Chapter Forty-Three

2.6K 52 0
                                        

Ciro

Sobrang sakit ng buo kong katawan paggising ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang naramdaman ko. Ang bigat sa pakiramdam. Tss. Umiikot ang paningin ko kanina nang makita kong bumukas ang bakal na harang sa kulungan ko. May dalawang nilalang ang agad na humatak sa magkabila kong kamay at naramdaman ko na lang na sumasayad sa lupa ang mga paa ko.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang binabalak nila sa'kin at bakit kailangan nila akong pahirapan ng ganito. Nakatali ng kadena ang kamay at paa ko pati na rin sa leeg ko. Para akong isang mabangis na hayop sa ginawa nila. O ginawa nila ito dahil natatakot din sila sa posibleng magawa ko? tss.

Pansin ko ang lawak ng paligid at alam kong nasa likod ko lang ang dalawang humila sa akin kanina papunta dito sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko na maraming nakatingin sa'kin mula sa itaas pero 'di ko magawa dahil sa nakatali sa leeg ko. May mga nagbubulong-bulungan at nagtatawanan.

Ilang sandali pa ay may narinig na akong nagsasalita ng malakas at napansin kong may papalit sakin na tatlong nilalang na nakasuot ng kulay itim na mahabang tela. Hanggang sa makilala ko na kung sino ang nagsasalita. Ang tinatawag nilang si Thana.

Tila isang pagpupulong ang ginagawa nila. Pero bakit ako narito?

"Narito tayong lahat para saksihan ang pagiging immortal ng ating isang ka-lahi na anak ng isang traydor na si Maia. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong sitwasyon. Nasa atin na ang mundo na 'to at madadagdagan na naman tayo na pwedeng tumapos sa mga kaaway natin,"

Narinig kong saad mula sa Thana na yon. Gagawing immortal? Traydor ang aking Ina? Tss. Hindi ko ata magugustuhan ang pinagsasabi ng nilalang na ito. At paano niya ako gagawing immortal?

"Ang nilalang na ito ay may kakaibang taglay na lakas at alam nating lahat kung ano naman iyon di ba? Gagawin natin siyang kasapi natin at siya ang gagamitin natin para masakop ng tuluyan ang mundong ito at ang mga lahi ng ating mga kaaway! Hahaha!" dagdag pa niya.

"Tsss. Tingin mo ba na papayag ako sa binabalak niyo?" idinaan ko na lamang sa tanong ang galit ko. Hindi ko gusto ang binabalak nila. Nangako ako na poprotektahan ko ang mga mortal.

"Hahaha. Hangal ka! Hindi ko kailangan ng pagsang-ayon mo, Vamolf. Dahil ikaw na mismo ang gagawa ng bagay na 'yon," saad niya. Tila may nalalaman siya.

"Ano'ng gagawin mo?" tanong ko. Hindi maganda 'tong nararamdaman ko.

"Kabilugan ng buwang ngayon at mamaya lang ay malalaman mo rin ang mangyayari sa'yo. Kapag lumabas na ang buwan, lalabas na ang tunay mong anyo at ikaw ang magiging dahilan ng pagkawasak ng mundong ito! Hahaha!" paliwanag niya.

Tsss. Totoo kong anyo? Nagbibiro ba siya? Hindi ko pa nga naitutuloy ang pag-eensayo ko para malabas ko ang pagiging anyong lobo. Tapos sasabihin niya na lalabas ang tunay kong anyo dahil lang sa bilog na buwan? tsss.

"Alam kong hindi ka pa nakakatikim ng dugo ng mga mortal. Kaya may nakahanda ako sa'yo at sa oras na mainom mo 'yon kasabay ng paglabas ng bilog na buwan, malalaman mo ang lahat, Vamolf," dagdag pa niya.

Matagal na nga rin nang huli akong makainom ng dugo. Pero dugo ng mga hayop. Hindi ko alam kung ano ang epekto ng dugo ng mga mortal sa'min kung bakit ganoon na lamang ang pagkahilig nila.

Oo. Nung araw na nakalapit ako kay Yuki noon ay parang gusto kong tikman ang dugo niya. Pero dahil sa pangako ko, hindi ko nagawa.

Alam ko naman na kaya kong mabuhay ng walang dugo ng mga mortal. Pero hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa'kin kapag nakainom ako nun.

