Ciro
"Alam mo, una palang nang makita kita, may kakaiba na talaga sayo. Hindi ka normal, halimaw ka at katulad ka kanila. Anong plano niyo sa mundo namin?" saad ni Vincent na nakatalikod sa'kin habang pinagmamasdan ang karagatan.
Malumanay lang siya at nais lamang niya talaga malaman kung ano ang pakay namin sa mundo nila. Pero hindi, kailangan ko ring mag-ingat dahil ang mga mortal ay mapanlinlang. Sabi sa'kin 'to ni Tanda noon. Marami sa mga mortal ang mapanlinlang at hindi maaaring pagkatiwalaan agad.
"Mahabang kwento. Naparito kami para malagay sa katahimikan at para mabuhay ng normal tulad niyong mga mortal. Wala kaming balak na sakupin ang mundo niyo. Kung meron man, sana nagsimula nang gumulo ang mundong 'to," sagot ko sa tanong niya. Oo, wala kaming balak na sakupin ang mundo nila. Hindi pumasok sa isip ko 'yon dahil mortal ang nagpalaki sa'kin at nakasama ko.
Makikita pa sa mga kasama namin na maayos naman ang pamumuhay ng mga katulad namin sa mundo nila. Sina Argos. Yana at ang iba pa. Hindi ba't matagal na sila dito, pero nabubuhay pa rin sila. Dahil maganda ang kanilang hangarin at 'yon ang dapat kong sundin. Maaaring nakagawa sila ng kasalanan noong nagsisimula pa lang sila dito, pero alam kong pinagsisihan na nila ang bagay na 'yon.
"Kung wala kayong binabalak na masama sa mundo namin, bakit may mga taong namatay? Namatay sila at hindi matukoy ng mga awtoridad kung anong klaseng nilalang ang gumawa ng mga krimen na 'yon. Nilalang Ciro! Nilalang! At isa kayo dun," bulyaw pa niya at matigas ang pagkakabangit sa huling salita.
"Ikaw na mismo ang nakakita sa nilalang na 'yon, Vincent. Bakit pa kailangan mo kaming paghinalaan?" nakakainis. Alam naman niya kung ano'ng klaseng nilalang ang pumatay sa mga katulad niya. Para bang pinagmumukha niya sa'kin na gaawin ko din 'yon. Tss
"Si Yuki? Nasaan siya?" tanong nito. Ano naman kaya ang inaalala niya sa babaeng 'yon? Hindi naman sila magkamag-anak o wala silang relasyon sa isa't isa. tss. "Ciro, huwag mo s'yang pababayaan. Kapag may nalaman siya tungkol dito, malaki ang magiging epekto sa kanya 'yon. Hindi niya dapat malaman na may nabubuhay na katulad niyo dito," dagdag pa niya. Kung kanina'y tila galit siya, ngayo'y nakikiusap naman. Naguguluhan ako sa kanya.
Alam ko, alam kong malaki ang epekto nito kay Yuki dahil normal ang pamumuhay nila. May iba pa bang gustong ipahiwatig ng lalaking 'to? Hindi na lang niya ako diretsuhin para alam ko ang dapat kong gawin. Kahit- tss. Wala pa akong sapat na lakas, pero kakayanin ko maprotektahan lang ang babaeng 'yon at ang iba pang mortal.
"Pasensya na kanina, pero 'di mo maiaalis sa isip ko na kayo'y masasamang nilalang. Ang akin lang, gawin mo ang nararapat," sambit nito.
"Hindi ako nangangako sa'yo, pero gagawin ko ang makakaya ko," sabay abot ko ng kamay ko. Inabot naman niya ito. Tanda ng pagkakaunawaan. "Nasaan?" agad kong tinanong ako tungkol sa katawan ng bampira. Hindi ko pa siya lubos na pinagkakatiwalaan, nangangamba lang ako na baka mapahamak siya sa ginawa niya.
"Wala na. Itinapon ko na kung saan. Huwag kang mag-alala-"
Hindi ko na napakinggan ang sinabi ni Vincent nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko at may naamoy na kakaiba. P-pero bakit? Ano'ng ginagawa nila sa ganitong oras?
Napatayo ako bigla at binalaan ko agad si Vincent. "Umalis ka na dito, puntahan mo si Yuki. Magmadali ka, Vincent."
"Sa-sandali. Bakit? A-anong nangyayari?" nagtanong pa siya. Tss.
"Tumakbo ka na kung ayaw mong makuha ka nila. Vincent, Ikaw ang pakay nila," saad ko. Mukhang siya nga ang pakay ng mga 'to.
"P-pero, paano ka?" pagaalala nito. Tss.
"Sundin mo na lang ako, tumakbo ka na at puntahan mo si Yuki," muli kong utos sa kanya.
"Si-sige. Mag-iingat ka," at tuluyan na niya akong iniwan.