING KA!!" hindi na rin mapigilan ni Rodolfo ang kanyang pag-iyak at pilit din niyang ginigising si Maia.
Nagkamalay ulit si Maia pero hirap nang makatayo at makagalaw. "Huwag mong pa. . baba. . yaan ang anak natin Rodolfo. Pangako ko, ba . . balik ako at mamumuhay tayo nang tahimik sa pangalawang buhay. Ipangako mo sa akin na palalakihin mo si. . lang mabuti." pautal utal pa na sabi ni Maia na nagpapaalam na sa kanyang mag-ama. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha niya habang magkahawak sila ng kamay ni Rodolfo.
