Onti-onting nagbago ang anyo ni Rodolfo ng maamoy niya na may papalapit sa kinaroroonan nila. Napatingin ito sa malayo at naglabasan na ang mga balahibo nito. Napatayo na siya bilang wolf at nanlilisik ang mga mata nito kasabay ng paglabas ng mga pangil nito.
"Rodolfo? Paano ang bata? Paano to si Lyka?" Tarantang tanong ng matandang mortal.
"Mortal, maaari bang dalhin niyo muna sila sa mundo niyo?" Pakiusap ni Rodolfo. Wala na siyang maisip gawin kundi yun lang.
Umiling-iling lang ang matandang mortal. "Hindi maaari ang gusto mo Rodolfo, mas lalong mapanganib kung dun ko siya itatago." sagot ng matandang mortal at kinuha ang sanggol sa tabi ni Maia ng utusan siya nito.
"Pakikuha po muna ng anak ko. Sandali niyo lang po siyang itakas dito at ibabalik niyo din po agad. Paki-usap po." Pakiusap ni Maia na onti-onti namang humilom ang sugat.
"Pe-pero . ." napahinto ang matandang mortal sa kanyang sasabihin dahil lumabas si Rodolfo at tila may kakaibang nangyari.
Nawala sa mukha ni Rodolfo ang panlisik ng mata nito at tila may inaamoy. "Sandali , mu-mukhang nawala sila." nasambit niya ng biglang di na niya maamoy yung mga papunta sana sa kinaroroonan nila.
Lumapit na din ang matandang mortal sa pinto matapos nitong iniabot ang sanggol kay Maia at ihiga si Lyka.
"Mukhang may di magandang mangyayari Rodolfo." Napatingin din ang matandang mortal sa malayo at bakas sa mukha nito ang pagaalala sa mga susunod na mangyayari.
"Mukhang mapanganib na nga samin ang manatili pa rito mortal." Nasambit nalang ni Rodolfo at nag-anyong tao na ulit na walang suot kahit ano. "May hiling sana po ako sa inyo, pag-usapan po natin sa loob." dagdag pa ni Rodolfo.
Samantala, nakita ito lahat ni Adolfo. Malamang ay magugulat si Thana sa mga ibabalita nito. Napangiti nalang ito ng umalis at tumakbo ng mabilis.
_________
Nang marinig ni Raul ang pag-iyak ng isang sanggol. Dali-dali niyang tinawag ang mga kasama niya, nag-anyong lobo lahat sila habang tumatakbo at umungol pa si Raul.
Narinig naman ito ni Thana na kasalukuyang naliligo sa Blood bath niya. Kaya napatayo ito at isinuot ng mga alipin ang kanyang kapa agad. Tinawag niya pa ang iba pang lalaking vampire para samahan siya.
Halos sabay lang ang kilos ng dalawang grupo sa magkabilang lugar.
Lingid sa kaalaman ng dalawang grupo, may isa pang grupo ang nais silang harangin. Mga vampire at may halong wolf ang isang clan na ito.
Ang SUJU CLAN. Ang clan nila ang mga sumasalakay sa mga mahihinang lahi ng mga wolves o vampires. Sino man ang mahuli nila ay tiyak na magiging hapunan ng mga ito.
Malapit na sana ang grupo nila Raul sa kinaroroonan nung sanggol na narinig niyang umiyak, ganun din ang grupo ni Thana.