A/N: Si Thana yung nasa gilid na isa sa magalin g na kontrabida sa mga K-drama. Hahaha!
________
Kasalukuyang nasa kakahuyan sina Rodolfo at si Vamolf na limang taon na. Nag-eensayo ang mag-ama sa mga basic na atake at depensa. Kahit ganun pa kabata si Vamolf ay talagang subsob siya sa pag-eensayo. Dahil gusto ni Rodolfo na maging matapang at malakas si Vamolf balang araw.
Sa mga taon na lumipas noon ay ganito lang ang gawain nila araw-araw. Mabuti nalang at hindi pa rin sila pinupuntahan ni Thana na alam ang lahat ng nangyayari sa kanila dahil kay adolfo na siyang taga-balita dito. Hindi pa rin nakikialam si Raul, dahil ang gusto niyang unahin ay yung Suju Clan na hindi pa rin matigil ang paghahasik ng lagim sa gitna ng kagubatan. Ito rin ang dahilan ni Thana, dahil malaking gulo ito pag nakipag-away pa sila sa mga Suju clan, baka lumabas pa ang iba pang grupo na nagtatago lang sa malaking kagubatan na iyon.
_______
"Lyka! saan ka naman galing bata ka?" tanong ni Maia kay Lyka na kararating lang at tuwang tuwa pa.
Nag-anyong tao na ulit si Lyka mula sa pagiging wolf nito. "Diyan lang po inay, nagtatatakbo lang. Hehehe!" hinahabol pa nito ang kanyang paghinga. "Ang galing po nito Inay, lalo na pag nasa anyong lobo ako. Nakakatuwa. Hehehe!" dagdag pa ni Lyka at umupo na sa mesa para mag-agahan.
"Osha, kumain ka na diyan." at ginulo gulo pa ni Maia ang buhok ni Lyka. "Teka, nasan na ba yung mag-amang yun. Kanina pa hindi umuuwi ah." napatingin at tila nagulat naman si Maia nung dumating na si Rodolfo at si Vamolf na nasakasay pa sa balikat nito.
"Narito na kami, namiss mo naman agad kami. Hehehe!" bungad ni Rodolfo at inupo na niya si Vamolf sa tabi ni Lyka.
"Kasi naman kanina pa kayo wala, nag aalala lang naman ako." sabi ni Maia at bigla nalang siyang hinalikan ni Rodolfo sa pisngi at tuluyan na sila nagsipag-kainan.
Samantalang si Adolfo naman ay nakamasid lang at lumisan na para magbalita kay Thana.
__________
"Nakakasiguro ka ba ni si Maia ay isang vampire?" tanong ni Thana kay Adolfo.
"Oo Lady Thana! at may dalawa na silang anak nung wolf na iyon." sagot ni Adolfo.
Napa-hiss nalang si Thana sa kanyang narinig. "Matagal ko nang gustong puntahan yung lugar na iyon, dahil sa SUJU clan na yan hindi matuloy-tuloy."
"Wala po akong napansin ni isang miyembro ng Suju clan nung bumalik ako dito Lady Thana. Kaya maaari na kayong magpunta roon." sabi ni Adolfo na pangiti-ngiti pa.
"Magaling! humanda ka, magsama ka at pupunta tayo dun ngayon din." at bigla nalang nawala si Thana.
________
Kasalukuyang nag-eensayo naman si Raul sa kanyang tirahan ng dumating si Thana para kausapin ito.
"Anong kailangan mo at naparito ka?" tanong ni Raul na nag pu-push up pa.
Napatingin naman si Thana sa magandang katawan ni Raul na para bang gusto itong lapitan pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. "Naparito ako para ibalita sayo na may kalahi niyo na nagmamahal pa rin sa mga kalahi namin." sagot ni Thana na nililinis kunwari ang mahabang kuko nito.
Tumayo na si Raul at nagpunas ng pawis. "Akala ko makikipagtunggali ka sakin na nag-iisa lang. Haha!" pagbibiro ni Raul. "Ibig sabihin, may sumusuway parin sa patakaran natin." dagdag pa ni Raul.
"Hahaha! Ano naman kung nag-iisa ako. Kaya ko kayong tapusin lahat nang ako lang." sagot naman ni Thana sa biro ni Raul. "Malamang ganun na nga, at may dalawa na silang anak ngayon Raul." dagdag pa ni Thana.
"Huwag kang magmayabang Thana, narito ka sa kampo ko. Hahaha!" sagot naman ni Raul na ikinabahala naman kunwari ni Thana. "Anong binabalak mo ngayon?" sunod na tanong ni Raul.
"Ano pa nga ba ang gagawin sa mga traydor? Kundi ang patayin lang. Hindi ka ba nag-aalala sa mga posibleng mangyari? Malay mo mas malakas pa sa iyo ang anak nila, dahil pinagsamang lakas ang lahi nila." Paliwanag pa ni Thana.
"Maaaring tama ka, pero ang pagpatay sa kapwa naming lobo ay hindi ko papayagan Thana!" Galit na sabi ni Raul at onti-onti itong nag-aanyong lobo.
Napaatras naman si Thana. "Mabuti pang sumunod ka, para ikaw mismo ang makakita sa kanila!" sabi ni Thana at bigla ulit itong nawala.
_________
Kasalukuyang nagsisibak ng kahoy si Rodolfo at pinapatulog ni Maia si Vamolf. Hindi nila alam sa pagkakataong yun na may panganib na paparating sa kanila.
Palapit na sila Thana at ang mga kasama nito, ganun din si Raul sa kabilang dako. Nais nilang hulihin sila Rodolfo at Maia dahil sa paglabag nila.
Nagulat nalang si Rodolfo nang marinig niya ang boses Thana.
"Aah! dito pala kayo nabubuhay ng masaya. Magaling!" bungad ni Thana na paikot-ikot lang kay Rodolfo. Sila Thana ang unang dumating kaya naman may posibilidad na mapatay sila Rodolfo.
Narinig naman ni Maia ang boses ni Thana na ikinatakot din niya at hindi alam kung anong gagawin.
"Nasaan ang asawa mo? ang mga anak mo? Nasaan sila" sunod sunod na tanong ni Thana kay Rodolfo na hawak pa rin ang palakol na ginagamit niya kanina.
"Huwag mong idamay ang pamilya ko Thana! Kung gusto mo, ako nalang! Huwag na sila." Pakiusap naman ni Rodolfo.
Napatawa nalang si Thana. "Hahaha! nakakatawa ka Rodolfo, ang isang katulad mo nakikiusap sa isang katulad ko? Isa kang hangal Rodolfo. Hahaha!" Pang-aasar pa ni Thana.
Humigpit ang pagkakahawak ni Rodolfo sa palakol na marinig niya iyon. "Umalis na kayo!! namumuhay kami ng tahimik ng pamilya ko!!" nasabi lang ni Rodolfo.
Dahil sa sigaw ni Rodolfo, nagising si Lyka at nakaamoy ng kakaiba at para sa kanya ay isang panganib yun. "Inay, anong nangyayari? Nasaan si Itay?" mga tanong ni Lyka.
Sinenyasan lang siya ng kanyang Ina na tumahimik muna. "Sssh! sandali lang Lyka, huwag ka munang lumabas." Hanggang sa may nakarinig silang sigaw mula sa labas.
May isang vampire ang natumba na wala ng ulo dahil napalakol na ito ni Rodolfo sa sobrang galit.
"UMALIS NA KAYO! KUNG AYAW NIYONG MAUBOS DITO!!!" sigaw pa ni Rodolfo pero nagulat siya nang mapunta na sa likod niya si Thana at nakatutok na ang mahabang kuko nito sa leeg niya at inaamoy-amoy pa.
"Thana!!" sigaw ni Raul na kararating lang at may kasama pang limang lobo. "Rodolfo? ikaw pala yung tinutukoy ni Thana na traydor sa ating lahi." matigas na sabi ni Raul nang makita si Rodolfo.
"Raul? parang awa mo na. Pabayaan niyo nalang kami ng pamilya ko na mamuhay ng payapa." Pagsusumamo ni Rodolfo na ikinais naman ni Thana.
"Hisss! Kung wala kang gagawin Raul ako na ang gagawa." Inilabas na ni Thana ang kanyang pangil at aakmang kakagatin ang leeg ni Rodolfo ngunit may pumigil sa kanya at napatalsik dun si Thana.
"Huwag niyong sasaktan si Itay!!!" Galit na sabi ni Lyka na nanlilisik na ang mata at pinipilit niyang magbago ng anyo ngunit pinigilan naman siya ng isang vampire na kasama ni Thana.
"Lyka!!!" sigaw ni Rodolfo nang tumalsik si Lyka mula sa pagkakahawi ng kalaban sa kanya. Nanlisik na din ang mata ni Rodolfo at tuluyan nang nag-anyong lobo ito.
Takot na takot lang si Vamolf na nakayakap sa kanyang ina. "Sandali lang anak ah, diyan ka muna." pero ibinaba naman din ito ni Maia dahil hindi na niya kaya ang makita pang nasasaktan ang mag-ama niya. Nagbago na din ang anyo ni Maia at lumabas na ang mga pangil nito.
Nagtinginan lang sila sa isa't isa at naghihintayan kung sion ang unamng aatake.
Itutuloy . . . . .
