-49-
Yuki
Nasaan na kaya siya? Bakit ba niya ako nilayuan? Kainis naman! Iniwan pa niya ako dito. Natatakot na ako…
Eeeekkkk!! Eeeeeek!!
Ano ba yung mga ingay na ‘yon? Saan ba ‘yon nanggagaling? Waaaahh! Hindi ko na talaga ‘to kaya. Ciro… Nasaan ka na?
Aray!!
Pesteng mga bato ‘yan. Huhuhu! Ayoko na… ayoko ng tumayo. Sana… sana may dumating para tulungan ako. Natatakot na talaga ako sa ingay na ‘to at para bang may mga nag-aaway sa buong paligid. Waaaah!
“Tumayo ka. Lumapit ka sakin, binibini.”
Sandali… Ciro? Ikaw ba ‘yan?
“Lumapit ka sa akin kung natatakot ka.”
Ano Yuki? Lalapitan mo ba o hindi? Kainis! Bakit bigla ata akong natakot sa kanya? Bakit ako pa ang kailangang lumapit? Tss.
“Magmadali ka, may papalapit sa’yo.”
Waaah! Nanakot pa siya. Grrr. Eto na… Lalapit na po.
Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa ko papunta sakinaroroonan niya. Malalim ang kanyang mga boses kaya naisip kong baka nasa loob siya ng kung ano mang tirahan na iyon. Madilim kaya hindi ko masyadong maaninag.
“Huwag kang matakot. Narito ako para protektahan ka.”
Si Ciro ba talaga ‘yon? Bakit ganoon siya magsalita? Haay! Bahala na.
Isang puno pala ang pinagtaguan niya. Malaking puno at may kwebang maliit. Prang isang pahingahan. Ang galing! Nagawa pa ‘to ng mga bampirang ‘yon.
“Lumapit ka pa.”
Pagpasok ko, nakatitig lang siya sa akin. Yung mga mata niya… ang gandang pagmasdan. Yung kaliwang mata ay kulay pula ay yung kanan naman ay kulay asul. Hindi ko ata napansin ‘yon nung una ko siyang tinitigan kanina.
“Yuki, tama ba?” tanong niya. Mukhang hindi niya ako maalala kanina kaya pala bigla na lang siyang tumakbo. “ Gusto kong sabihin sa’yo na maraming salamat sa mga nagawa mo para sa’kin. Mga bagay na hindi ko maintindihan sa mundo niyo ay nagawa mong ipaiitndi sa’kin, mg bagay na hindi ko alam na itinuro mo sa’kin. At ang bagay na akala ko imposible… ang magmahal. Sinabi mo kanina na mahal mo ko at handa mo akong protektahan dahil sa pagkatao ko. Samantalang ako, hindi ko alam kung paano ka protektahan. Pero ngayon alam ko na, ang mahalin ka at tanggapin ang pagmamahal mo ang paraan upang maprotektahan kita.’
Unti-uniting pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata sa mga sinabi niya. Nakakainis! Hindi ko expect ang sasabihin niya. Nawala ang takot ko dahil sa mga sinabi niya. Si Ciro? Si Ciro nga ba ‘tong nasa harap ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/5107406-288-k745950.jpg)