"Kaya ihanda mo na ang sarili mo, Vamolf. Isang mortal ang magbibigay lakas sa'yo at alam kong ito ang inaasam mo di'ba? Ang makainom na ng dugo ng isang mortal. Hahaha. Sa ilang sandali lang ay darating na sila."

Talagang desidido na siya sa kanyang balak. At sino naman ang mortal na idadamay pa niya sa kanyang kahangalan? Hindi kaya --

"Narito na kami, Lady Thana," isang grupo ng mga bampira ang bigla na lang lumitaw.

Nagtanungan pa sila at may hinahanap 'tong si Thana.Narinig ko na lang na ang pangalan ng hinanap niya ay nagngangalang Adolfo. Nagpaiwan daw ang nagngangalang Adolfo dahil may kailangan siya sa pintong lagusan.

Nasaan kaya sila Ama? Hindi kaya sila rin ang pakay ng mga 'to? Siguro nga. At si Yuki? Sana naman ay nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Nakakainis at wala akong magawa para malaman kung ligtas ba siya. tsss.

"Magaling. Nasaan na ang pinapahanap ko sa inyo? Ang taong kumuha ng bangkay sa isang kasamahan natin?" tanong muli ni Thana sa kanyang mga tauhan.

Si Vincent ba ang tinutukoy niya? Hindi na talaga maganda 'to.

"Nakakulong na ho sila at may isang magandang babae ang kasama ng lalaking 'yon, Lady Thana. Sinama na namin siya dahil malaki rin ang pakinabang niya," sagot ng isang tauhan ni Thana.

Hindi! Si Yuki... mukhang si Yuki ang tinutukoy niya. Bakit? Bakit... Vincent?"

---

"Saan tayo maghahanap?" tanong ni Argos na paikot-ikot lang sa gubat kung saan nagtungo si Ciro.

"Hindi ko rin alam. Masyado pang mahamog. Nakakainis na ang ganito!" saad ni Bryl.

"Ano'ng plano mo, Rodolfo? Hindi natin alam kung saan naglalagi ang mga bampira. Kailangan nating iligtas si Ciro bago mahuli ang lahat," sabi ng matandang mortal.

"May tiwala ako kay Ciro. Hindi siya papatalo sa mga 'yon. At sana huwag siyang sumuko kahit ano'ng mangyari. Bilog ang buwan, tanda. Hindi maganda ang mangyayari kapag nalaman ni Ciro ang posibleng pagbabago niya," nag-aalalang saad ni Rodolfo.

Hindi mapakali si Rodolfo nang makita niyang humuhugis bilog na ang buwan. Naaala niya ang sinabi ng kanilang Amang na ang anak niyang si Vamolf o Ciro ay napakalakas na nilalang dahil nga sa magkaibang dugo ang nananalatay sa kanya. Maaaring wala na raw kilalanin ang kanyang anak kung mangyari ang bagay na 'yon.

"Mabuti pang harapin na lang natin ang mga tauhan ni Thana na nagkalat at patuloy na umaatake sa mga mortal. Saka natin sila tanungin kung saan ang kanilang kuta," mungkahi ni Venice na anak ni Argos.

"Tama ang anak ko, Rodolfo. Walang mangyayari kung nakatayo lang tayo dito. At maraming mortal na ang nadamay sa digmaan na ito. Kailangan na muna natin silang tapusin," dagdad ni Argos.

Napaisip muna si Rodolfo. "Sige. Unahin muna natin sila."

Agad din nilang nilisan ang gubat at bumalik sa bayan upang harapin ang mga bampirang unang umatake sa mga mortal.

Nang marating nila ang bayan, nagulat sila dahil kalunos-lunos ang sinapit ng buong lugar. May mga sunog na gusali at bahay. May mga mortal na wala ng buhay.

"Ganito ba sila kasama? Bwisit!" galit na saad ni Bryl.

"Humanda sila sa ginawa nilang 'to," biglang uminit naman ang buong katawan ni Argos dahil sa galit.

"Nandito na pala kayo, Ayos. Kanina pa kami naghihintay dito. Hahaha." isang bampira ang biglang nagpakita kina Rodolfo hanggang sa sunud-sunod ng lumabas ang iba pa.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon