-17-
Ciro
Gusto kong makaharap yung tao o yung nilalang na pumapatay ng tao. Hindi na ito maganda, masyado nang mapanganib.
Paano na lang kung si Ama ang atakahin nito? Si Yuki, paano na lang kung gawin nang nilalang na yun yung ginawa sa mga nabiktima niya?
Kailangan ko nang kumilos para. Dapat nang tumigil ang karahasan na ginagawa ng nilalang na yun.
"Anong binabalak mo Ciro?" Tanong ni Ama ng makalapit na pala siya tabi ko.
Nakaupo lang ako sa tapat ng pinto habang pinagmamasdan ang pabilog na buwan.
"Gusto kong malaman Ama kung ano ang nakaraan ko." sagot ko habang nakatitig pa rin sa buwan. "Maaari bang ikwento mo sakin Ama kung anong nangyari bago ako napunta sa mundo niyo?" tanong ko naman. Gusto kong malaman kung paano ako napunta dito, kung anong buhay dapat ang narating ko.
Napabuntong-hininga naman si Ama. "Ciro, masaya kayong pamilya noon. Saksi ako kung paano nagmahalan ang tunay mong Ama at Ina. . ."
Matapos kong marinig ang kwento ni Ama tungkol sa akin nakaraan. Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. Masakit para sakin na malaman na patay na ang mga magulang ko at ang kapatid ko naman ay naiwan sa mundo kung saan dapat ako naninirahan.
Malaki ang utang na loob ko sa matandang mortal na to na tinuturing kong Ama. Kung hindi niya ako dinala dito ay maaaring hindi ako mabubuhay ng matagal. Hindi ako lalaki ng ganito.
Panahon na siguro para pagbayaran ng mga nilalang na yun ang ginawa nila sa pamilya.
"Ama, gusto kong magpalakas! gusto ko pang gumaling!" sabi ko kay Ama. Buo na ang desisyon ko.
"Pero . ." hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Ayoko munang marinig ang sasabihin niya.
"Ama, huwag kayong mag-alala hindi ko pababayaan sarili at lalo na kayo!" nakangiting sabi ko. Tama na sa akin yung napalaki at inalagaan niya ako ng maraming taon. Gusto ko namang bumawi.
Papatayin ko yung nilalang na iyon. Alam kong ikinababahal ito ni Ama. Kaya yun na lamang ang gagawin ko.
"Tara na Ama, magpahangina na tayo. Bukas na bukas din ay sisimulan ko na ulit mag-ensayo." aya ko. Medyo inaantok na rin ako.
Tulog na din ata si Yuki at Vincent. Sa mahabang upuan pala ako matutulog nakalimutan ko. Tss.
Nang makapasok na si Ama sa kanyang silid. Naisip kong pumasok muna sa silid ni Yuki para kumuha nang damit. Para kinaumagahan hindi ko na siya maistorbo. Pero teka, ganun din yun. Bahala na.
Kumatok muna ako pero walang sumasagot. Paghawak ko sa knob ng pinto, nakabukas pala ito. Marahil ay sinadya niya iyon, naisip siguro niya na mag-iingay lang ako pag hindi niya ako napagbuksan ng pinto. Tss.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at maingat na pumasok sa loob. Baka konting ingay lang ng yapak ko ay magising ito. Mahirap na.
Nasa tabi lang din pala ng pinto yung bag ko. Mautak din e. Agad akong kumuha ng isang sando at isang pantalon. Pagkatapos ay inayos ko na ulit.
Nang makatayo ako, napasulyap pa ako sa kanya. Mahimbing na nga ang pagkakatulog. Kahit sa pagtulog ay burara rin. Hindi man lang magkumot. Tss.
Kumuha muna ako ng makapal na kumot at saka ikinumot sa kanya. Napansin ko na naman yung maputi at maiksi niyang hita. Ewan ko ba, bakit yun lagi ang una kong napapansin. Tss.
