Chapter Forty-Four

2.7K 60 3
                                    

Nagsimula na ang digmaan sa pagitan ng mga bampira at ng mga lobo at patuloy namang nadadamay ang mga mortal. Sa katunayan, ilang siyudad na ang napinsala dahil sa patuloy na panggugulo ng mga bampira.

Nahaharap ngayon sa matinding laban sina Franco at Lyka kasama sina Atos, Sato at Yana dahil naabutan sila ni Adolfo sa lugar kung saan naroon ang pintong lagusan. Nais sana nila Franco na tawagin na ang kanyang ama at ang iba pang mga lobo upang makatulong at mapigilan ang tangkang pananakop ni Thana sa mundong ginagalawan nila.

Naisip ni Adolfo na ang pagtawag sa mga lobo ang unang hakbang na gagawin ng grupo ni Rodolfo kaya hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ang pintong lagusan. Pero 'di niya inaasahan na hindi niya pala makakaharap si Rodolfo. Kaya naman ay agad na umatake ang mga bampira ng senyasan sila ni Adolfo.

Mabilis namang nakaiwas sina Atos at Sato dahil na rin sa taglay na liksi nila. Mabilis na niyakap ng mahigpit ni Atos ang umatakeng bampira sa kanila at agad na hinawakan naman ni Sato ang ulo.

"Paalam," saad pa ni Sato at mabilis niyang nahiwalay ang ulo ng bampirang yakap ni Atos.

Pagbagsak ng katawan ng bampirang wala ng ulo, may tatlo agad na sumulpot sa harap nila.

Nagsenyasan sina Atos at si Sato sa isa't isa at bigla na lamang silang naglaho. Nagulat na lang ang tatlong bampira at nagpalinga-linga na lamang.

"Nandito kami!" sigaw ni Atos at agad na sinakmal ang isang bampira at mabilis niya itong napatay.

Ganoon din ang ginawang pag-atake ni Sato na nagmula sa likuran ng isang bampira galing sa taas ng puno. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo nito at mabilis niya ring pinugot.

Nabahala ang isang bampira kaya naman napatakbo siya dahil sa takot. Pero mas mabilis ang kambal. Naharangan nila ang bampira na agad namang umatras.

"Ang hihina niyo naman pala. Puro satsat lang ang alam niyo. Wala kayong pinagkaiba sa mayabang na Adolfo na iyon. Hahaha." pangaasar ni Atos.

"Tapusin na nating siya, Atos. Huwag na tayong magsayang ng oras dito," utos ni Sato na sabik na muling makapatay.

Kaya wala ng sinayang na oras si Sato dahil hindi naman nakinig sa kanya si Atos. Mabilis niyang inatake ang bampirang tila takot na takot.

Nang nakalapit na si Sato sa kalaban, bigla na lamang ngumiti ang bampira at bigla siya nitong tinitigan ng masama.

"Tapos ka na, lobo," nakangiting saad ng bampira kay Sato.

Bigla na lang may naramdamang mahapdi si Sato sa kanyang tagiliran at agad siyang bumagsak sa lupa.

"Sato!" sigaw ni Atos at mabilis niyang nilapitan ang kanyang kapatid na bigla na lamang nawalan ng malay.

Dahil sa galit ni Atos, mabilis niyang sinakmal ang bampirang nanakit sa kanyang kapatid.

"Walanghiya ka!" galit na saad ni Atos at matinding lakas ang kanyang ginamit dahilan para maputol niya agad ang ulo ng bampirang sinakmal niya.

Agad na bumalik si Atos sa kinaroroonan ni Sato.

"Sato! Sato! Gumising ka!" nag-aalalang sambit ni Atos kasabay na pag-uga sa katawan ni Sato.

Napansin naman ni Yana ang nangyari sa kambal. Gusto niya itong tulungan ngunit mabilis siyang naharangan ng isang babaeng bampira nagngangalang Jaira.

"Huwag mong tatalikuran ang kalaban mo, babaeng lobo," saad ng bampirang si Jaira. "Isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Lady Thana at lumalason sa mga kalalakihan para mapasunod namin. Kung ayaw mong matulad sila sa iba ko pang mga nabiktima, harapin mo ako!" dagdag pa ng bampirang si Jaira.

Napangiti lang si Yana at tinitigan ng maigi ang bampirang si Jaira. "Kaya ko rin gawin ang ginagawa mo, at kaya kong gawan ng lunas ang lason mo. Yan ang ipinunta ko dito sa mundong ito. Ang pag-aralan ang mga posibleng gamot sa lahat ng mga sakit o lason. Kaya huwag mo akong tatakutin, babaeng bampira," matapang na saad pa ni Yana.

"Ang dami mong sinasabi! Humanda ka!" galit na saad ni Jaira at agad niyang sinugod si Yana.

Bigla na lang may nilabas si Yana na isang matulis na kahoy at inihagis ng diretso patungo sa bampirang si Jaira.

Nailagan naman ni Jaira ang ginawang atake ni Yana ngunit nagulat siya na hindi lang isa ang initsa ni Yana. Napakaraming matulis na kahoy pala ang mabilis na nagliliparan patungo sa kanya.

Dahil sa mga kahoy na tumama sa buong katawan ng bampirang si Jaira, nanigas ang buong katawan nito na tila naparalisa.

"Anong ginawa mo?" tanong ng bampirang si Jaira na takot na takot dahil sa mabigat na nararamdaman niya.

"Sabi ko naman sayo eh, mas magaling ako pagdating sa mga lason. Matibay ka pa nga, dahil nakakapagsalita ka pa. Pero kung hindi, kanina ka pa dapat patay," paliwanag ni Yana habang nilalapitan niya ang bampirang si Jaira na hindi na makagalaw.

"A-anong gagawin mo?" tanong ni Jaira na takot na takot pa rin.

Hindi na sumagot si Yana. Hinawakan niya ang ulo ng bampirang si Jaira at ginamit niya ang matulis na kahoy dahilan para mapugot ang ulo nito.

Napansin naman ni Lyka ang brutal na pagpatay ni Yana sa kalaban niya. Nabilib pa siya dahil ibang Yana ang nakita niya. Dahil sa paningin ni Lyka, isang mahinhin ito at hindi marunong magalit dahil laging nakangiti.

"Lyka!" sigaw ni Franco.

Nang mapatingin si Lyka kay Franco, nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang tumilipon palayo si Franco at tumama pa ito sa pintong lagusan.

"Franco!" sigaw ni Lyka at agad niyang inatake si Adolfo.

"Huwag na kayong magsayang ng lakas, dahil wala rin naman kayong laban sa'kin," saad ni Adolfo na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Lyka ng makailag siya sa pag-atake nito.

"Hindi kayo magtatagumpay sa binabalak niyo," matapang na saad ni Lyka.

Patuloy pa rin ang paglalaban ng mga lobo sa mga bampirang nais sakupin ang mundo ng mga mortal. Malakas man ang mga lobo, ngunit kulang ang kanilang bilang. Kaya kailangan ni Franco magbigay ng senyales sa kanilang mundo para makapasok ang kanyang ama at ang iba pang mga lobo.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari. Nang tumilapon nga si Franco sa pintong lagusan, nagkaroon ito ng lamat.

***

"Ayan na ata ang senyales. Makakatawid na tayo, Raul," nasasabik na saad ni Rufino.

"Pero bakit sa ganyang paraan? Tila may nagaganap na labanan sa likod niyan," pagtataka ni Mariano.

"Kanina ko pa talaga 'yan nararamdaman. Nagsimula na ang labanan. Sana hindi pa tayo huli," nag-aalalang saad ni Gregorio.

"Humanda na lamang tayo. Ang pinag-usapan natin ay kailangan niyong sundin, maliwanag ba?!" tanong ni Raul sa kanyang mga kasamahan.

"Oo!!!" sagot ng lahat.

Samantala, nagsimula na ring labanan ni Rodolfo, Bryl, Argos at ang kanyang anak na si Venice ang mga bampirang bigla na lang sumulpot sa kanilang harap nang makabalik sila sa bayan.

Ilang bampira na rin ang nalagas dahil sa lakas na pinapakita ni Bryl kahit na kagagaling lang ng kanyang sugat.

Tanging si Venice naman ang nag-anyong lobo upang malito nila ni Argos ang mga kalaban at para maisahan.

Samantalang galing lang sa pakikipaglaban ang pinakita ni Rodolfo dahil ayaw niyang mag-aksaya ng pagod sa mga mahihinang bampira. Ilang bampira na rin ang naputulan niya ng ulo.

Nakatayo lang ang matandang mortal at pilit na iniiwasan ang posibleng pag-atake sa kanya ng mga bampira gamit ang kanyang latigo na may lason.

Iisa lang ang kanilang pinaglalaban, ang kapayapaan para sa mga mortal at ang kalayaan nila mula sa mga bampira.

Ngunit, wala silang kaalam-alam na nagsimula na ring gumalaw ang mga mortal upang sila'y mapuksa. Ilang sundalo, sasakyang pandagat, pang-himpapawid na ang hinahanda.

Simula na ng digmaan sa pagitang ng mga bampira, lobo at pati na rin ng mga mortal.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon