Prologue

14K 260 12
                                        

Nakatayo ang lahat ng mga lobo kasama ang pinuno nila na si Raul.

Sa kabilang parte naman ay ang mga bampira na pinamumunuan ni Thana.

Isang digmaan ang magaganap sa dalawang panig dahil sa alitan tungkol sa paghawak ng teritoryo sa mundo ng mga mortal.

Nakatayo lamang ako nung magtakbuhan na ang dalawang grupo para magsagupaan at magpakita ng kani-kanilang lakas. Halos mapuno ng dugo ang buong paligid pati ang buwan ay nagkukulay dugo na rin.

Isa isang nagbabagsakan ang mga wala nang malay na mga bampira at lobo.

Napansin kong may isang babaeng mortal sa di kalayuan. Takot na takot ito.

Dahil na rin sa amoy ng dugo parang gusto ko nang makainom nito. Dahil sa mga laman naman na nakakalat ay gusto namang makakain na.

Hindi na sana ako lalapit sa babaeng mortal kung hindi lang nag-unahan sina Raul na pinuno ng mga lobo at si Thana sa mga bampira para makuha ang gusto nila sa mortal.

Humarang ako sa dalawa at itinago ko ang babaeng mortal sa likod ko.

Nanlilisik ang mga mata ni Raul at ganun din si Thana.

Kanino ako papanig?

Sila ang bumuhay sakin, pero sila din ang pumatay sa mga magulang ko.

Kakayanin ko bang ipaglaban ang babaeng mortal na ito?

Sabay sumugod si Raul at Thana papalapit sakin. Isang sigaw lang mula sa mortal ang aking narinig at nagbago ako.

Dugong buwan nalang ang nakita ko nang tumingala ako sa madilim na langit at umungol ng parang lobo.

VAMOLF

Half Vampire , Half Wolf

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon