Ciro
Simula na nang pag-eensayo ko. Ano naman kaya ang ipapagawa nila sa'kin? Sana naman maging epektibo ang pagsasanay na gagawin namin para hindi rin masayang ang oras.
Ilang araw palang, marami ng mga mortal ang pinaslang ng mga Bampira. Hindi dapat kami mag-aksaya ng oras at baka lalo pang dumami ang bilang ng mga mabibiktima nila.
"Ciro, handa ka na ba?" tanong ni Ama.
"Opo. Umpisahan na natin." sagot ko. Biglang sumulpot ang kambal na sina Atos at Sato.
"Sila...sila muna ang magtuturo sayo Ciro. Nakita mo naman kung gaano sila kabilis kumilos di ba? Kailangan mong sanayin ang 'yong mga paa sa pagtakbo." paliwanag ni Ama.
"Ganun na nga Ciro, kailangan mo lang naman tumakbo. Ito muna ang kailangan mong matutunan." saad ni Atos.
"Simula sa bahay na 'to hanggang doon kung saan naroroon ang pintong lagusan, kailangan mong takbuhin 'yon. Isang-daang beses mo 'yon uulitin." dagdag pa ni Sato.
Tss. 'yon lang naman pala. Kayang-kaya ko ang pinapagawa nila. Madali lang naman gawin 'yon, dahil sanay na ako sa pagtakbo. "Sisimulan ko na ba?" tanong ko at pumewesto na para tumakbo.
"Sandali, hindi lang paa ang gagamitin mo...pati ang 'yong mga kamay, Ciro." pahabol pa ni Ama.
Shit! ito na naman ang masamang salitang natutunan ko. Nagbibiro ba sila? Hindi naman ata tama 'to.
Wala naman sanang problema kung paa lang, pero kamay? Ano 'to laro? "Tss. Nagbibiro lang kayo di ba? Para akong tanga kung gagawin ko 'yan. Napakahirap gawin ang bagay na 'yan lalo na't maraming puno sa gubat. Hindi...hindi ko gagawin ang iniiutos mo." tinalikuran ko sila at umupo sa isang putol na puno. Bahala sila. Tingin ko, bata lang ang gagawa nang bagay na 'yon.Tss
"Ikaw ang bahala Ciro. Tumatakbo ang oras. Iiwan ko muna kayo dahil hahanapin ko pa ang kapatid mo, Ciro." saad ni Ama at tinalikuran din ako. Teka, hindi pa pwedeng sumama nalang ako sa kanya sa paghahanap kay Lyka. Mas matutuwa pa ako.
"Kaya mo yan Ciro." boses ng isang babae. Napatingin ako kung saan nanggagaling ang boses na 'yon. "May tiwala raw sayo si Yuki." si Yana pala at... Nagpakita siya kay Yuki? Pero bakit? Ano naman ang dahilan niya't ginawa niya 'yon?
"Akala ko ba hindi dapat kayo makita ng babaeng 'yon?" tanong ko. Nakakapagtaka eh.Tss
Napangiti pa siya bago sumagot."Hindi naman, babae naman ako at hindi naman mahirap magpaliwanag sa kanya. Sa katunayan nga, sasamahan ko pa siya mamimili ng mga makakain natin."
Tss. Nagkasundo sila agad? Sabagay, parehas nga naman silang babae at kailangan ngayon ni Yuki ng isang tulad ni Yana.
"Ano Ciro? Uupo ka na lang ba d'yan? o Hahayaan mo nalang na maubos ang mga mortal?" Ayos talaga ang pasok ng lalaking 'to. May araw din sa'kin 'tong si Bryl.
Oo na. Gagawin ko na 'to. Simula palang 'to at sigurado akong marami pang kakaibang bagay ang ipapagawa sa'kin ng mga taong 'to.
"Sige Ciro, pagbutihan mo. Ako'ng bahala kay Yuki." nakangiting sabi ni Yana bago tuluyang umalis. Buti nalang nandito siya.
---
"Teka, wala naman kayong pera ah! tsaka, ano ba 'yang suot niyo? Mga taong gubat ba kayo?" inalipusta lang sina Lyka at Franco ng Tinderang nilapitan nila para sana makakain.
Wala nga naman silang dalang pera kaya imposible silang makakain. Ang lahat na ng tao ay nakatingin sa kanila. Ang iba ay nagtatawanan, ang iba naman ay may masamang sinasabi.
"Mga baliw! Umalis na kayo dito!"
"Ano ba 'yan! Bakit hindi niyo pa sila kaladkarin palabas! Nakakaumay na oh!
"Hoy! Kayo! Hindi pa ba kayo aalis? Tatawag kami ng Pulis!" pagbabanta ng Tindera.
Nagkatitigan lang sina Lyka at Franco dahil hindi maintindihan kung bakit sila pinapaalis. Nais lang naman nilang kumain.
"Ano'ng gagawin natin Franco? Gutom na gutom na'ko." saad ni Lyka na nakahawak pa sa kanyang tiyan.
Magsasalita pa sana si Franco nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso.
"Tol, kapag hindi kayo umalis dito, makakatikim ka na sa akin." pagbabanta ng isang matangkad na lalaki at bigotilyo ito.
May iba pang lumapit at ang iba ay pinalibutan si Lyka.
"Tol, ganda ng syota mo ah. Ang puti at ang sexy." saad ng isang lalaki na patingin-tingin pa pailalim kay Lyka.
Tanging makapal na tela lang ang suot ni Lyka sa pang-itaas at ibaba. Kita pa ang kanyang maputing tiyan at hita. Kaya naman tila naulol ang mga lalaking pumalibot sa kanya.
"Franco, ano'ng gagawin natin?" tanong ni Lyka na may bakas sa mukha ng pagkatakot.
"Tara na Lyka, umalis nalang tayo." hinablot agad ni Franco ang kamay ni Lyka.
Hindi pa man sila nakakalayo, biglang hinawakan ng isanp bigotilyong lalaki ang balikat ni Franco. "Sandali, hindi pa tayo tapos. Nauna kang nanggulo rito tapos tatalikuran mo pa kami? Hindi naman ata tawa 'yon di ba mga kasama?"
Bigla namang hinaplos ng isang lalaki ang hita ni Lyka. "Hmmm. Ang kinis talaga."
Ang lahat ng taong kumakain ay napatayo at nagsipag-alisan dahil malakas ang kutob nila na magkakagulo na.
Tama nga ang hinala nila. Dahil ang kamay ni Franco ay nakaunat na at tila humahaba na ang kanyang kuko. Nakayuko si Franco at tila naghihintay nang pagkakataon.
"Franco?" nag-aalalang saad ni Lyka.
Sa 'di kalayuan. May isang lalaki ang nakamasid sa kanila mula sa likod ng isang puno. "Totoo nga sila."
---
"Kamusta na kaya ang pag-eensayo ni Ciro? Nakakatawang bata talaga. Marami pa talaga siyang dapat matutunan." saad ni Rodolfo habang naglalakad sa isang parke.
"Tama ka d'yan. Marami pang pagdadaanan ang Anak mo Rodolfo bago niya harapin si Thana at s'ya nga pala. Alam kong galit din siya sa Pinunong Raul natin di'ba? Mukhang doon tayo mahihirapan." sagot ni Argos. Pasan pa niya ang kanyang Anak ni si Venice.
Napaisip si Rodolfo. Tama ang sinabi ni Argos. Hindi niya pa niya naipaliwanag ang tungko kay Raul. Posibleng magharap sila darating na panahon.
"Papa, tignan niyo 'yon oh!" napansin naman ni Venice ang kumpulan ng mga tao sa 'di kalayuan.
"Ano kayang nangyayari? Tara lapitan natin." saad ni Argos.
Habang papalapit sila, unti-unti nilang nasisilayan ang nangyayari sa loob ng mga nagkukumpulang tao.
"Sandali! Si... Lyka 'yon, Argos. Ang Anak ko!" saad ni Rodolfo na may galak sa kanyang mukha.
"Hahaha! Mukhang nakahanap na sila agad ng katapat ah. Panoorin nalang muna natin." nakangiting sabi ni Argos.
Sumang-ayon naman si Rodolfo. Inisip niya na kailangan din ito ng kanyang Anak. Isang ensayo para matutunan kung paano makisama sa mga Mortal na mabubuti o makipag-laban sa mga Mortal na masasama ang loob.
Napansin naman ni Rodolfo ang isang lalaking nakatago sa likod ng puno. Pamilyar sa kanya ang mukha at hindi siya maaaring magkamali.
"Si ano 'yon ah. Teka, ano'ng ginagawa niya dito?" pagtataka ni Rodolfo.