Palabas na sana ako ng silid niya nang may mahagip ang mga mata ko na isang bagay. Bagay na alam kong importante sa kanya.
Kung nung unang beses ay nagulat ako sa laman ng frame niya. Itong bagay na to ang mas lalong nagbigay ng palaisipan sakin.
Isang kwintas na may isang matalim at mahabang ngipin.
"Ano na naman kaya ang nasa likod ng bagay na to?. Tss." naitanong ko na lang sa sarili ko.
Maya-maya pa ay narinig ko siyang umungol kaya naman ibinalik ko ulit yung kwintas sa pinaglagyan nito Bumalik na ako sala at humiga na. Bukas ay magsisimula na ako.
Yuki
Nanaginip ba ako kagabi o totoo yung nakita ko? Kahit ilang beses kong isipin, imposibleng si Ciro yung nakita ko. Ano naman gagawin niya sa kwarto ko? Wala namang nangyari sakin.
"Haay tama na nga ang pag-iisip!" sabi ko na lang sa sarili sabay pokpok sa ulo.
Nagluluto ako ng agahan namin. Wala si Ama, mukhang nangangahoy na naman. Kahit pala si Ciro ay wala. Saan naman kaya nagpunta yun? Tss.
"Oh! Kaya pala kanina pa ako nakaka-amoy ng mabangong pagkain e. Magandang umaga Yuki." nambola pa talaga tong si Vincent. Tsaka, puyat ba to lagi? Lagi siya ang huling gumigising.
"Hehe. Naghanda na ako ng makakain natin. Maluluto na rin ito maya-maya. Magandang umaga din." bawi ko naman sa kanya at agad naman itong umupo sa mahabang upuan at binuksan ang Tv.
"Kapapasok lang po nang balita. Dalawang katawan na naman po ang nakitang wasak ang katawan. Ang isa po ay gubat at ang isa ay isang ilog. Nakapagsalita pa po ang isang biktima na natagpuan sa gubat. Ang salaysay ng biktima bago ito mamatay ay - "Isang tao, matatalim ang mga ngipin at mahaba ang buhok."
Narinig ko nalang ang maingay na tunog nang sandok.
Nang marinig ko ang sinabi sa balita, parang ginuhit sa isipan ko ang mukha ni Ciro. Hindi ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko.
"Imposible!" nasabi ko na lang.
Nagulat naman ako sa pagpasok ni Ciro, at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko na puro dugo ang kanyang mga kamay.
Posible kayang siya ang pumapatay sa mga tao dito?
Hindi!!
______
"May problema ba?" tanong ni Lyka kay Franco.
Kumakain ang dalawa malapit sa ilog. Dito din sila mahilig tumambay, napakasariwa ng hangin. May iilan din namang naliligo dito tulad ng mga batang lobo.
Tila nagulat ba si Franco sa tanong ni Lyka. "Ah, Ano wala ito. Hehe." "Sus, ang lalim nang iniisip mo e. Imposibleng wala kang problema." pangungulit pa ni Lyka.
Napatingin lang si Franco kay Lyka at tila seryoso ito.
"Lyka, ayokong mawala ka sa tabi ko. Kaya asahan mong poprotektahan kita." sabi ni Franco.
Natulala naman si Lyka sa pagtitig kay Franco habang ngumunguya. "Franco?"
Unti-unting lumalapit ang mukha ni Franco sa mukha ni Lyka. Napapikit na lang si Lyka, tila gusto niya din ang nais ni Franco.
Ngunit nakarinig sila ng sigawan.
"Aaaaah!" papalapit sa kanila ang ingay na yun.
Napatayo sila Franco at Lyka para tignan ang nangyayari.
"Bakit? bakit sila nandito?" biglang kinabahan si Franco sa kanyang nakita.
"Anong gagawin natin Franco?" tanong ni Lyka na halatang kinakabahan din.
"Mga Vampires!!!" sigaw ng mga batang lobo.
Itutuloy . . . .