Chapter Twenty

3.8K 73 6
                                        

-20-

Ciro

Naramdaman ko kung paano humaba ang aking ngipin. Tila gutom na gutom ang pakiramdam ko, uhaw na uhaw sa dugo. Gusto kong kumagat at sumipsip nang kung anuman ang nais ng katawan ko.

"Grrrr!" sa laki ng lobo na nasa harap ko ngayon ay siguradong sapat na para sa ninanais ng katawan ko. Kailangan ko siyang patayin.

Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin, may mga bahid pa ng dugo sa kanyang mga ngipin. Ilang buhay din ang winakasan ng halimaw na ito, hindi nang lobong ito. Tss.

Nakaramdam ako ng kakaiba nang bigla niya akong sinunggaban. Napahawak ako sa kanyang leeg, isang kamay lang ang akin gamit. Tila nahihirapan siya, kaya sa bigla ko binitawan ko agad.

Kitang-kita ko ang paghabol sa kanyang hininga, marahil ay iyon ang kanilang kahinaan.

Muli siyang tumitig sa akin ng matalim at tumakbo palapit sa akin. Naramdaman kong umangat ang katawan ko, at napaatras. Hindi ko alam kung katawan ko pa ba ang dala ko, masyadong magaan ang aking pakiramdam.

Muli siyang tumakbo palapit sa akin, kung ganito lang ako ng ganito hindi ito matatapos. Sinalubong ko siya at napahawak ako sa kanyang magkabilang pisngi. Kitang-kita ko ang malalaking pangil niya na nakabungad sa mukha ko. Kung hindi ko lalakasan ay siguradong malaking pinsala ang maidudulot sakin ng kanyang mga ngipin.

Sa lakas niya ay napapaatras ang isa kong paa. Wala na akong nagawa kundi ang tumalong paatras.

"Mukhang mapapalaban na talaga ako. Tss." nasabi ko na lang sa aking sarili.

Sinundan ko ng titig ang lobong nasa harap ko na dahan-dahang naglalakad pa-ikot. Iniiukatan ata ako ng halimaw na to. Tss.

Nang makarating siya sa likuran ko, naramdaman ko ang paghinga niya. Nasa harap ko na pala agad siya.

"Tss. Ang sakit!" reklamo ng muli niya akong hawiin na kanyang paa. Sumusobra na to.

Tumakbo ako papunta sa kanya, hinanda ko ang ang aking dalawang kamay para hawakan ang kanyang leeg ng mahigpit. Alam kong doon ko lamang siya mapapatay sa paraan na iyon.

Hindi ako nabigo, nahawakan ko ang kanyang leeg ng mahigpit. Sumakay pa ako sa kanyang likod para kumuha ng bwelo, gusto kong baliin ang kanyang ulo para matapos na. Kinagat ko muna ang kanyang leeg, Tss. Hindi pala ganitong dugo ang gusto ng aking katawan.

Dahil sa ginawa ko, lalo siyang tumapang, lumakas, kaya naman naitalapon niya ako at tumama ang likod ko sa isang puno. Sa sobrang sakit parang hindi ko na kaya ang tumayo pa. Mukhang sumuko na ang aking katawan.

Palapit muli sa akin ang lobo, galit na galit ang kanyang itsura. Mukhang katapusan ko na.

"Ciro!" isang boses ang aking narinig. Boses ni Ama iyon. Ito na naman siya, muli na naman siyang dumating sa oras nang aking pangangailangan.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon