Chapter Forty-Eight

2.4K 63 0
                                    

-48-

Sa wakas,natunton din nila  Raul at ng iba pang mga lobo ang kinaroroonan ng mga bampira. Sa isang abandonadong gusali nanirahan ang mga ito kasama ang kanilang pinuno na si Lday Thana. Napapalibutan ito ng mga bampirang tagapag-bantay kaya naman naging alisto ang mga lobo sa posibleng pag-atake ng mga ito.

“Mukhang napaghanadaan nila ang araw na ito, Raul.” Nakangiting saad ni Mariano na halatang sabik na sa pakikiaglaban.

“Simulan na natin ‘to!” pati si Gregorio ay hindi na rin mapigilan ang pananabik na pumatay ng mga bampira.

Pero si Raul ay kalamado lang. Nababahala lang siya dahil naroon sa loob ng gusaling iyon ang iniingatan niya.

“Ama, ano na po ang hakbang na gagawain natin?” tanong ni Franco na nagpabasak sa katahimikan ng kanyang ama.

Nabigla si Raul at bumalik sa katinuan. “Maghintay laman g tayo ng tamang pagkakataon. Nakakasiguro ako na alam na nilang lahat na narito tayo. Magmasid lang kayo, dahil sa sandali lang, maglalabasan ang mga ‘yan at mabilis tayong aatakihin.” Utos na lamang ni Raul.

“Ito na nga ang pagkakataon natin eh. Habang wala pa sila, alisin muna natin ang mga sagabal sa daan.” Mungkahi ni Mariano.

“Hindi pwede!” sigaw ni Raul.

Nagulat ang lahat sa inasal ng kanilang pinuno. Bakit ganoon na lamang katindi ang galit na nailabas niya?

“Ama! Ano ba ang nangyayari sa’yo? Bakit ka nagkakaganyan? Ano ba ang pinag-aalala mo?” sunod-sunod na tanong ni Franco na tila nagbabadya na ring magalit sa kanyang ama na agad namang hinawakah ni Lyka ang kamay nito upang kumalma.

“Franco… nasa loob ang kapatid mo.” Hindi na nagdalawang isip pa si Raul na sabihin na ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang kanyang pag-aalala. Nasa tamang oras na rin naman ang lahat.

Napaatras si Franco na gulat at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanyang ama. Hindi niya akalain na may kapatid pa siya. Pero sino iyon? Anong klaseng nilalang? Lobo ba o isa ring bampira? Iyon ang mga katanungan niya sa kanyang sarili habang naglalakad patungo sa isang puno at dahan-dahang umupo.

Agad naman siyang sinundan ni Lyka. “Franco, hindi ka ba masaya? Makikita mo ang kapatid mo. Hindi ba’t ang saya mo nung araw na nagkita kami ng kuya kong si Ciro? Gusto kong makita ulit iyon sa’yo. Ito na ang pagkakataon para makabawi sa kapatid mo. Alam kong mag-kaiba ang sitwasyon natin, pero kapatid mo iyon at kailangan ka niya ngayon.”

Tinitigan niya ng mabuti si Lyka. Nakangiti ito para sa kanya kaya naman agad kumlma ang kanyang nararamdaman. Tama nga ang lahat ng sinabi na kanyang mahal. Kailangan ng kanyang kapatid ang tulong niya. Kailangan niyang maging masaya para sa sarili niya. Saka na lamang niya iisipin ang gumugulo sa kanyang isipan kapag kapiling na niya ang kanyang kapatid.

Muling tumayo si Franco at sumama muli sa grupo. Napangiti naman ang kanyang amang si Raul.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon