Chapter Forty-Five

2.6K 62 3
                                        

Chapter Forty-five

Nang matapos ang sagupaan sa pagitan ng grupo ni Rodolfo at ng  mga bampira, muling nanaig sina Rodolfo ngunit may isang bampira ang pinili nilang buhayin pa upang makuhaan ng imporamsyon tungkol sa posibleng plano ng kanilang pinuno na si Thana.

Hawak ni Bryl ang bampirang natira sa magkabilang kamay nito. Duguan, puro galos ang buong katawan at halos hindi na makatindig ng maayos. Kaya naman pinaluhod na lang ni Bryl ito. Ngunt sa kabila ng kalagayan ng bampira, nagagawa pa nitong magloko o magsabi ng mga hindi magagandang bagay.

“Saan kayo nagtatago?! At ano ang bibabalak ni Thana sa anak ko?! Sumagot ka!” galit na tanong ni Rodolfo.

“Hahaha! Wala kayong makukuha sa’kin. Katapusan niyo na! Dahilsi Lady Thana na ang maghahari sa buong mundo. Hahaha!” sagot lang ng bampira na tila hindi man lang natakot  kay Rodolfo o tila handa na rin siyang mamatay.

“Umayos ka!  Sagutin mo kami ng maayos! Kailangan namin siyang pigilan. Dahil hindi maaring sirain niya ang mundo ng mga mortal!” dagdag pa ni Rodolfo ma may halong pag-aalala.

“Tatapusin ko na ‘to!” bigla namang napikon si Bryl dahil wala pa ring matinong sagot ang bampirang hawak niya.  Lumabas agad sa kanyang mga daliri ang mahahabang kuko nito.

“Huminahon kayo mga ginoo.  Hindi natin malalaman ang kasagutan kung idadaan niyo sa init ng ulo,” pagsingit ng matandang mortal.

Hinarap ng matandang mortal ang bampirang hawak ni Bryl. “Sabihin mo kung saan kayo nagtatago at ano ang binabalak ng inyong pinuno,” kalamadong pakiusap nito.

“Hahaha! Isang halimaw! Isang halimaw! May isang halimaw ang maghahasik ng lagim at pupuksa sa mga mortal!” sagot ng bampira na bigla na lamang natakot.

“Anong pinagsasabi mo? Anong halimaw?” tanong ni Bryl.

“Patayin niyo na ako! Ayoko ng mabuhay sa ganitong mundo. Gusto ko ng mabuhay muli sa ibang mundo!” sigaw ng bampira na tila nawawala sa kanyang sarili.

Nagulat na lang si Bryl ng biglang may nagtalsikan na dugo. Nakita niyang wala ng ulo ang bampirang hawak niya.

“Hindi maari. May binabalak sila sa anak ko. Hindi!” saad ni Rodolfo na labis angpag-aalala sa kanyang anak.

“Dugo?  Pero bakit?” pagtataka ni Bryl.

“Marahil ay hindi pa sila ganap na bampira. Isa siya sa mga mortal na pinilit na maging bampira. Tss. Napakasama talaga nila,” saad ni Argos.

“Heh?! Kung ganon, pati ang mg mortal ay kalaban na rin natin. Hindi maganda ‘to,” pag-aalala ni Bryl.

“Tama ka, at lubhang mapanganib na ito sa’tin at sa iba pa,” sagot ni Argos.

“Anong gagawin natin, Rodolfo?” tanong ng matandang mortal kay Rodolfo na nakatanaw sa kawalan.

“Hindi ko alam, tanda.  Gusto ko lang iligtas ang anak ko ngayon.  Mukhang si Vamolf ang tinutukoy ng bampirang iyon na isang halimaw at hindi ako makakapayag sa gagawin nila,” sagot ni Rodolfo.

Sa pintong lagusan, natalo ni Yana ang bampirang si Jaira at mabilis niyang pinagaling ang kambal gamit ang kanyang mga halamang gamot upang muling makalaban. Ngunit hirap pa rin sila dahil sa dami ng bilang ng mga bampirang kaharap nila. Sina Sato at Atos ay malubha na naman ang kalagayan dahil sa pagod na sila at sa mga galos nila.

Nagkaroon man ng lamat ang pintong lagusan dahil sa pagtama ng katawan ni franco doon, hindi pa rin ito sapat upang tuluya ng mabuksan. Kaya naman agad na bumangon si Franco upang ipagpatuloy ang laban. Pero paano? Tila wala na silang lakas lakas.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon