Chapter Twenty-Three

3.8K 70 1
                                    

-23-

Mabilis na naitakbo ni Raul ang papel na makakapagbukas sa pintong lagusan. Hinayaan na lamang niya na maiwan ang kanyang anak na si Franco kasama si Lyka.

"Hindi sila magtatagumpay!" sabi nasaba nalang ni Raul.

Bigla naman siyang nakaamoy, amoy ng mga kalaban. Sinubukan niyang lumingon at tumambad sa kanya ang iilang vampire na humahabol sa kanya. Ilang dipa na lamang ay maabutan siya.

"Aargh! ginagalit talaga nila ako!" sabi ni Raul na may galit.

"Sige na Pinuno, kami nang bahala sa kanila." lakas loob namang nagboluntaryo ang mga lobong kasama ni Raul.

"Brando, Bruno! samahan niyo si Pinuno." utos ng isang Lobo. Si Rufino, ang pinuno ng unang pangkat ng mga tauhan ni Raul.

"Sumama na rin kayo Tonyo, Fabio!" utos naman ng pinuno nang ikalawang pangkat. Si Alfonso.

Nahahati sa anim na pangkat ang mga tauhan ni Raul. Naiwan ang tatlo na pangkat kung saan naroon ang pintong lagusan at kasalukuyang nakikipaglaban.

"Salamat sa inyo!" nasabi nalang ni Raul. "Mag-iingat kayo." dagdag pa niya.

"Magtiwala ka sa amin kataas-taasang pinuno." sabi ng pinuno ng ikalimang pangkat. Si Silvero.

Huminto ang tatlong pinuno nang magkakaibang pangkat. Dahan-dahan silang lumingon.

Unang nasunggaban ng vampire si Silvero kaya naman napatalsik sila at tumama sa isang puno.

"Tss. Mga mahihinang nilalang!" pagyayabang ng vampire na sumunggab kay Silvero.

Mabilis na sumugod ang mga vampire sa tatlong lobo ng balian ni Silvero ng leeg ang vampire na nagyabang sa kanyang harapan.

Malakas ang tatlong pinuno ng bawat pangkat ng mga lobo. Ilang sakripisyo din ang kanilang nagawa para makuha ang pwestong inaasam nila. Para sa kapayapaan at para sa kalayaan.

Ilang vampire ang kumapit kay Alfonso. Pero dahil sa laki nito, hindi siya nagawang patumbahin ng mga kalaban.

Isang malakas na pag sigaw lang ni Alfonso, tumilapon na ang mga vampire na nakayakap sa kanya. Ilang sugat din ang kanyang natamo dahil sa mga kagat at kalmot na nagawa ng mga kalaban sa kanya.

Mabilis naman ang atake ni Rufino sa mga kalaban. Dahil sa maliit lang ang kanyang anyo, nagagawa niyang kumilos nang mabilis na parang hangin. Ilang vampire din ang naputulan ng ulo sa isang iglap.

Aatras na sana ang mga vampire na natira. Ngunit, isa-isa silang pinagpapatay ng tatlong lobo. Hindi na sila hinayang makatakas pa.

"Mga wala naman palang binatbat." pagyayabang pa ni Silvero. Kagat pa nito ang isang kamay ng vampire.

"Tara na! sundan na natin si Raul." aya naman ni Rufino.

"Teka, hindi ba natin babalikan yung iba?" tanong ni Alfonso na tila nag-aalala sa iba pa.

"Naroon naman sina Mariano ng ikatlong pangkat, Gregorio nang ikaapat na pangkat at ang pinakabatang pinuno na si Tristan. Kaya na nila yun, hindi naman nila tayo bibiguin." sabi ni Rufino.

Napatingin na lang ang tatlong pinuno sa direksyon kung saan naiwan ang iba pa.

Maya-maya pa ay tumakbo na sila palayo. Patungo sa sikretong lungga ng mga lobo.

"Aaaargh! nasaan si Raul?" galit na tanong ni Thana kay Franco na nakaluhod at duguan. Nasa anyong tao na siya dahil hindi na sapat ang kanyang lakas.

Hindi sumagot si Franco, sa halip, nag-matigas ito at dinuruan lang si Thana ng dugo.

Nasampal naman siya ni Thana. "Hangal ka!"

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon