Tuwang-tuwa ang mga Vampires dahil natupad na rin ang matagal nilang inaasam. Samantalang ang mga Wolf naman ay inis na inis dahil hindi nila napigilan ang pagpasok ng mga Vampire sa mundo ng mga mortal.
"Ano nang gagawin natin Raul?" tanong ni Gregorio.
"Hindi naman tayo pwedeng pumunta lahat sa mundo ng mga mortal dahil mas lalo lang silang manganganib." saad ni Rufino.
"Tama ka Rufino, pero kailangan nila ang tulong natin at kailangan niya ang tulong ko." sagot ni Raul at meron siyang muling inaalala.
Lumapit si Raul sa Pintong lagusan at hinawakan niya ito. "Maghintay lamang tayo."
"May parating!" sigaw ng isang Lobo.
"Lyka?" sinipat muna ni Franco ang parating. "Lyka!" sigaw niya nang makumpirma niyang si Lyka nga ang paparating.
"Ano'ng balita kay Pinunong Tristan?" bungad na tanong ni Franco.
"Nailibing na siya at taimtim naman nilang tinanggap ang sinapit ni Pinunong Tristan. Hiniling din nila na sana'y magandang buhay ang igawad sa kanyang pangalawang buhay." sagot ni Lyka na nakangiti ngunit humihingal-hingal pa.
"Sana nga." nasabi nalang nang ibang Pinuno.
"Sandali!" agad na inilabas ni Lyka ang isang papel na binigay sa kanya ni Amang Pardos.
"Sandali, katulad 'yan ng papel na hawak mo noon di ba Raul?" bulalas ni Alfonso.
"Oo, ito nga 'yon. May ganito rin pala si Amang Pardos. Paano kaya nagkaroon si Amang nang ganito?" pagtataka ni Raul.
"Basta ang bilin ni Amang ay gamitin daw natin 'yan papunta sa mundo ng mga mortal. Alam na alam na rin pala niya ang mangyayari." paliwanag ni Lyka.
"Buti nalang ligtas kang nakarating dito Lyka." nakangiting saad ni Franco.
"Oo naman, may mga kasama rin naman ako at wala na rin naman ang mga bampira di ba?" nakangiting sagot ni Lyka.
"Mabuti hindi kayo inatake ng mga ..." naudlot ang sasabihin sana ni Franco dahil pinigilan siya ng kanyang Ama.
"Mabuti pang huwag mo nang banggitin ang tungkol d'yan Anak." ayaw nalang ipamukha ni Raul sa iba na may traydor sa kanilang lahi. "Gawin nalang natin kung ano ang nararapat sa papel na ito." dagdag pa ni Raul.
"Ano 'yung sasabihin mo sana?" tanong ni Lyka kay Franco. Sa katulad ni Lyka na gustong malaman ang lahat ay siguradong kukulitin niya si Franco.
"Alam ko namang hindi ka titigil, haays! pero h'wag kang maingay ah!" bulong ni Franco.
---
"Tulad nang sinabi ko kanina mga pinuno nang bawat pangkat. Hindi tayo pwedeng pumunta lahat sa mundo ng mga mortal."
Noon kasi ang mga lobo na nagpunta sa mundo ng mga mortal ay naghasik din ng lagim. Hindi lang mga bampira ang inaatake nila, maging ang mga mortal ay nagiging biktima rin nila.
Una, dahil sa mga laman ng mga mortal na gustong-gusto nila.
Pangalawa, maaari ding mapahamak ang mga lobo lalo na sa mga mangangaso.
Pangatlo, magdudulot ng napakaling digmaan sa pagitan ng mga mortal laban sa kapwa nila mortal. Dahil mag-aagawan ang mga ito kung sino ang nararapat na makasama ng bampira o lobo.
"Marami pa ang pwedeng mangyari kung sakali ma'ng tumawid tayo mundo nila. Marami sa mga kasama natin ang hindi mapipigilan ang kanilang sarili na hindi kumain ng laman ng mga mortal at 'yon ang iniiwasan ko." paliwanag ni Raul.
"May punto ka d'yan Raul. Sang-ayon ako sayo." saad ni Mariano.
"Pero ano nga ba ang dapat nating gawin? kapag tumagal ito, baka lalong manganib ang mga mortal sa kamay ni Thana." pagaalala ni Rufino.
"Si Franco at Lyka." sambit ni Gregorio. "Ang dalawang 'yon ay may mabuting hangarin. Bakit hindi na lang sila ang ipadala mo sa mundo ng mga mortal, Raul."
Biglang napatingin si Raul kay Gregorio. "Si Franco na naman? Aaargh! pero wala na rin akong ibang maisip pa kung sino ang karapat-dapat na pumunta roon. Sige, ipatawag niyo ang Anak ko at kakausapin natin sila nang maayos." utos pa ni Raul.
---
"Talaga?" hindi makapaniwala si Lyka sa ikinuwento sa kanya ni Franco. "Kung sabagay, hindi talaga maiiwasan ang mga traydor sa isang grupo dahil sa matinding pagkainggit."
"Tama ka d'yan Lyka. Sigurado naman akong may kalalagyan ang mga 'yon. Mukhang sila na ata 'yung mga humihingi nang tulong oh! Dinig mo ba Lyka?" natatawang saad Franco.
"Oo, teka, ano'ng ginagawa sa kanila?" pagtataka ni Lyka.
"Kinakain! aaargh!" nagawa pang magbiro ni Franco at ikinatuwa niya 'yon dahil nagulat niya si Lyka.
"Lyka, Franco! pinapatawag kayo!" isang Lobo ang tumawag sa kanila.
Agad namang sumunod ang dalawa. Dinig pa din ang sigaw ng mga traydor na Lobo.
"Ihanda mo ang sarili mo Franco. Ikaw ang napili namin na tumawid sa mundo ng mga mortal kasama si Lyka. Alam kong hindi kayo gagawa nang anumang kasamaan sa mundong 'yon kaya kayo ang nararapatan na pumunta roon." paliwang ni Raul.
"Pero Ama ..." naudlot ang sasabihin sana ni Franco nang bigla siyang bulungan ni Lyka.
"Naroon ang Ama ko at Kapatid ko Franco, gusto ko silang makita." bulong ni Lyka.
Natauhan naman si Franco at ngumiti na lamang. Napangiti rin naman si Lyka.
"Buksan niyo na ang Pintong lagusan!" utos ni Raul.
Agad na idinikit ni Rufino ang papel o talisman sa pinto at agad silang gumawa ng ritwal. Dahan-dahang bumukas ang pinto at malakas na hangin ang sumalubong sa kanila. Marami sa mga Lobo ang gustong pumasok. Pero isang hakbang lang nila ay siguradong pipigilan lang sila.
"Mag-iingat kayo Anak. Bumalik kayo rito kung saan nakapwesto ang pintong 'to sa mundo ng mortal para ibalita ang mga nasaksihan niyo." saad ni Raul. "Lyka, sana makita mo rin ang Ama't Kapatid mo. Sana mapatawad niya ako." dagdag pa ni Raul.
Matapos silang magpaalam sa isa't isa, pumasok na sila Franco at Lyka sa pinto. Agad din itong sumara nang makapasok na sila.
---
Sa mundo ng mga mortal. Sabay na dumilat si Ciro at Rodolfo at ang tanging nasambit nila ay ang pangalan ni ...
"Lyka!"
"Lyka! Anak!"
