Chapter Nineteen

3.8K 81 13
                                    

A/N: Salamat talaga sa mga nagtyatyagang bumabasa nito. Hehe. Mahaba-haba pa po ito. At sana mabasa niyo hanggang sa huli. Salamat sa mga nagvovote. Pero mas gusto ko yung reaksyon o comment. Sana meron na. Hehe.

_____

-19-

Kitang-kita sa mukha ni Thana ang paghihiganti na nais niyang gawin. Nawalan siya ng isang kalahi kaya ginantihan niya ang mga wolf.

Ito naman ang ikinagalit ni Raul. Dahil lima sa lahi nila ang pinaslang. Kaya naman tinawag niya ang ibang wolf sa pamamagitan nang isang mahabang ungol.

Napalibutan ng mga wolf sina Thana at mga kasama nitong vampires. Kitang-kita sa mukha nila ang pagkasabik sa pagpatay sa isa't isa.

"Hangal ka Thana, hindi makatarungan ang iyong ginawa. Bakit kailangan mong pumatay ng mga batang lobo?" Galit na tanong ni Raul.

"Tss. Nararapat lang yan sa lahi niyo Raul. Dahil isa kang taksil. Papaano mong nagawa na pumatay din sa mga tauhan ko? Patas na tayo Raul." mataray na sagot ni Thana.

Tinitigan na lamang siya ni Raul ng matalim. Gusto niyang atakihin si Thana ngunit nagdadalawang isip ito. Dahil Kapag nagkagulo at hindi na ito matigil, maaaring dito na magtatapos ang lahat.

Pinagmasdan pa niya ang mga kalahi niya. Kitang-kita niya sa mga kalahi niya na handa sila anuman ang mangyari.

Lumingon muna ito sa pinasukan ng kanyang anak. Nakahinga siya ng maluwag nang walang siyang nakitang Franco roon. Lumingon muli si Raul kung saan nakatayo ang mga vampires. Laking gulat na lamang niya nang biglang may umatakeng isang lobo mula sa likod ng mga vampires.

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa anak ko!" sigaw pa ng isang itim na lobo.

Napalingon naman ang mga vampires sa narinig nila. Nakaiwas man ang iba, ngunit may nakagat din ang lobo. Sigaw ng sigaw ang vampire na nakagat nito sa leeg. Pinilit ng lobo na baliin ang leeg ng vampire, dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nang mapugot na ang ulo ng vampire, itinapon niya ito.

Kitang-kita sa mukha ng lobo ang matinding galit. Ngunit, mabilis na nilapitan siya ni Adolfo. Isang kamay ni Adolfo ang nakahawak sa leeg ng lobo. Halos lumuwa ang mata ng lobo sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Adolfo.

"Mga hangal talaga ang lahi niyo Raul. Walang silbi at mahihina. Hahaha!" pang-aasar pa ni Thana at agad niyang nilapitan ang lobo na hawak ni Adolfo.

"Masdan niyo kung paano mamatay ang mga mahihina na katulad niya." dagdap pa ni Thana at saka itinutok ang mahahaba at matatalim na kuko nito sa tiyan ng lobo.

Walang nagawa si Raul kundi pagmasdan lang ginagawa ni Thana sa kalahi niya. Nagdadalawang isip pa rin ito kung lalaban ba siya o hindi.

Sabay-sabay na umungol ang lahat ng lobo nang makita nilang wakwak na tiyan nang isa nilang kalahi. Wala rin silang magawa dahil wala pang utos mula kay Raul.

"Wala ka bang gagawin Raul? Pagmamasdan mo na lang ba na mamatay ang mga kalahi mo nang hindi lumalaban? Hangal ka Raul!" pang-aasar ulit ni Thana.

Unti-unting hinakbang ni Raul ang kanyang mga paa. Iniisip pa rin niya kung ito na ba ang tamang panahon para ibuhos ang lahat. Ramdam niyang may mga paparating pang mga vampires. Marami ang mga ito, kaya lalo siyang naguluhan sa kanyang sarili.

"Sige Raul lumaban ka! Hahaha!" natatawa na lamang si Thana.

Halos patakbo na si Raul nang may narinig siyang sigaw.

"Pakawalan niyo na!!!" isang sigaw mula sa itaas ng mga puno.

Nagsi-tingalaan naman ang mga vampire. Nagulat sila sa kanilang nakita. Mga palaso na may apoy sa dulo ang nakatutok sa kanila. Mga lobo ang mga iyon, ngunit nasa anyong tao para makagamit ng sandata.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon