Epilogue

3.9K 73 3
                                    

"Hindi ko kasalanan ang nagyari sa'yo o sa inyo, Raul. Ikaw ang gumawa ng bagay na iyon. Walang kasalanan sa'yo ang aking asawa. Oo, ang kanyang ina ang dahilan kung bakit na ang nasa harap natin ngayon ay dapat mong tapusin kahit na siya pa ang iyong minamahal noon. Raul, itigil na natin 'to. Wala na ang aking asawa dahil sa mga nagawa mo." papkisap ni Rodolfo. Mahinahon na may halong lungkot.

Duguan na si Rodolfo dahil sa mga mabilis na pag-atake sa kanya ni Thana. Si Raul at Rodolfo lamang ang humarap dito dahil para na rin sa kaligtasan ng iba. Lumayo na lang sina Lyka, Franco ang iba pa at sumama sa hanay ng mga mortal. Tumulong na lamang sila sa pagbubuhat sa mga katawan ng kanilang kalahi na nasawi sa pakikipaglaban o sugatan at ang iba naman ay tahimik na nanood ng laban sa pagitan ng magkapatid at magkasintahan noon.

Hindi alam ni Raul kung ano ang kanyang gagawin. Dahil ayaw niyang masaktan ang dati'y nagpatibok ng kanyang puso.

"Hindi! Hindi ko kaya 'to. Kainis! Bakit ngayon ay wala akong magawa? Bakit? Bakit kailanga pang manyari 'to? Arrghh," saad ni Raul na puno ng pagkagalit sa mga nangyayari. "Marami man ang napaslang niya sa mga kalahi natin at sa mga mortal, hindi ko pa rin magagawa ang gusto mo, Rodolfo." pagmamatigas ni Raul.

Napailing na lamang si Rodolfo at tila wala na ata siyang magagawa kundi kalabanin ng mag-isa si Thana at maaaring pati si Raul ay kailangan niyang labanan. Dahil siguradong hindi naman papayag si Raul na si Rodolfo ang wawakas sa buahy ng kanyang minamahal noon.

"Mga hangal! Wala na ba kayong gagawin kundi ang magtalo sa harap ko? Pwes! tatapusin ko na ang lahat ng naririto ngayon!" inis na saad ni Thana at muli na naman niyang pinaliyab ang paligid. 

"Tama na, Thana! Itigil mo na 'to! Huwag na nating hayaan na umabot pa ito sa madugo pang laban. H-hindi ko kayang labanan ka ngayon. Ewan ko, pero  bumalik saaking ala-ala ang mga bagay na nangyari sa atin noon. Pinagsisihan ko na 'yon at may nagawa naman akong mabuti, alam kung matutuwa ka kapag nalaman o nakita mo 'yon. Patawarin mo--" pagmamakaawa ni Raul. Tila nawala ang kisig ng kanyang katawan nang bigla na lang siyang lumuha. Lumuhod pa siya sa harap ni Thana.

Napaatras si Rodolfo.Ito na lang muna ang kanyang gagawin upang siya'y makapagpahinga rin.Pagkakataon na niya ito upang mag-ipon ng lakas. Hahayaan niya munang magsarilinan sina Thana at Raul. Siguro'y 'yon din ang tamang paaan upang tumigil si Thana sa pagpapalabas ng apoy.

Bumababa sa Thana at ng muling makatapak siya sa lupa, nawala ang ang mga apoy sa paligid. Tila ba kumalma angpakiramdam nito at nagsimula muli siyang magsalita.

"Iniwan mo ako, Raul. Dahil sa sa nilalang na iyon kaya ako nagkaganito. Sinira niya ang normal kung pamumuhay. Ikaw! dapat ko bang isipin na ikaw din ang sumira sa normal kung pamumuhay sa aming mundo? Hindi ko alam kung bakit ganito ang sinapit ko." malugkot na saad ni Thana. Tila ba bumalik ang katauhan ni Hana sa kanya.

Nasa anyong tao na si Raul at nakaluhod pa rin sa harap ni Thana. Lumuluha at handang makinig sa mga sasabihin ng nasa harap niya.

"Akala ko noonay mamumuhay akong masya kasama ka at ang bunga na ating pag-iibigan. Pero isang bangungot nang malaman kong hindi ka talaga isang tao. Pero anong mgagawa ko? Mahal pa rin kita kahit na nabigla ako sa aking natuklasan sa'yo." nakangiting saad ni Thana habang nakatitig kay Raul. "At nangyari ang kinakatako ko. 'Yong mga araw na hindi ka nagpakita sa'kin. Akala ko hindi mo na ako babalikan. Iiwan, hahayaang mabuhay ng mag-isa, hahayaang mawalan ng ama ang aking anak. Tss! hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas nang mga panahong iyon upang umasa nga na babalikan mo ako." dagdag pa ni Thana na unti-unti na rin lumuluha.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon