Chapter Twenty-One

3.8K 71 4
                                    

-21-

"Maghintay lamang kayo at tatapusin ko lang orasyon sa papel na ito." sabi ng isang matandang vampire kina Thana at Adolfo.

Mabilis na bumalik sina Thana at Adolfo matapos nilang makuha ang papel ng pintong lagusan mula kay Raul. Tuwang-tuwa si Thana dahil sa matagal na siyang naghihintay sa mga dugo ng mga mortal.

"Sa wakas, magaganap na ang pagbabago! Hahahaha!" sabi ni Thana nang muling ibigay sa kanila ang papel na may tamang orasyon na.

"Idikit niyo lamang yan sa pintong lagusan at banggitin ang salitang. 'Mundo ng mga Mortal at Immortal ay muling mag-uugnay, lagusang pinto'y muling buksan.' gawin niyo yan ng maayos at mabubuksan na ang pinto." paliwanag ng matandang vampire.

Agad na pumunta sina Thana at Adolfo sa kinaroroonan ng lagusang pinto. May kasama pa silang iilang vampire. Mabilis ang pagtakbo nila.

"Anong gagawin natin kung sakaling mabuksan na nga ang pinto Lady Thana?" tanong ni Adolfo.

"Tss! Ano pa ba? edi ang sumipsip agad ng mga dugo ng isang mortal. Hindi ba't yun din ang inaasam niyong lahat? Kaya saka na natin isipin ang susunod na gagawin, ang gawin niyo doon ay uminom lang ng dugo. Hahaha." mahabang sagot ni Thana na ikinatuwa naman ng mga kasama nilang vampire.

Nang marating na nila ang lugar kung saan naroon ang lagusang pinto, idinikit agad nila ito sa gitnang parte ng pinto.

"Mundo ng mga Mortal at Immortal ay muling mag-uugnay, lagusang pinto . . ." napatigil ang orasyon ni Thana nang biglang umapoy ang buong paligid.

"Hindi kayo magtatagumpay!" sigaw ni Franco na nasa itaas ng isang puno ay may hawak na palaso at may apoy sa dulo nito.

"ArrRgh! anong ginagawa niyo? Patayin niyo siya!" galit na galit na utos ni Thana.

"Awoooo!" isang senyales ang ginawa ni Franco. Ang senyales para lumabas na ang ibang lobo.

Sabay-sabay na nagtalunan ang mga lobo at sinunggaban isa-isa ang mga vampire na pasugod sana kay Franco.

"Hindi ka magtatagumpay Thana!" sigaw naman ni Raul at agad na tumakbo ng mabilis palapit kay Thana.

Ngunit hinarangan siya ni Adolfo na nagpunas pa ng dugo sa kanyang labi.

"Ako nang bahala sa kanya Lady Thana. Ituloy mo na lamang ang orasyon." at binigyan ng matalim na tingin si Raul.

Nagtitigan ang dalawa, matalim, nanlilisik ang mga mata.

_____

Ciro

Muli akong nakaramdam ng kaba, tila may panganib na parating sa mundong ginagalawan ko.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon