-16-
Yuki
Ano naman kaya ang mahalagang pinaguusapan nila Ama at ni Ciro? May nangyari kaya? Haay!
Naiwan lang kami ni Vincent dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaimik, bigla akong nahiya eh. Tss.
"Oh Yuki ang lalim ata ng iniisip mo!" napansin ata ni Vincent ang di ko pag-imik.
"Ah eh, wala ito. Sila Ama kasi kanina pa yun eh, bakit kaya wala pa? hehe." palusot ko.
"Baka may importanteng bagay lang na ginawa." sagot naman niya habang nakatitig pa rin sa telebisyon.
"Baka nga!" bawi ko. "Sandali, sa tingin mo anong klaseng nilalang kaya iyon? Yung pumatay dun sa tao." wala akong maisip eh. Tutal naman yun ang mainit na balita.
"Marahil ay isang hayop yun, isang mabangis na hayop." sagot naman niya. Mukhang kanina pa rin ata ito nag-iisip. "Nakita ko yung sugat, yung sugat nung biktima sa leeg. Hindi yun gawa ng leon, tigre. At saka imposibleng may gumagalang mga ganung hayop dito db? Kaya isa lang ang hula ko at mukhang may natira pa sa mga lahi nila." sagot ni Vincent.
Hindi ko maintindihan kung ano yung naramdaman ko. Bigla akong nanlamig, nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa mga sinabi niya.
"A . . anong tinu . . tukoy mo?" pautal utal pa ako.
"May nabasa akong isang lumang libro, tungkol sa mga sinaunang nilalang. Yung sugat na natamo ng biktima ay katulad nung sugat na nakasaad dun sa libro. At ang nilalang na tanging gumagawa lang nun ay ang mga . . . Lobo." mahaba niyang paliwanag.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko. Totoo kaya na may mga Lobong pagala-gala sa lugar na to?
Pero teka nga.
"Hindi ba natural lang na may nabubuhay na mga lobo? Bakit ganyan ang reaksyon mo? Pati tuloy ako ay kinakabahan sayo." gusto ko lang makasiguro.
"Hindi Yuki, hindi sila ordinayong lobo lang. Huwag kang hihimatayin pag sinabi ko ang totoo ha? Ano gusto mo talaga malaman?"paniniguro pa niya. Ako hihimatayin? Tss.
"Ano nga yun Vincent? Sabihin mo na!" pangungulit ko naman. Handa na ako sa maririnig ko.
"Ah, Eh. Tao din sila Yuki, sabihin na natin na nag-aanyos tao din sila."
Nanigas ata ako sa kinauupuan ko nang marinig ko yun. Hanggang sa, lumalabo na ang paningin ko at umiikot-ikot ang buong paligid ko.
"Imposible"
Ciro
"Bukas ng umaga din Ciro ay hanapin mo ang nilalang na yun. Kailangan natin makasiguro na hindi yun ang lobo na galing sa mundo niyo."
Tss. Kung hindi pa umatake yung nilalang na yun, hindi ko pa malalaman yung tunay kong katauhan. Bakit ngayon pa kung saka naghasik na ng kasamaan yung mga lahing pumatay sa mga magulang ko? Tss.
Ngayon pinapahanap sakin ni Ama yung nilalang na yun. Kaya ko kayang labanan ang ganun klaseng nilalang? Hindi pa sapat yung lakas at kaalaman ko para lumaban. Haay! ano ba to? Si Ama talaga. Tss.
"Anong iniisip mo Ciro?" tanong ni Ama. Napansin ata yung pagkabalisa ko.
"Ah, wala naman Ama. Bilisan na lang po natin para makauwi na tayo." sabi ko nalang.
Ilang hakbang ang lumipas at nakabalik na rin kami ng bahay. Pansin ko ang katahimikan, nasaan naman kaya yung dalawa?
"Kanina lang ay nasa sala sina Yuki at yung lalaking yun ah." sabi ko sa sarili ko.
